"Ikaw si Blake tama ba?" mausisang tanong ko habang kaharap ang isa sa mga studyante ng A.
"Yeah" maikling saad nito habang nakabilad din sa araw.
Mas maputi ang balat nito sa akin at kulay berde ang mga mata.
"Ako si--" 'di ko natapos ang sasabihin ko ng magsalitang muli sya.
"Alam ko" hindi interesadong aniya.
Tumabi akong umupo sa kaniya habang siya ay nakahiga at nakaunan ang ulo sa dalawang braso.
"Kailan ka pa dito?" mausisang tanong ko.
Hindi pa ako pamilyar sa mga bagay na nasa paligid ko, interesado akong malaman ang lahat ng bagay dito, maging ang mga pinaka ila ilalim nito.
"Nauna akong dumating kay Huri" sagot nito at bahagyang inimulat ang mga mata.
Lagi kong napapansin ang pagiging tahimik ng isang ito pero kapag si Niel at Neon ang kasama niya ay para bang nagiiba ang mundo niya. Gusto kong may mapagkatiwalaang kaibigan sa lugar na ito, bukod kay Huri at Blake ay wala na akong ibang kakilala pa.
"Anong potensyal mo?" kagaya ng tanong ng iba ay itinanong niya rin saakin 'yan.
Kaya kong gayahin ang buong itsura mo higit pa sa iniisip mo.
Tumalikod ako sa kanya at nagpunta sa likod ng puno. Inisip ko ang itsura niya at bahagyang pumikit. Nang makalabas ako sa likod ng puno ay gulat syang napatingin saakin.
Si Blake ang ika unang taong nakaalam ng potensyal ko.
Natawa nalang ako ng makita ang pagseseryoso ng mukha nito. Iba ang pakiramdam ko kay Blake, batid kong mapagkakatiwalaan siya.
"Ito ang potensyal ko" nakayukong sabi ko ng makita niya ang pagbabalik ko sa itsura ko.
"Hindi ka dapat nagtitiwala basta basta" walang emosyong saad muli ni Blake.
Kunot noo ko naman siyang tinignan habang ang mga mata ay unti unting lumiliit.
"Baguhan ka at walang alam sa paligid, madali ka lang basahin" seryosong sabi ni Blake at tsaka muling naupo.
"Hindi ko gustong sabihin 'to pero, miski ang mga kaibigan mo ngayon ay 'wag mong pagkakatiwalaan. Maging ako" muling saad nito.
Napakagulo ng mga pangyayari.
Naiwan akong nakaupo sa ilalim ng puno habang nasisinagan ng araw. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang pagka-kaba. Saksi ako sa lahat ng kaganapang nangyari sa lugar na ito mula ng makapasok ako dito--pwera sa insidenteng nangyari kay Kendra.
Naisipan kong bumalik muli sa unibersidad upang nagmuni muni, ngunit bago pa man ako makapasok ay naharang na ako ng mga nagkakagulong studyante, napaka ingay at tila ay may kaniya kaniyang mga manok. Doon ko lang napagtanto na isang away ito laban sa dalawang lalaki.
Tila isang biro lang sa kanila ang pag aaway ng mga ito sa gitna, nang biglang ang isang lalaki ay bumunit ng isang matulis na bagay sa kaniyang bulsa.
"Lumayo ka na riyan!"
"Pakitawag ang mga taga A!"
Nakangiting hawak ng isa ang patalim habang unti unti itong itinatarak sa leeg ng kaniyang kalaban, nanlabot ang katawan ng isang lalaki at kusa na itong bumagsak sa sahig. Ang akala ko ay doon na magtatapos ang lahat, ngunit sinunggaban muli ng lalaki ang biktima habang patuloy ss pagtarak ng kutsilyo sa dibdib nito.
"Anong ginagawa mo?" Tila pormal pang tanong ni Jaxon sa lalaking nakaupo sa dibdib ng biktima
"Anong ginagawa mo?!" Pag uulit niya ngunit mas malakas ang boses kaysa sa nauna
BINABASA MO ANG
CLASS A room 2/4
Mystery / ThrillerSouth Black University is the university where students do not study normally, showing their abilities is the only focus, they don't believe in the word trust until a class named Class A room 2/4 comes out. Have you ever heard the story about the sp...