Ang Sulat

29 6 7
                                    

Nagtungo si Lola Rosa sa pinto upang alamin kung sino ang kumatok. Nagulat siya dahil si Karen pala ito, ang matagal na niyang kapitbahay. Tinuturing na niya itong anak-anakan, dahil madalas itong bumisita sa kanya upang kumustahin siya.

“Karen, ikaw pala. Kumusta ka naman na. Napabisita ka? Halika at pumasok ka muna. ” pag-anyaya ni Lola Rosa kay Karen.

“Pasensya na po sa abala, Lola Rosa. May iaabot lang po sana ako sa inyo. ” sabay pakita ng puting sobre kung saan may sulat na nakapaloob dito.

“Halika sa kusina at kumain ka muna ng turon na niluto ko. ”

“Hindi ko na po tatanggihan, Lola Rosa. ” sabay tawa nito.

Pagkapasok nila ay dumiretso sila sa kusina. Nagulat si Karen, dahil nadatnan niya roon si Nalu na kumakain ng turon.

“Lola Rosa, 'di po ba si... ”

“Si Nalu, ang apo ko. ” pagtatapos ni Lola Rosa.

Napatango na lang ng mabagal si Karen, habang umuupo sa silya.

Akmang tatawagin sana ni Nalu si Lola Rosa upang ituloy ang kwento, pero hindi na niya ito nagawa.

“Saglit lang at ikukuha kita ng plato at tinidor. Magkwentuhan muna kayo ni Nalu. ”

“Sige po Lola Rosa, salamat po. ”

Tinitingnan ni Karen si Nalu at ganoon din si Nalu. Biglang nabasag ang katahimikan ng dumating si Lola Rosa na may dalang plato at tinidor.

“Nagkausap na ba kayo? ” pagtatanong ni Lola Rosa.

“Apo, Nalu, magpakilala ka sa Ate Karen mo. Kapitbahay ko siya rito. Doon siya sa pangalawang bahay, kahilera lang din natin. ” dagdag nito.

“Magandang hapon po Ate Karen! Ako po si Nalu. ” pagpapakilala nito.

“Ikinagagalak kitang makilala, Nalu. Ako naman si Karen. Ate Karen na lang itawag mo sa akin. Gaya nga nang sabi ng Lola Rosa mo, kapitbahay niyo ako. Diyan lang ako nakatira, malapit lang. Ikalawang bahay, mula rito. ”

“Kumain ka Karen. Ano nga pala iyong dala mo? ” tanong ni Lola Rosa.

“Ito pong sulat. Nagpunta po kasi ako ng bayan, dahil po may kukunin din po akong sulat. May ipinasabay na rin po yung kartero, kung sakali na ako na lang daw po ang mag-abot sa inyo, dahil marami raw po silang ginagawa kaya hindi sila maka-alis. Tinanggap ko na rin po at sinabi ko po na idadaan ko na nga lang po sa inyo. ” sagot ni Karen.

“Ganoon ba. Salamat ng marami, Karen. Pero sino naman ang nagpapadala sa akin ng sulat? Matagal na akong hindi nakatatanggap ng sulat, ang huli pang padala sa akin ay noong... ” napahinto sa pagsasalita si Lola Rosa dahil may naalala siya.

“O siya, kumain na muna kayo diyan ni Nalu at ilalagay ko lang muna ito sa kwarto. Salamat ulit sa pagdadala nitong sulat. ” pagpapasalamat ni Lola Rosa.

“Walang anuman po Lola Rosa. ”

Iniwan ni Lola Rosa sina Nalu at Karen sa kusina. Biglang nagtanong si Nalu kay Karen.

“Ate Karen, ano po yung sulat na iyon? ”

“Nako, Nalu, hindi ko naman binuksan iyon, tsaka bawal mong buksan ang sulat kung hindi naman para sa iyo. ” sagot ni Karen.

“Ahhh, ganoon po ba. Pasensya na po. ”

“Ayos lang. Nga pala, nasaan ang mga magulang mo? Magbabakasyon ka ba rito? Ang aga naman ng bakasyon mo. ” sunod-sunod na pagtatanong ni Karen.

Hindi agad nakasagot si Nalu, bagkus ay kumain lang ito ng turon.

Habang naghihintay ng sagot si Karen ay biglang dumating si Lola Rosa.

Nang Pumatak Ang UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon