N

28 1 1
                                    


AX
_____

Normal na araw.

Nagising ako na tila ba kakaiba ang pakiramdam, nananakit ang buong katawan habang ang tagiliran ay tila ba tinutusok. Hindi ko maalala ang nangyari sa akin bago ang umaga, kusa na lamang akong dinala ng enerhiya ng makita ang kakaibang pamilyar na presensya. Nang mabalik ang wisyo ko ay doon ko na lamang napagtantong nag iisa na lang ako.

"Axel?" Mulat ang mata ni Niel habang hapo hapo ang pag hinga.

"Saan ka nanggaling?" Kunot noong tanong nito

Pilit na tinawag ng sarili kong mga bibig sila Niel at Max, ngunit batid kong hindi rin nila napansin ang paglayo ko. Kakaiba ang pakiramdam ko, para bang pilit na binubura ang lahat ng ala-ala ko sa isang gilid ng dilim.

"Nagpahangin" sa hindi malamang dahilan ay tanging ito lamang ang naisagot ko kay Niel dahilan upang napangiwi siya at bahagyang umurong.

Kasabay ng kanyang pag urong ay ang pagdilim ng kanyang presensya palayo sa akin. He looks nothing like Niel.

Nilalamon na ako ng imahinasyon dahil sa tatlong araw na gutom. The Niel I saw is just an illusion.

Ramdam ko na ang oanghihina na tila ba humihila na sa akin tungong kamatayan.

"Tulong!" Sigaw ko nang tuluyang maibalik ang wisyo.

I couldn't move my body. Ramdam ko ang pagbigat ng buong katawan ko habang inuubos ang enerhiya sa pagtawag ng saklolo.

"Tulong---" mas lalo kong nilakasan ang pagsigaw ko ngunit sa pagkakataon na ito ay tila ba sa bawat letrang naisambit ko ay ang pag ukit ng matulis na bagay sa dibdiban ko.

Napaungol ako sa sakit habang ramdam ang bawat letrang tumatatak sa buong pagkatao ko.

Hindi ko na batid ang aking paligid. Tila ba nahiwalay na sa aking kalamnan ang mga balat sa aking dibdiban. Ginagantsilyo ng kawalan ang aking kalamnan na tila ba pagtawag na ng kamatayan.

Sa mga oras na ito ay mas nanaisin ko na lamang ang pagkamatay, kaysa sa dahan dahang sakit na patuloy kong nararamdaman.

Nang patuloy akong nanghihina ay tuluyang nawala ang aking malay habang hapo hapo ang pag ungol dahil sa sakit na nararamdaman.

Mas nanaisin ko pang mataga na lamang sa ulo, sa mga oras na ito....

________

"Please, don't hurt me" takot at pagmamakaawa ang nananaig sa akin habang prenteng binabalot ng kadiliman.

Nailayo ng mga paa ko ang landas kila Cain. Nagkahiwalay kami nang hatakin ako ng kadiliman tungo sa isang silid.... Silid kung saan tila ba tindig ng aking balahibo ang kaliwanagan. Hindi ko akalaing mas nanaisin ko pang makita ang kadiliman kaysa sa reyalidad ng kaliwanagan.

Ramdam ko ang takot sa aking buong pagkatao, hindi ko kayang sundin ang ipinag uutos nilang huwag magpapadaig sa anumang emosyon.

Parehas na nakatali ang kamay ko sa makabialng dulo ng poste. Kung wala akong nakikita ngayon ay masasabi kong nakatali nga lamang ang aking mga kamay ngunit kasalungat naman nito ang tunay kong nakikita.

Baon hanggang buto ang tila ba nakapakong tali sa mga kamay ko. Ang pag agos ng dugo sa gitna nito ay tila ba takot sa aking pagkatao.

Wala akong ibang taong maaninag maliban sa isang madilim na presensyang nakatayo lamang sa aking likuran. Hindi ko mabatid kung sino ito, ni hindi ko nga malaman kung tao nga ba ang nasa likuran ko.

"Cain!" Tawag ko habang binabalot ng kilabot.

Wala na akong ibang maisip na gawin kundi hingin ang tulong nila, kahit pa nababatid kong tanging ako lamang ang nakakarinig ng bawat pag sigaw ko.

Ipinikit ko ang mata ko at marahang hinanap ang sarili.

"I need your help" pagsambit ng mga salita sa aking isipan.

They said I couldn't use my potential...

Sa isang iglap lamang ay panibagong anino ang napunta sa harapan ko.

I know this presence.

"Za-Zafira" nanlalambot ang boses ko habang takot na nakatingin sa kanya.

Nagawa ko.

Nagawa kong tawagin ang anino ko sa gitna ng kadiliman.

Natatakot ako.

Hindi marahil baka mas lalong maging delikado ang buhay ko, kundi dahil batid kong iniisip niyang nagiging isa na ako sa kanya.

I can summon Zafira.

Hindi ko ko malaman kung sa paanong paraan ngunit, nanguari ang lahat ng ito noong araw na mawala si Kendra...

...Si Zafira ang tumulong sa akin lumaban, habang pinagtatavuyan ako ng kaibigan kong si Axel.

After that day, I just found out na unti unti ko na siyang napapaamo at unti unti na akong nagiging siya.

"Kailangan mo akong tulungan" nananaig pa rin ang takot sa akin ngunit mas pinili kong sambitin ang mga katagang iyan.

Tila tuluyan nang namanhid ang dalawang palad ko. Sa bawat pagbaon ng pako ay tila ba tusok ng karayom n lamang sa akin, at sa bawat pag agos ng dugo palayo sa katawan ko ay tila ba wala na sa akin.

Si Zafira ang lakas ko.

Ngunit, ako ang kahinaan niya.

Nakatayo lamang ang demonyo sa harapn ko habang walang ekspresyong nakatingin sa kinalalagyan ko.

Ang pagsalubong ng mata ko sa kanya ay tila ba naging hudyat niya upang kalagin ang mga bagay na naibaon sa aking mga kamay.

Batid kong alam ni Zafira ang mga bagay na iniisip ko, at nababatid ko rin na alam niya ang takot na nararamdaman ko sa mga oras na ito

Marahan at dahan dahang tinanggal nito ang bawat pako na nakabaon sa mga kamay ko. Marahan at dahan dahan, dahilan kung bakit mas maramdaman ko pa ang kirot sa bawat pagtanggal ng mga ito sa akin.

Ang pagbaon ng mga pakong iyon ay tila ba tuluyang naghilom. Mabilis na sana akong aalis palayo sa kanila nang bigla kong maramdaman ang pagbigat ng pakiramdam ko.

Ang mga mata ko kaninang puno ng lakas ay tuluyang naibagsak ang hinagpis.

Naramdaman ko ang pagbaon ng taga sa likuran ko habang nababatid kong si Zafira ay nakatayo malayo sa akin.

Ramdam ko ang kapanatagan nang paligid nang tuluyang mailayo sa akin ang katawan ko. Tanaw ko ang mata niyang nagliliyab habang walang emosyong nakatanaw sa akin ang demonyong si Zafira.

Tuluyan na akong nilamon ng kuryosidad. Totoo nga ang sinabi nila na tanging ang isipan ko lamang ang papatay sa akin.

Isang kaibigan...

...ang papatay sa kanila.

Taga.

CLASS A room 2/4 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon