CRIMSON: Odette
"I like what you did kanina ah" I looked at him with confusion in my eyes. Hindi ba siya magagalit sa ginawa ko? "I like that new side of you son. Don't worry I'll help you with it." Hindi ako kumibo at hinayaan siyang kausapin ako. Ngayon ay papasok na kami ng mansion at nagtataka pa rin ako sa ngising makikita sa kanyang mga labi.
"Help me with what Papa?"
"Go to your room and wear anything na kumportable ka." sabi ni Papa na naningkit na sa ngiti.
Pumunta ako sa kuwarto at inilagay sa dapat na kalagyan ang backpack at sabay hubad sa uniporme at sandi sa loob nito. Sa salamin ay nakita ko ang katawan kong totoy na totoy. Nagsuot ako ng white T-Shirt at black short dahil mas kumportable ako roon. Sa bakuran ay bumungad si Papa na tila handang makipagbugbugan anumang oras.
"Are you ready Ozi?" nakangisi pa'ring tugon niya. May sapak yata sa ulo 'to.
"Pa, may sapak ka ba sa ulo?" nakangising na rin tanong ko dahil sa nakakatawang pagakawala ng ngisi sakanyang mukha.
"Come here son, tuturuan kita kung paano sumapak" hinila niya ang T-Shirt ko't itinalikod ako sakanya para makulong ang ulo ka sa braso niya. 'Di ako makahinga na siyang naging dahilan ng biglaan kong pagsiko sa kanyang sikmura para makawala. Nang makawala ako' y nakita ko siyang iniinda ang sakit na dulot ng pagsiko ko sakanya. Nilapitan ko siya't nabigla ako ng ang ngisi ay kita pa rin sa kanyang mukha.
"Pa natatakot na ako sa inaasta niyo." takot kong banggit sa kanya.
"No son, don't be afraid. Natutuwa lamang ako na nailalabas mo ang tunay na ikaw. Kung nabubuhay pa ang Mama mo ay magagalit iyon saakin 'pagkat ayaw niyang gumamit kayo ng dahas para ipaglaban ninyo ang inyong mga sarili." naluluha niyang sabi ngunit hindi natuloy ang pagbagsak nito. Ako naman ay litong nakatingin sa kanya dahil di ko maintindihan ang nais niyang ipahiwatig. " Lumaki kang binusog ni Isabelle sa pangangaral na lahat ay tungkol sa kabutihan. Ngunit sa mundo ay kailangan mong ilabas ang tunay na ikaw. You have to let that little beast in you live. Hindi sa lahat ng oras ay mabuti ang mundo sa 'yo. Kailangan mong maging kriminal hangga't maari, because that's your nature Ozi. Get that?"
" Yes Pa." tumatango akong sumasang ayon sakanya.
Pagkagaling sa eskuwelahan ay tinuturuan ako ni Papa kung paano makipaglaban pisikal man o maging sa buhay. Matagal na rin na hindi pumapasok sina Paul. Baka natuluyan na ni Papa, pero hindi naman siguro dahil base sa mga sabi sabi ay nagpapagaling na daw ito sa ospital. Kumakalat na mga taga-ibang eskuwelahan ang bumugbog sa kanila, ikinibit balikat ko na lang iyon gayong alam ko ang tunay na nangyari.
Sa araw na 'yon, nakita ko na ang pagpasok nina Paul sa tarangkahan ng eskuwelahan nangangahulugan lamang na magugulo ulit pansamantalang pananahimik ng mundo ko. Pumasok na ako sa silid-aralan at kita ko ang matatalim na tingin ng grupo nila sa akin. Karamihan sa kanila ay may mga suporta ang braso dahil na rin siguro sa pilaypilay na natamo nila kay Papa, ganoon din si Paul. Ang tanging kaibahan lamang ay mayroong benda ang ulo nito't may neckbrace. Nagsimula ang klase, at sa pagpasok ni Ms. Adecer ay mayroon itong kasamang babaem na marahil ay kasing edad lang namin.
"Class, May I have your attention please. This is your new classmate and just like Ozi she'll be with you the whole school year. I hope all of you will have a good time."she smiled sweetlt and turned to the beautiful girl beside her. " Ms. Crimson, go introduce yourself" tumango lamang ito kay Ms. Adecer at lumakad sa gitna upang magpakilala.
"So hello everyone. My name Brielle Odette Crimson, thirteen years old. I'm a smart and adorable kid, so I hope to please you everyone." kalmado ngunit malanding pagpapakilala nito na siya namang hiyawan ang kagustuhan ng grupo ni Paul.

YOU ARE READING
CRIMSON
General FictionI've been living my life to the fullest... I thought my life would be perfect, but I guess life is full of surprises... That even my life has it's own DARK SECRET. I'm a slave of secret, Still living albeit DYING I AM OZI, THE SON OF CRIME