Maingat akong naglalakad habang walang ganang pinagmamasdan ang mga bagong saltang studyante.
Ngayon nalang ulit ako nakakita ng mga bago mula nang pumasok ako sa unibersidad na ito.
'Pagtapos ko ay wala nang nagtangkang sumunod pa'
"Hindi kayo pwede jaan" pag saway ko nang mapansin na sa unang klase nakatuon ang parehas na paa ng dalawa.
Delikado ang pagpasok sa unibersidad na ito ngunit sadyang mas magiging mapanganib kapag sa unang klase ang magiging bagsak mo.
Kung nais mong mamatay ng maaga ay nababatid kong nababagay ka sa silid na iyon.
"Ito ang sinabing klase sa amin ng signora" ani ng isang babae.
Mahaba ang buhok niya at nakatali ito sa magkabilang gilid, mapupusok ang dalawang mata habang prenteng nakangiti ang mga labi.
Mukha siyang isang manika.
Manikang kakambal ng kapahamakan.
'Hindi ko gugustuhing mauna ang bangkay nito sa unang palapag'
"Nagkamali ang ginang kung'gayon. Doon kayo sa ikatlo" walang ganang pagtukoy sa ikatlong silid at bahagyang nakikipag matahan pa sa babaeng mukhang hindi nagugustuhan ang pagsabat ko sa kanilang usapin.
Kung ngayon pa lang ay pakikinggan na nila ang mga salita ko ay baka mailayo pa sa kanila ang kapahamakang sa likod nila ay maikakabit sa oras na maitapak nila ang kanilang mga paa sa loob ng unang klase.
Tinaasan naman ako ng kilay ng babae, bago tiningnan muli ang isang papel na nakadikit sa dingding.
"May problema ba rito?" Prenteng naigalaw ko ang aking ulo sa gilid nang marinig ko ang biglaang pagpasok ng boses ng signora.
"Wala" Malamig na sagot ko.
Nakakuha ako ng masamang tingin sa ginang habang pinagmamasdan ang dalawang studyante na nasa harapan ng unang klase.
Bahagya ko pang minatahan ang mga bagong salta bago tuluyang umalis sa kanilang harapan.
Paghahasa bago ang kamatayan.
"Hindi ko inaasahang muli mong maitataas ang pangalan mo" nakangising sabi ng presidente na si Max na mahigpit ang hawak sa isang papel.
CLASS A
room 2/4•Max
•Neon •Blake
•Cain •Axel •Niel
•Huri •Thana
•JaxonHindi na ako nagtatakang nailipat muli ako sa klaseng iyan. Marami ang nagpapakitang gilas para makapasok sa mundong mayroon kami. Ang alam ng lahat ay puro kasiyahan at espesyal na trato ang ibinibigay sa mga studyanteng nakapaloob sa unang klase, pero ang hindi nila alam ay isang impyerno ang naghihintay sa kanila sa mga oras na pumasok sila sa klaseng demonyo ang namumuno.
Susubukan pa rin kaya nilang mabuhay kapag nalaman nila ang katotohanang tanging kami lang ang nakakaalam?
"Nakakapagtakang habol na naman ako ng professor niyo. Pakisabi sa kaniyang sa Class C na ang tahanan ko" direktang sabi ko. Akmang lalagpasan ko na si Max ng bigla nitong hilahin ang braso ko.
Si Max ang isa sa mga studyanteng nagtagal sa imyernong buhay sa loob ng Class A. Mataas ang posisyon niya kaya iginagalang siya ng mga taong nakapaligid sa kanya, maliban sa akin.
BINABASA MO ANG
CLASS A room 2/4
Mystery / ThrillerSouth Black University is the university where students do not study normally, showing their abilities is the only focus, they don't believe in the word trust until a class named Class A room 2/4 comes out. Have you ever heard the story about the sp...