Kamatayan. Kamatayan. Kamatayan. Buhay...
Tanging nais ng nakakarami...
Kamatayan nga ba ang sagot sa katahimikan?
O...
Dito pa lang mag uumpisa ang labanan na hindi mo kakayaning makalaban?.
Does hell have an ending?
____________They already met their nightmare...
Some of them died...
...but most of them were pretending to be alive.
"Kaya mo pa ba?" Bahagyang iginalaw ko ang mata ko nang marinig ang lagsasalita ni Cain.
"Kahit na sagutin ko ang tanong mo ay nababatid kong wala rin namang mangyayari" walang emosyong sabi ko.
Dalawa na lang kaming natira. Nailayo sa amin si Niel nang magpumilit itong hanapin ang babae niya.
Parehas nang pagod ang katawan namin. Hindi ko na batid kong makakaya pa nito ang mga susunod na paghihirap na aming dadanasin.
Nakaupo kami ni Cain sa gitna ng kadiliman habang patuloy na inaantay ang paglabas ng kamatayan.
"Mamamatay na tayo..." Bakas sa tono ni Cain ang pagkatakot, dahil sa mga pangyayaring nagaganap.
Ramdam ko ng pagtingin ng presensya niya sa akin habang patuloy na nagsasalita.
"Alam mo naman sigurong tanging iisa lang ang maaring makaligtas, hindi ba?" Napapikit na lamang ako habang patuloy na humuhigot ng lakas upang masagot ang lahat ng katanungan ni Cain.
"Gusto ko pang mabuhay, Max" ang mga katagang ito ay tila ba nagpagising sa akin.
I wanted to kill him.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang matulis na bagay na hawak niya malapit sa leeg ko.
"Magparaya ka na, Max" batid kong wala na sa tamang pag iisip si Cain sa mga oras na ito.
Hindi ko siya sinagot at nananatiling kalmado lamang.
Hindi ako kailanman natakot sa anomang patalim na tatagos sa katawam ko.
"Masyado nang mahaba ang buhay mo. Napakadaya mong traydor ka!" Madilim ang kanyang presensya habang ang mata ay tila ba nababalot na ng kadiliman.
"Traydor ka, Max! Ikaw ang pumatay kay Huri!" Naglalagablab sa galit ang bawat salota niya na para bang totoo ang iniisip niya.
Sa mga oras na ito ang tanging gusto ko na lamang mapatalsik si Cain.
"Sigurado ka ba sa mga koklusyon mong iyan, Cain?" Pinilit ko ang pagsasalita na walang bahid ng kahinaan habang tila ba naihihiwalay na ang kalahati ng katawan ko sa akin.
"Do you want to kill me?" Tuluyang dumilim na rin ang aura ko habang nakatingin sa mga mata niya.
"I'll do it" mabailis kong kinuha ang balisong sa kamay niya at akmang itatarak na sa leeg ko nang pigilan ako nito.
Madiin ang pagkakahawak ko sa dulo balisong dahilan upang tuluyang umagos ang dugo sa kamay ko.
"Mierda, bitawan mo" kita ng mga mata ko ang panginginig ni Cain habang patuloy ang pag agos ng dugo ko.
"You know nothing about killing people, Cain. Madali kang malinlang" sinagi ko ang kamay niya at pabagsak na binitawan ang kanyang balisong.
Muli kong naipikit ang mata ko habang ramdam ko ang unti unting pag agos ng dugo ko sa kamay, dala ng malalim na pagkahiwa ng balisong.
"I wanted to kill them. I wanted to kill you, Max, but I can't"
Tila nasisiraan na ng ulo si Cain habang patuloy ang pagbanggit ng mga salitang batid kong hindi niya ninanais na sabihin.
"He said, I needed to kill you for me to be free"
Nakikinig lamang ako sa mga imahinasyon ni Cain habang inaantay ang paglisan.
Sa tansya ko, hindi na tatagal ng isang araw si Cain. Masyado nang naapektuhan ang kanyang isipan at sa mga oras na ito ay nababatid kong delikado na siya.
"Max" napatingin ako sa gilid ko nang marinig ang pagtawag ng isang pamilyar na boses.
Nangingitim na ang labi ni Niel habang nakahawak sa tagilirang nababatid kong inaagusan na ng dugo.
Bago pa siya makalapit sa amin ay tuluyang bumagasak siya kalahating metro malapit sa kinalalagyan ko.
Sa mga sandaling iyon ay tuluyang natahimik na rin si Cain. Nawlan siya ng malay hawak hawak pa rin ang mga imahinasyong gawa gawa lang ng kanyang isipan.
Ako na lang ang nananatiling mulat pa. Hindi ko batid kong tanging kaming tatlo na lamang ang buhay, pero kung kami na lang talaga ay nababatid kong wala nang matitira pa.
Nauubusan na ng dugo ang katawan ni Niel, habang si Cain ay nilalamon ng mga koklusyong nagpapahina ng kanyang buong pagkatao.
Sinubukan ko ang pagtayo ngunit hahawakan ko pa lamang ang bakal sa likuran namin ay tuluyang bumagsak din ako sa katawang hindi ko malaman kung kanino.
Tuluyang nanlaki ang mata ko nang makita ang inaagnas nang mukha ng isang estudyante na nakaharap mismo sa kinalalagyan namin. Isang bangkay na nababatid kong higit limang araw nang nakaratay.
Doon lamang lumiwanag ang aming paligid at napagtanto kung anong kugar ang binagsakan namin...
Puno ng mga inaagnas na bangkay ang hallway kung saan kami nakaupo...
...hindi lang inaagnas ngunit prenteng nakabukas ang kanilang mga mata na tila ba nakatuon sa bawat paggalaw namin.
Sa unang pagkakataon ay nailabas ko ang kanina ko pa nais ilabas dahil sa masangsang na amoy.
Halos mailuwal ko na maging ang lamng loob ko dahil sa tanawing nakikita ko sa paligid ko.
Nang wala na akong mailabas ay hihingal hingal kong iniangat ang ulo ko.
Doon ko naaninag ang isang pamilyar na tao hawak hawak ang isang panaga, hindi kalayuan sa kinalalagyan ko.
Jaxon.
Kakaiba ang mukha niya at tila ba tuluyang binabalot ng kadiliman ang presensya niya. Bahagya niya pang ibinaba ang kanyang panaga nang ibato niya ito sa isang estudyante. Kasabay nito ay ang paglabas ng isang demonyo.
Si Zafira.
Masaya ang kanyang mukha habang nasasaksihan ang ginagawa ni Jaxon.
Batid kong hindi nila ako nakikita...
Si Jaxon...
Isang traydor.
Nanggalaiti ang mukha ko habang nasasaksihan ang mga bagay na ginagawa ni Jaxon. Walang awang pinapatay niya ang bawat isa.
ngunit sa pagmamatyag ko ay nakalimutan ko ang panganib na nakaamba sa akin.
Bago ako tuluyang magising sa sarili kong panaginip ay tuluyan nang nandilim ang paningin ko nang makita ang isnag pamilyar na aura
"I'm Daze, it's nice watching you suffering from a far"
BINABASA MO ANG
CLASS A room 2/4
Mystery / ThrillerSouth Black University is the university where students do not study normally, showing their abilities is the only focus, they don't believe in the word trust until a class named Class A room 2/4 comes out. Have you ever heard the story about the sp...