Experimental 002

68 2 0
                                    

"Technopathy" pare parehas na natulala ang lahat at puno ng galit ang nararamdaman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Technopathy" pare parehas na natulala ang lahat at puno ng galit ang nararamdaman.

Kusang bumaba ang kadenang nakapalupot sa kanila. Pare parehas silang nanghina ng makalapag sila sa sahig--kaharap ang kalat kalat na parte ng katawan ni Blake.

"Binalaan ko kayong wag isipin ang pagboto" mahinahon ngunit seryosong ani ni Neon habang nakatupi ang parehas na kamay.

"Tangina Neon magmamarunong ka nanaman! Isa ka rin naman sa mga bumoto hindi ba?" Galit na ani ni Niel.

"Nagmamarunong? May naitulong ba yang abilidad mo sa pwesto natin ngayon?" Maoagbantang tono ni Neon.

"Puro ka yabang! Bakit hindi nalang ikaw ang namatay?!" Kusang napukaw ni Niel ang atensyon ng lahat ng sabihin niya ang bagay na 'yan.

"Antayin mo. Batid kong ako na ang susunod" tila isang hudyat ang sinabi ni Neon. Napatigil si Niel sa pagsasalita at kusang napayuko.

Pare parehas silang wala sa sarili. Ang sariwang dugo ni Blake ay nakakalat pa rin sa sahig. Si Blake ang tangi nilang pag asa upang kumonekta sa mga salita, pero ngayong wala na siya ay si Jaxon na lang ang natatangi nilang pag asa.

"K-Kaninong dugo 'yan?" Nagising ang presensya ng lahat ng biglang magsalita si Thana.

"Malaya na si Blake" walang emosyong ani ni Max.

Bukod kay Niel ay si Blake ang pinaka matagal na nakasama ni Max, lalo pa't iisang dorm ang kinalalagyan nila.

"May naaalala ka ba?" Tanong ni Axel kay Thana nang bumangin na ito.

"Lima kaming nasa iisang kwarto, walang mukha ang isa. Kusang nawala ang presensya ni Blake ng lapitan siya ng isang babae" saad ni Thana habang inaalala ang bawat detalye.

"Nasa tubig kaming lahat ng mawala ang presensya ni Blake, ilang minuto ang makalipas ay pati si Jaxon ay nawala rin bigla" dagdag na ani ni Thana.

Seryoso sa pag iisip ang bawat isa. Magkakaiba iba ang kanilang konklusyon pero sa iisang salita ay tugma silang pare pareho 'Panlilinlang'.

"Tugma ang abilidad sa pagkamatay nila. Si Huri ang pinaka malakas sa pisikal, Si Jaxon ang kaisa isang taong kayang kuntrolin ang emosyon ng bawat isa, si Blake ang pinaka matalinong kumunekta--" nasa isang gilid si Max habang patuloy na inaalisa ang mga pangyayari.

"Hindi pa patay si Jaxon" pagputol ni Thana.

Pare parehas silang napatingin kay Jaxon ng bigla itong gumalaw, kasabay ang paggising ni Cain.

"Jax" unang banggit ni Cain habang tulala na nakatingin sa kasamahan.

Bago pa nila malapitan ang dalawa ay kusang tumunog ang mikropono ng ginang. Tila hudyat muli ng kamatayan.

"Pasado kayo sa unang numero" pare parehas na tumaas ang balahibo nila at tila ba kay Neon napupunta ang lahat ng atensyon.

"You already have what it takes, Neon"

Pare-parehas na gulat ang presensya nila ng biglang may isang nakamaskarang babae ang humila sa paahan ni Neon.

"Susi tungo sa buhay" ani ng ginang hudyat sa ikalawang numero.

Nawala ang presensya ni Neon sa silid huling segundo bago magdilim ang paligid at masilayan ang mga dugong nakaukit sa buong silid.

Naging tila isang malaking screen ang silid at lumabas doon ang presensya ni Neon katabi ang isang walang malay na lalaki.

"Napaka boring ng laro niyo. Bakit hindi niyo nalang ako patayin" nakangising ani ni Neon.

Hawak ng nakamaskarang babae ang dalawang kamay niya, habang ang lalaking walang malay ay nakatakip ang mukha.

"Hindi kita kayang patayin kaibigan. Bakit kaya isa nalang sa kanila ang patayin mo?" Malaki ang boses ng babae at ramdam ang pagiging matikas nito.

"Sa tingin mo ba pinaniniwalaan ka ng mga kasamahan mo? Dalawang beses ka nang nakampante dahilan para mag sakripisto ang dalawa mong kaibigan" seryosong saad ng babae.

"Hindi mo alam... baka isa sa mga kasamahan mo ang dahilan ng pagkamatay nila. Kakatwang isipin na nalilinlang kayo" dagdag ng babae.

Nabalot ng katahimikan ang paligid ni Neon. Patuloy sa pagmamatyag ang mga kasamahan niya, hindi nila alam ang gagawin, mas lalong tumibay ang kaninang tensyon na nananaig sa kanila. Hindi nila alam kung paniniwalaan ang sinasabi ng babae o hahayaang patayin nalang ng konklusyon.

"Nililinlang niya tayo" walang emosyong ani ni Max.

"Nagkakamali ka, Max. Nakakalimutan mo bang nililinlang mo na rin noon pa man ang mga kasamahan mo" sarkastikong tumawa ang babae at itinaas ang parehas na kamay.

"Makakalabas na sana kayo, kung hindi mo sinunog ang laboratory" natigil ang lahat at pare-parehas na tumingin kay Max. Nag iba ang presensya ni Neon at humigpit ang hawak sa bakal na nakatali sa kaniya.

"Hindi lang demonyo ang nanlilinlang, kadalasan 'yang mga malalapit sa inyo" namatay ang screen at dumilim ang paligid nila. Kahit hindi nakikita ang isa't isa ay ramdam nila ang pagkagalit.

"Totoo ba?" Unang salitang binigkas ni Jaxon ng bumukas ang ilaw.

Madilim ang presensya nilang lahat at pare parehas na pinaniniwalaan ang sinabi ng babae.

"Hindi" walang emosyon na sagot ni Max.

"Hindi nagsisinungaling si Max" ani ni Niel habang minamasdan ang kulay ni Max.

"Bakit kaya hindi si Axel ang tanungin nyo?, hindi bat sya ang huling kasama ni Huri?" Suhesyon ni Max.

Madilim ang presensya nilang lahat at hindi alam ang gagawin. Walang kwenta ang lahat ng potensyal nila, tanging ang kay Niel lang ang gumagana dahil hindi niya pinakikiramdaman ang mga nasa paligid niya. Emosyon ang nananaig sa lahat pero ang kay Niel ay mas umaangat ang pagiging kalmado.

"Bago ako sa lugar na 'to. Hindi ko kayang humawak ng patalim" madilim na sagot ni Axel.

"Nahasa ka ata sa pagsisinungaling" ngising ani niya kay Max.

"What did you say?" Tila naiinis na saad ni Max.

"Bakit kaya hindi ka nalang umamin?" Pilosopong sabi ni Axel.

"Pinagbibintangan mo ba 'ko?" Batid sa tono ng pananalita ni Max ang pagka inis.

"Nauubos ang oras natin pero ang presensya niyo ay nakatuon pa rin sa pagsisisihan. Huli na talo na tayo" humarang sa gitna si Cain at ipinakita ang pulang panyo.

"Hindi lang ito laban tungkol sa kamatayan, laban din ito ng kasinungalingan".

"Sa oras na 'to mahirap nang magtiwala" walang emosyong ani ni Thana bago lumayo sa kasamahan.

Laban tungo sa kamatayan o pwersa ng kasinungalingan?.

Aakalain mong ang isang espesyal na pagsusulit ay magiging isang laro nalang sa kanila, isang kaganapan tungo sa eksperimento ng kamatayan . DOS








>>Don't forget to vote, comment, and share<<😚

CLASS A room 2/4 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon