DAZE

26 1 1
                                    

This is Daze POV before the incident happened.

_________

'You don't meet people by accident, maybe they are your LESSON to meet your greatest nightmare'

I'm freezing when I walk at the hallway of the University. Today is my first day, nakakapagtakang iilan pa lang kami sa klaseng ito

"Aren't you scared?" Seryoso ngunit pilosopong saad ng isang lalaki sa gilid ko

"Should Id be scared of?" Mausisang tanong ko sa kanya pero nginisian nya lang ako

Nakakapagtaka ang bawat sulok at paligid ng lugar na 'to, puro kadiliman lang ang makikita. Parang isang prinsipe ng lugar na 'to ang lalaking katabi ko ngayon

"I'm Jaxon" hilatya nya at inilahad ang kamay sa akin

"I'm Daze"

__________
Isang linggo matapos kong makapasok dito ay walang pagbabago, hindi ko batid kung bakit pero dadalawa lang kami sa klaseng iyon. Si Jaxon at Ako lang ang studyante na nasa Class A. Nakakapagtaka

Mula ng makapasok ako dito ay tila nawala lahat ng alaala ko patungkol sa labas. Nakakalimutan ko na kung sino ako sa labas, parang may hipnotismo na nababalot sa buong katawan ko

Naglalakad ako patungong Class A nang makita ko ang presensya ni Jaxon sa pasilyo habang hawal hawak ang isang mahabang patalim

Nagtago ako sa likod ng mga dingding tsaka sya pasimpleng sinundan. Nakangisi nyang hinarap ang isang lalaki habang mahigpit ang hawak sa kutsilyong hawak nya

"Long time no see, Clorton" Seryosong saad ni Jaxon

Gulat ang presensya ng lalaki nang makita ang biglaang pag sulpot ni Jaxon sa harapan nya, pero kusabg napawi iyon at malaking nginisian ang lalaking kaharap nya na si Jaxon

"Nagsawa ka na rin ba?" Pilosopong tanong ng lalaki kay Jaxon

Nanggagalaiting tumingin si Jaxom sa kanya, ngunit matindi pa rin ang pagpipigil nya habang hawak ang matulis na bagay

"Anong gusto mong posisyon kapag namatay ka?" Tila seryoso ngunit pormal na saad ni Jaxon

"Tila nadala mo na ang kabaduyan ni Zafira" tumatawang mapang asar na sagot ng lalaki

"May hang over pa ako, Jaxon. Wala akong oras sa pakikipag usap. Kung inutusan ka ni Zafira na kausapin ako, pakisabing nasa locker ko ang sagot sa mid term exam's" mapang asar na dagdag ng lalaki bago bahagyang banggain ang braso ni Jaxon

Nang makalayos ang lalaki ay umuusok ang tenga ni Jaxon na mahigpit ang pagkakahawak sa patalim, humaagos na ang dugo nya sa lupa pero patuloy pa rin ang pag higpit ng hawak nya doon

Ang akala ko'y doon na nagtatapos ang lahat, nang biglang patakbong sinunggaban patalikod ni Jaxon ang lalaki. Dala dala ang patalim na may dugo ay higit sa isang beses nyang ibinaon iyon sa dibdib ng lalaki

"Ako na ang nag desisyon ng pagkamatay mo"

Tumayos si Jaxon na tila ba nasisiyahan sa mga nangyayari. Pinunasan nya ang dugong tumalsik sa mukha nya bago kuhanin ang telepono nya

"Zaf, tapos na. Nagawa ko na"

Nagmadali akong umalis sa kinatataguan ko kanina nang mapansing paalis na sya. Naiwang nakabulagta paharap ang lalaki sa sahig habang naliligo sa sariling dugo

May kung ano sa akin na tila ba hinihila ako palapit sa walang buhay nyang katawan pero pilit kong pinigilan nang makita kong nasa harapan ko ang presensya ni Jaxon

"Pawis na pawis ka 'ata"

____________

Sunod sunod ang mga pangyayaring kakaiba sa paligid ko, madalas na hindi pumapasok si Jaxon. Patuloy ako sa pagmamasid sa kanya pero tila palaging nalilihis ang tingin ko sa kanya

Madalas nyang kasama ang isang babae, hindi ko maipinta ang ekspresyon nya dahil palagi itong blangko. Kakaiba din ang pananamit nya dahil tila isang manikang kinokonrol ang presensya nya

"Daze, ikaw na sunod" nanlamig ako nang marinig ko ang masayang tinig ni Jaxon.

Tila ba may dalawang bagay siyang ipinahihiwatig sa akin nang sabihin niya ang mga ito.

"Pumila ka na, masyadong mahaba ang pila" dagdag ni Jaxon habang nakaturo sa mahabang pila ng cafeteria

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya bago diretsong magtungo sa harapan ng pila. Studyante ako ng CLASS A  kaya't may ibang pila para sa pagkain namin. Paanong hahaba ang pila, kung dadalawa lang kami sa klase?

Sinundan ko lamang ang mga yapak ni Jaxon tungo sa sinasabi niyang pila, ngunit ilang hakbang pa lamang ang nalalakad namin ay biglaang namatay ang maliwanag na ilaw ng cafeteria.

Napuno ng hiyawan at takot ang loob nito habang ako ay tila ba hindi na maisip ang gagawin at tanging ang pagtayo lamang sa kung saan ako naroroon ang nagawa ko.

Nawala si Jaxon sa paningin ko...

Ang sunod ko na lamang nasaksihan ay ang pagkitil ni Jaxon sa mga buhay ng mga taong malalapit sa kanya...

Hapo ko ang hininga ko habang direktang nakatingin kay Jaxon na tila ba naisisyahan sa kanyang ginagawa.

Nanlamig ang buong katawan ko nang biglang magtungo sa akin ang direksyon ng nga mata niya.

Bahagyang napangisi ang kanyang labi na tila ba may sinasambit na mga salita.

"Mamamatay ka kasama ng demonyong nasa loob ko"

Nang mabasa ko ang galaw ng labi niya ay tuluyang nabuhusan ng malamig na likido ang buong pagkatao ko.

Sa pagbukas muli ng liwanag ay sinalubong ako nito ng tagang bumaon sa mukha ko.

He is Jaxon. The prince of hell. The one who kill me.

Traitor.

CLASS A room 2/4 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon