004

66 2 0
                                    

-AXEL

Tahimik kaming nakamasid sa paligid. Ilang oras na ang lumipas mula nang mawala sa paningin namin ang presensya ng mga kasamahan ni Thana, batid kong pinaghiwalay na naman kami.

Bahagya ko sanang ipipikit ang mata ko nang bigla kong maramdaman ang kapirasong papel sa kamay ko.

'Mapa'

Tila nagkaroong muli ng utak ang mga kamay ko at kusang nililibot ang bawat parte at gilid ng mapa.

"May problema ba, Max?" Naputol ang pag iisip ko ng biglang tarantang tumayo si Max.

"Narinig ko ang boses ng kaibigan mo" hilatyang ani ni Max sa akin.

Seryoso ang mga mata niya at madilim ang presensya ng postura. Kakaiba sa unang Max bago mawala si Neon .

"Naalimpungatan ka ba?" Pabirong tanong ni Niel ngunit nakakuha lamang siya ng masamang tingin kay Max.

Kinuha ko ang patalim na nasa gilid ko at agad na naglakad palayo sa kanila. Nasa panganib si Thana.

"Thana!" Pagtawag ko sa pangalan niya habang inaanalisa ang paligid.

"Thana!" Napahinto ako ng kusa ng marinig ko ang sunod sunod na kalabog sa isang kwarto.

"Naalimpungatan lang si Max" ani ni Niel ng makarating sila sa likuran ko.

Seryoso ko siyang tiningnan at sinenyasan na tumahimik. Hindi nagkakamali ang pandinig ko, lalo't pare parehas kaming nasa isang kulob na lugar kung saan wala miski isang bintana, kaya batid kong narinig nga ni Max si Thana.

"Anong problema?" Tanong ni Max.

Tumahimik ang loob ng pinto, habang nakamanman lang kaming pare parehas sa labas ng pinto.

"Magmamanman nalang ba tayo?" Inip na tanong ni Niel.

Sinenyasan ako ni Max na takpan ang bibig ni Niel, pero tiningnan ko nalang soya ng masama dahilan para mapasapo siya sa kaniyang noo.

"Thana?" Kumakatok ako sa pintuan habang tinatawag ang pangalan ni Thana, ngunit imbis na sumagot ay mas lalong tumahimik ang paligid namin. Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay ni Niel sa pintuan tsaka ito binuksan. Kataka takang wala miski isang anino ng isang tao ang nasa paligid. Sobrang dilim at halos wala na akong makita.

"Bumalik nalang tayo" ani ni Niel habang naka-gitna sa amin ni Max.

"Tulong!" Bago pa kami makalabas ay pare parehas kaming napaurong ng kusang magsara ang pinto at isang malakas na sigaw ang pare parehas naming narinig.

Napatakbo ako sa isang gilid kung saan narinig ang sigaw ni Thana, pero sa kasamaang palad ay hindi kinakaya ng mata ko ang kadiliman sa lugar na ito. Nakakahilo ang bawat paligid sa sobrang dilim, tila umiikot ang bawat sahig na aking tinatapakan.

"Damn!" Rinig kong angil ni Max.

"Anong nangyari sa 'yo?" Mausisang tanong ni Niel na batid kong hindi rin alam kung nasaan si Max.

"Nothing." Maikling sagot ni Max.

Kapa kapa ko ang bawat daanan habang patuloy sa pagmamasid. Hindi ko alam kung saan patungo ang kwartong ito, masyadong mahaba ang pasilyo at habang tumatagal ay pakitid ng pakitid ang bawat daanan. Dire-diretso lang ang paglakad ko hanggang sa makita ko ang dulo ng dilim, akmang bibilisan ko ang paglakad ng bigla ko nalang maramdaman ang kamay sa braso ko. Bago pa man ako maka palag ay nawalan na ako ng balanse--dahilan upang makontrolin niya ako.

_______________

"Max, pwede bang magpahinga muna?" Anas ng binata ng makaramdam ng pagod.

Hindi nila tanaw ang paligid, sa bawat segundong lumilipas ay tila ba bumabagal ang bawat paggalaw

CLASS A room 2/4 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon