"Okay ka lang?" Tanong ni Huri ng makita akong tulala sa isang gilid.
Ako si Thana, I think I'm the most dangerous quiet person in this place.
"Yup" sagot ko at bahagyang ngumiti.
"Nakita kong hinabol mo si Jax kanina, type mo?" Kuryosong tanong ni Huri habang may mapang asar na ngiti at tingin sa akin.
"Hindi" maikling sagot ko habang nakatingin naman ngayon sa sahig.
"Wag ka na magdeny, mabait naman si Ninong Jax" tumatawang aniya at ginaya ang ekspresyon ni Jaxon.
Iba iba ang mga mararamdaman mo kapag nakapasok ka sa unibersidad na ito, nakakatakot ang paligid pero exciting ang bawat kaganapan, masayang makihalubilo pero nakakalungkot na malagasan. Ilang araw pa lang ang pamamalagi namin dito at sa bawat araw ay gusto kong malaman at makilala ang bawat sulok ng paligid nito.
Isa akong baguhang naging madilim ang nakaraan mula ng mapasok ako sa lugar na ito.
'Sa susunod kong oras aalalahanin ko ang magandang ngiti ni Kendra at ni Axel.'
"You know what? Si Jaxon ang pinaka totoong tao saamin" Hilatyang ani ni Huri bago ako bahagyang tinabihan.
"Hindi ka tao?" nagbibirong tanong ko.
"I mean puro ang ugali ni Jax, hindi niya kayang magsinungaling sa kahit sino" pagpapaliwanag nito at isinandal ang ulo saakin.
"Bukod kay Neon, si Jax lang ang naging kaibigan ko dito" dagdag pang sabi ni Huri.
"Mahirap kaseng kaibiganin si Max, Cain, Niel, pati na si Blake. Masyado silang matatalino" ani nito.
Parehas nalang naming naihiga ang katawan habang nag-ke-kwentuhan. Dalawa nalang kaming tao sa loob ng dormitoryong ito, wala nang dumagdag ng mawala si Kends.
"Parang pamilya ko na kase si Jaxon, kaya sa kanya na ako pinaka dikit ngayon" pagkukwento ni Huri habang binibilang ang mga butas na nasa dingding ng dormitoryo.
Batid kong hindi nagkakalayo ang edad namin ni Jaxon, siguro ay mas matanda lang sya ng kaunti.
"Narinig kong tatlo din kayong pumasok dito" anang ani ko, bahagyang natahimik si Huri.
"I didn't mean to--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita si Huri.
"Okay lang. Actually Neon, Davin and me are childhood friends" pagkukwento nito.
"Ako lang ang may gustong pumasok ng South Black. Hindi ko rin alam kung anong nagtulak sa akin upang pasukin ang impyernong lugar na ito" saad muli ni Huri.
Hindi ko batid ang naiisip niya pero mukhang sa panahong ito ay nasasaktan pa rin siya. Hindi ako ganoong kasamang tao para hindi malaman ang nararamdaman ng mga nasa paligid ko. Si Huri ang una kong naging kakilala sa loob ng unibersidad na ito. Madugo ang nakaraan niya matapos na makapasok sa lugar na ito at iisa ang storyang kinatatayuan namin.
"Ayaw ni Neon dito dahil kakaiba ang pakiramdam niya, pero dahil ako lang ang babae sa kanila ay nakumbinsi ko si Davin."
"Walang nagawa si Neon kaya pumayag na rin siya."
"After 3 days na pagpasok namin dito, nakita ko si Davin na nakahandusay" dagdag pa nito tsaka ipinakita ang hiwa sa bandang kamao nya.
"Parehas sila ng itsura ni Kendra at parehas din sila ng araw ng pagkamatay" dagdag nito.
"Pagkatapos ng araw na iyon ay ako na palagi ang sinisisi ni Neon."
Katulad ni Huri ay nalayo na din ang loob sa akin ni Axel. Ako ang kasama ni Kendra sa araw araw, palaging hiwalay sa amin si Axel dahil lalaki siya, hanggang sa huling araw ni Kendra ay ako ang kasama niya. Batid kong ako din ang sinisisi ni Axel sa mga nangyayari.
"Sa palagay ko ay ganiyan na rin ang tingin sa akin ngayon ni Axel" may pekeng ngiting nakaukit sa mga labi ko habang binibigkas ang salitang 'yan.
"Mabuting tao si Axel pero kaparehas ng kwento mo ay mukhang nakakain na siya ng pangsisisi" dagdag ko pa.
Napabuntong hininga kami parehas nang parehas naming mailabas ang mga hinagpis sa puso namin.
Pero hindi kaya planado ang mga bagay na ito?.
Parehas ng kaganapan.
Parehas ng araw.
Hindi pwedeng nagkataon ang mga ganitong bagay sa loob ng unibersidad na ito.
"Hindi pwedeng makipagsalamuha ang mga normal sa mga may potensyal, kaya pinapatay ang mga distraksyon" saad ni Huri.
Parehas kaming nakatulog sa kwento ng bawat isa. Umaga pa lang at parehas kaming walang kain dahil sa naudlot na pagpupulong kanina. Nang magising ako ay agad akong lumabas para masinagan ng araw. Masyadong maputi ang mga balat ko kaya palagi akong nagpapainit para hindi ako magmukhang bangkay.
Papunta ako ng cafeteria ng mamataan ko ang presensya ni Zafira sa isang gilid.
Matagal ko ding hindi nakita ang isang ito.
"Kamusta mahal na Diavolo?" Putol putol na saad nito habang batid kong kumakalam na ang sikmura nya.
"Tigilan mo ang pagtawag saakin ng Diavolo" galit kong saad.
Mula ng una ay si Zafira ang parati kong nakikita sa dilim. Madugo ang magkabilang mata niya habang prenteng nakangiti ang mga labi niya. Para siyang isang manika.
"Hindi ako demonyong katulad mo" dagdag na saad ko pa.
Sa susunod na araw ay batid kong may bibiktimahin na naman ang isang ito. Nalaman kong batas niya ang araw ng lunes, at ang kinabukasan ay unang araw na ng linggo.
"HA.HA.HA nagbibiro ka Diavolo" malademonyong tawa nito.
"Patayin mo ako ngayon na kung biro ang tingin mo sa sinabi ko" seryosong sabi ko tsaka ibinigay ang isang matalim na bagay.
Lumayo na ako kay Zafira at nagtungo sa gitna ng unibersidad. Malaking gate ang sumalubong sa amin bago kami pumasok dito, pero ngayon ay tila ba naglaho na parang bula ang malaking gate na iyon
Akmang dideretso ako sa malaking puno nang bigla kong mapansin ang isang presensya sa likuran ko.
Babae ni Niel.
"Hi" nakangiting bati nito.
Peke akong ngumiti sa kaniya bago siya talikuran, pero bago pa man ako makatalikod ay nakawakan niya na ang braso ko.
"Hindi kase sinasagot ni Neon ang tawag ko" inosenteng saad nito na para bang walang nangyari.
"Hindi mo napagtagumpayan ang plano mo tama ba?" ngising sabi ko.
Huli na ang lahat, kailanman ay hindi mababayaran ng pagsisisi niya ang kasalanang nagawa niya.
"Ano bang sinasabi mo?" pilit na ngiting tanong niya.
"Kay Niel ang kapit mo dahil sya ang itinuturing na mahina" sarcastikong saad ko at inilihis ang kamay niya sa braso ko.
"Pero ngayong hindi mo napagtagumpayan ay batid kong nagsisisi ka" dagdag ko pa, napayuko naman sya ng kusa at nawala ang pekeng ngiti sa mga labi nya
"Hindi ko alam ang sinasabi mo" pagmamaang maangan nya habang nagagaralgal ang boses
"Wala sa plano mo ang umibig kay Niel, pero nagawa mo pa rin" saad ko bago umalis at iwanan syang nagsisisi
Tukso laban sa plano. Ano nga bang magwawagi?
Ganger
>>Don't forget to vote, comment, and share<<😚
BINABASA MO ANG
CLASS A room 2/4
Mystery / ThrillerSouth Black University is the university where students do not study normally, showing their abilities is the only focus, they don't believe in the word trust until a class named Class A room 2/4 comes out. Have you ever heard the story about the sp...