Ang Kaarawan (Pagpapatuloy)

16 3 2
                                    

Nagising si Nalu dahil sa ingay na nanggaling sa labas ng kwarto. Agad siyang bumangon at kinuskos ang dalawang mata na halatang umiyak ito. Bakas sa mukha niya ang pagkalungkot ng siya ay naglakad patungong kusina upang tingnan ang sanhi ng ingay. Pagkatingin niya ay wala ang Lola Rosa niya roon.

“Lola Rosa? ”

Muli, may ingay na narinig si Nalu mula sa labas. Unti-unti siyang dumako papuntang pinto upang buksan ito. Idinikit niya muna ang kanyang tainga upang pakinggan kung sino ang nasa labas ng kanilang bahay.

“Huwag ka nga kasing maingay. Baka marinig ka niya. ” saad ng isang babae.

“Mahirap po ang hindi mag-ingay lalo na kapag ito ang ginagawa mo.” ang sabi ng isa pang babae.

Hindi maunawaan ni Nalu ang kanyang mga narinig dahil sumasabay rito ang ingay mula sa kanilang ginagawa.

“Mabuti naman pala at ayos na. Humanda na kayo, akin na siyang pupuntahan. ” mula sa isang pamilyar na boses.

Nagulantang si Nalu nang biglang bumukas ang pinto habang nakasandal siya rito dahil pinakikinggan niya ang mga usapan.

Napadapa siya at nang tingalain niya  kung sino ang nagbukas ay mas lalo siyang nagulat.

“MALIGAYANG KAARAWAN NALU!” sigaw ng mga taong nasa labas kasabay ng pagputok ng mga konfeti at mga palakpakan.

Tinulungan siyang tumayo ni Lola Rosa, kung saan siya ang nagbukas ng pinto. At nang maaninag na niya ang mga taong naroroon ay tsaka na lang niya naisip na ito ay selebrasyon para sa kanyang kaarawan.

“Maligayang Kaarawan Nalu!” bati ng kanyang Lola Rosa.

Hindi pa rin makapagsalita si Nalu dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Hindi niya namalayan na may mga luha nang pumapatak mula sa kanyang mga mata na ngayon ay mas lalong namumugto dahil sa pag-iyak niya kanina.

“Akala mo ba nakalimutan ko ang kaarawan mo? Paano ko naman makalilimutan ang kaarawan ng napakabait kong apo. ” ang sabi ni Lola Rosa.

“Totoo po ba ito? Hindi po ba ako nananaginip? ” tanong ni Nalu.

“Hindi ka apo nananaginip. Para sa iyo talaga ito.” ang sabi ni Lola Rosa habang pinupunasan ang mga luha na nanggaling sa namumugtong mga mata ni Nalu.

Isang malaking ngiti na lang ang naisagot ni Nalu sa kanyang Lola Rosa kasabay nito ay ang mahigpit na pagyakap niya sa kanyang lola.

Hindi siya makapaniwala na may selebrasyon na magaganap sa kanyang kaarawan dahil hindi niya alam kung paano ito naitago sa kanya ng kanyang Lola Rosa.

Naroroon sina Pepe, kasama sina Lolo Amang at Lola Sitang, ang kanyang Ate Karen kasama si Lola Celia, mga iba pang kaibigan, kaklase, at kapitbahay.

“Maligayang Kaarawan sa iyo Nalu! ” pagbati ni Pepe sabay abot nito ng kanyang regalo.

“Nag-abala ka pa Pepe. Maraming salamat! ”

“Pagtiyagaan mo na iyang regalo namin sa iyo apo.” ang sabi ni Lola Sitang, ang lola ni Pepe.

“Hindi naman po talaga ako naghahangad ng anumang regalo. Hindi ko rin naman po talaga aakalain na may paganitong selebrasyon po pala si Lola Rosa. Maraming salamat po. Upo po muna kayo. ” saad ni Nalu.

Sa kanilang bakuran idinaos ang munting selebrasyon para sa kaarawan ni Nalu. May mga makukulay na banderitas at mga lobo. May mga lamesa at upuan din na nakaayos kasama ng isang hilerang lamesa na puro mga pagkain.

“Maligayang Kaarawan Nalu! ” bati ng kanyang Ate Karen.

“Salamat po Ate Karen!”

“Ito nga pala ang regalo namin sa iyo. Sana ay magustuhan mo” ang sabi ni Lola Celia.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nang Pumatak Ang UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon