Kasalukuyan.
Katatapos lang magluto ni Grace ng paborito naming Sinigang ni Ginny. Tamang-tama dahil ang magandang araw ng Linggo ay biglang napalitan ng pag-ulan. Habang humihigop ako ng sabaw ay biglang nagtanong si Grace.
“Saan mo ba nakuha iyong istorya na isinusulat mo? ” pagtatanong ni Grace sa akin.
“Noong isang araw kasi, nakita ko sa 'internet' yung 'post' nung apo niya. Eh alam mo naman na maka-lola ako, kaya ayun, nangalap ako ng impormasyon. Pinuntahan ko mismo sila sa kanila. Tapos nagtanong kung ano nangyari. ” ang sabi ko.
“Ano pong nangyari tatay? ” pagtatanong ni Ginny.
“Anak, abangan mo na lang bukas sa dyaryo. ” natatawa kong sinabi.
“Oo nga pala, yung takdang-aralin mo ba natapos mo na? ” ang tanong ko naman kay Ginny.
“Pagkatapos ko pong kumain, tsaka ko po tatapusin. Nay, pwede pong patulong?”
“O siya, sige, tapusin mo na iyang kinakain mo para makapagsimula na rin tayo. ” ang sabi ni Grace.
Pagkatapos namin kumain ay agad na akong nagtungo sa kwarto upang ipagpatuloy ang isinusulat kong istorya. Habang nagsusulat ako ay hindi ko maiwasang maalala ang pangyayari nang nagpunta mismo ako roon.
“Maganda umaga po sa inyo! Ako nga po pala yung kausap niyo po kahapon po sa telepono na mag-iinterbyu po sa inyo tungkol po roon. ” ang sabi ko.
“Ganoon po ba, halika po kayo at pumasok po muna kayo. Maghahanda lang po ako ng meryenda. ” ang sabi ng isang dalaga na nasa edad 20 na siguro.
“Sige salamat. ”
Nilibot ko ang aking mga mata sa kanilang bahay. Hindi naman ito kalakihan pero maayos naman. Nang napadako ako sa tapat ng kanilang telebisyon sa itaas ay mayroon kabinet. Nakapaloob sa kabinet na iyon ang isang litrato na may katabing bulaklak. Agad kong namukhaan ang nasa litrato na iyon. Hindi ako nagkakamali na iyon ang lola na ipinunta ko. Biglang dumating ang dalaga na may dalang tinapay at inumin.
“Maupo po muna kayo, Sir? ” tanong nito sa akin.
“Nalu. Nalu Dominguez. ” pagpapakilala ko naman.
“Sige po Sir Nalu. Kain po muna kayo. Pasensya na po at iyan lang po ang naihanda ko. ” paghingi ng pasensya nito.
“Walang problema. Salamat din at nag-abala ka pa. ”
Umupo na ako at umupo na rin siya sa akung tapat.
“Ano nga pala ulit ang pangalan mo? ” pagtatanong ko.
“Air po. Ako po si Air Flores. Dalawampung taong gulang na po. At iyon naman pong tinitingnan niyo po kanina na litrato, siya naman po si Lola Visitacion. Lola Tasyang na lang po. ” ang sabi nito.
Medyo nahiya ako, dahil nakita niya pala akong tinitingnan ang litrato kanina.
“Pasensya na. Nakikiramay rin pala ako sa pagpanaw ng Lola Tasyang mo. ”
“Salamat po. Tiyak po na tuwang-tuwa po iyon ngayon. ”
Uminom ako ng inihanda niyang inumin at tsaka kumain ng ilang pirasong tinapay.
“Kung handa ka nang magkwento tungkol sa Lola Tasyang mo, sige lang. Pero kung hindi pa, makakaya ko namang maghintay, hanggang sa handa ka nang magkwento. ” ang sabi ko kay Air.
“Handa na po ako. Ayos na po. ” ang sabi ni Air sa akin.
Naglabas ako ng panulat at susulatan ko. Nagsimula na siyang magsalaysay tungkol sa kanyang Lola Tasyang.
BINABASA MO ANG
Nang Pumatak Ang Ulan
Fiksi Umum"Walang makatatalo at makahihigit sa tunay na pagmamahal ng isang lola." May sisikat pa kayang araw sa buhay ni Nalu sa kabila ng patuloy na pagbuhos ng ulan sa kanyang buhay, kasama ng kanyang pinakamamahal na lola na si Lola Rosa. Halina't alamin...