Blake 6 A

63 4 2
                                    

Nakasandal muli ako sa isang puno nang mapansin ko ang mabilis na pag lapit sa akin ni Cain.

"Nakakapagod makakita ng mga kaawa awang katawan" sumisinghap na sabi ni Cain habang ipinapagpag ang damit

Tila isang normal lang na araw ngayon, walang kumpol ng studyante ang nakapaloob sa buong unibersidad. Pare-parehas na lamang kaming napapabuntong hininga habang tinitingnan ang katawan ng panibagong biktima.

"Nakakapagtakang magkakaparehas ang bawat memoryang nakikita ko sa mga biktima" kunot noong ani ni Neon ng mahawakan nito ang palad ng biktima.

Halos hindi na makilala ang mukha nito at tanging ang I.D na lamang ang nakakapagkilanlan sa kaniya. Nakakaawa.

Naliligo sa sariling dugo at puno ng galos ang buong katawan. Mukhang nanlaban bago tuluyang harapin ang kamatayan.

"Pare parehas na kinuha ang mga mata nila" sabing muli ni Neon habang hawak ang kalahating mata nito.

"Nakakadiri ka" nandidiring bulong ni Niel.

Nakangisi naman siyang tiningnan ni Neon bago inilagay sa garapon ang nakuhang mata ng biktima at ibinigay sa nananahimik na si Max.

"Nakakapagtakang hindi na lamang loob ng tao ang puntirya ngayon ni Zafira, pati na rin pala ang mga mata" mausisang sabi ko.

"Hindi kaya may ibang demonyo nanamang pinalabas ang angkan ni Madame Bovary?" Hilatya ni Cain.

"Imposible pero posible paniguradong magpapatayan sila ni Zafira bago pa man makalapit ang 'bago' sa biktima" seryosong nakatingin si Neon sa amin habang inuusisa pa rin ang biktima.

"Depende kung isang gayuma ang 'bago' at natutong paamuhin ng madali ang isang demonyo" nakapangalumbabang sagot ni Max na tila may ibang pinupuntirya.

"Bakit hindi mo kaya subukang harapin ang mukha ng suspect?" Suhesyon ko kay Neon.

Si Neon lang ang nakakakita ng pangyayari bago ang kamatayan. Posibleng nakikita niya rin ang mukha ng suspect habang inaanalisa ang bawat pangyayari.

"Maniwala man kayo o hindi pero mula ng mailipat ako sa C ay hindi ko na nagagawa ang bagay na 'yon" paliwanag ni Neon habang pilit na tinitingnan ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Nang mabagot si Neon ay tumayo siya at itinuro ang katabi kong si Cain.

"Subukan mo" utos ni Neon kay Cain bago walang atubiling inilapit si Cain sa biktima.

Kita sa mga mata ni Cain ang pagkadiri at pagkatakot sa biktima, ito ang una niyang krimen kasama ang potensyal niya.

Lumapit siya sa biktima at hinawakan ang pulsuhan nito, pilit niyang pinagagana ang potensyal niya pero batid kong hirap pa rin siya.

"Ayaw gumana" sumisinghap na aniya.

Pare parehas kaming walang teorya sa kung ano ang pakay ng isang demonyo sa mata ng mga biktima. Hindi ko batid kung nag iba lang ang paniniwala ni Zafira o totoong may bagong demonyong nakalabas muli sa hawlang bakal. Ang nasisiguro ko nalang ngayon ay ang kamatayan bawat araw.

Tanging si Max lang ang kampante sa paligid namin. Tila walang isipin. Mukhang sa presensya niya ngayon ay batid kong ipinagtatagpi tagpi niya na ang bawat hinagap na naiipon niya.

"Blake kuhanan mo ng dugo ang isang 'yan" pag uutos ni Max.

Agad akong nagtungo sa biktima tsaka ito kinuhanan ng dugo. Pare parehas kaming naguluhan nang makitang kakaiba ang kulay ng dugo nito.

"Gumawa na naman ba ng panibagong demonyo ang angkan ni Madame Bovary?" Kunot noong ani ni Neon.

Agad namang nilapitan siya ni Max at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Tigilan mo ang pakikipag biruan" walang emosyong saad ni Max, sinangga naman ni Neon ang kamay niya.

"Nakalimutan niyo atang henyo ako ng agham" birong muli ni Neon.

"Ginugulo tayo ng suspect" sabat namang saad ni Cain.

Noong una pa lang ay puro posibilidad ang iniisip ng bawat isa sa amin, magkakaiba ang iniisip naming maysala pero ngayon mukhang unti unti nang mabubuo ang mukha ng suspect sa isip ni Neon at Max.

"Tawagin nyo si Axel" paguutos ni Jaxon.

Agad namang umalis si Cain para tawagin si Axel. Kahit kailan talaga mukhang alipin ang isang iyon.

"May nawawalang isang bagay, batid kong si Axel lang ang makakahanap" saad muli ni Max.

Batid kong alam niya na ang potensyal na meron si Axel.

Nang makarating si Axel ay agad siyang napaurong nang makita ang nakahandusay na biktima.

"Bigyan niyo ng plastic ang isang 'yan, ayokong makakita ulit ng lugaw" pagbibiro na naman ni Neon tsaka bahagyang tinakpan ang mata na para bang mas nandidiri sa suka kaysa sa hawak nyang mata at dugo.

"Umalis ka na Neon" walang emosyong saad ni Max.

Bahagya namang umawang ang labi ni Neon at inis na nilapitan si Axel.

"Ma--" magsasalitang muli sana si Max ng biglang hahangos na lumapit sa amin si Huri kasunod si Niel.

"Jax, si Thana nawalan ng malay" hihingal hingal na sabi ni Huri bago hilahin si Jaxon at Axel.

Naguumpisa nang kalabanin ng potensyalang sarili nila.

"Nasa laboratoryo ang iba pang ebidensya ng mga biktima kayo nalang ang bahala" ngising sabi ni Neon bago inihagis kay Max ang kapirasong mata ng biktima at mabilisang umalis.

Nang makaalis si Neon ay parehas na kaming sumunod ni Max sa kaniya at nagtungo sa kwarto nila Huri.

Namumutla at namumuti ang mga labi ni Thana habang para bang binabangungot ng sariling isipan.

"Hindi niya makotrol ang potensyal nya kanina pa" mahinahing paliwanag ni Huri.
 
Hindi na bago ang ganitong pangyayari pero kakaiba ang nangyari ngayon kay Thana at kay Axel. Naging tila kulay itim na ang buong mata ni Thana. Kanina lang ay kontrolado niyang ipinaalam saakin ang potensyal niya.

"Katulad kay Axel ay hindi nya din makontrol ang emosyon niya kanina" dagdag pa ni Huri.

Mistulang naging isang mahimlay na bangkay ang naging postura ngayon ni Thana, sumabay pa ang pagkapula ng paligid ng mata niya.

"Pan--" magsasalita sana ulit si Huri ng bigla akong sumabat.

"Ipinaalam niya sa akin ang potensyal niya" saad ko kaya sa akin nila naibaling ang atensyon.

"Higit na mahina ang potensyal niya kaysa sa potensyal ni Niel" nakangisng dagdag ko.

Kunot noo akong tiningnan ni Max dahil sa iniaasta ko ngayon. Mula ng dumating si Thana at Axel dito ay nagkagulo ang lahat ng pangyayari.

"Walang kwenta ang potensyal niya sa oras ng pakikipaglaban" dagdag kong muli at bahagyang lumayo sa kanila

"Isang delubyo ang dala--" di ko pa natatapos ang sinasabi ko nang sapakin ako ni Axel.

"Huwag kang umastang gago sa harapan ko, Blake. Hindi mo pa tuluyang nakikilala si Thana" galit na saad ni Axel bago tuluyang umalis.










>>Don't forget to vote, comment, and share<<😚

CLASS A room 2/4 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon