CRIMSON: I Want You Mine
"Tol, absent daw dishwasher natin." pang-iinform ni Clark sa ganap sa kusina.
"Oh share mo lang?" seryoso ngunit nang-aasar na sagot ko.
"Gago! Sa akin kasi in-assign 'yon. Ako na daw muna ang pumalit doon, eh kaso may lakad ako maya-maya kaya ikaw muna pumalit sa akin." pakiusap niya sa akin.
Tinalikuran ko siya at bumalik ako sa ginagawa kong pagkuha ng mga kubyertos dito sa stock room. Hindi ako papayag ng basta-basta sa gusto niyang mangyari, aasarin ko muna haha.
"Ano ba lakad mo mamaya?" seryosong tono ngunit natatawa ko na tanong muli sakanya habang nakatalikod pa rin at hindi siya nililingon. Mukha kasi siyang nakikiusap na bata. Kadiri!
"May date kasi ako mamaya." ang sagot niya na iyon ang nagpalingon sa akin.
"Huwag mo ako lokohin Clark, uuwi ako ng maaga may iniiwasan pa ako na tao." bumalik ako sa gawa at alam niya na ang sagot ko sa pakiusap niya.
"Ozi naman parang 'di kaibigan. Speaking of kaibigan ito ba 'yong kaibigan mong Odette na iniiwasan?" Tanong niya pero 'di ako sumagot at alam niya na ang sagot konkapag ganoon.
"Tol, patulan mo na! Ang ganda kaya at ang sexy pa." muli ay lumingon na ako ng seryoso sa kanya at may pangbabanta. "Tol, easy hindi ako nambabastos, sinasabi ko lang na 'di ko na lugi sakanya. Balita ko, isay iyon sa may-ari ng Crimson Hotel." may paghanga niya iyon na sinabi.
"Kung pagmumukhain lang din naman ako na tanga 'wag na." nailagay ko na sa malaking crate ang panghuling plato na kakailanganin ng resto at kinarga na ito palabas ng stock room.
Hinawakan ni Clark ang braso ko para pigilan ako. "Tol, pagbigyan mo na ako oh. Ngayon lang ako hihingi ng pabor, kapag ikaw nga Oo agad ang sagot ko." Nakuha niya pa talaga na mangonsensiya.
"Oo na, basta akin 'yong suweldo." pagsang-ayon ko sa gusto niya mangyari.
"Tanga siyempre. Sige Ozi una na ako. Love you tol." humalik muna siya sa'kin sa pisngi bago tumakbo papunta sa locker room.
"Bayot!" sigaw ko sa kanya pabalik.
Tapos naman na talaga ang trabaho namin. May iilan na lang na costumer sa labas ng kusina, but the resto are already closed. Mapapatagal lang ngayon ang trabaho ko dahil sa inialok na trabaho ni Clark.
Pumasok na ako sa dirty kitchen ng restaurant na tinatrabahan ko at lumapit sa tapat ng lababo. Sinuot ko ang gloves na nakalagay sa tapat ng lababo at panandaliang inisip kung paano tatapusin ang gabundok na hugasin.
Sinimulan ko na iyon trabahuhin at bumukas ang pinto papunta sa counter ng resto at iniluwa niyon ang manager namin.
"Ozi, uuwi na ako." abiso ni Sir Matt na manager namain, habang nakahawak sa door knob.
"Oh sir, pano ako?" wala pa naman siyang ibinibigay na susi dito, at higit sa lahat ay hindi ko alam kung paano ito isara.
"Ahh Don't worry, Idris is on his office." pang-aassure niya sa inaalala ko. Sir Idris is the owner of this business establishment. Minsan lang siya pumunta rito sa isang buwan, dahil may kompanya siyang inaasikaso bukod dito. Sabi niya'y libangan niya lang daw itong resto na ito, kaya't 'di niya ito ganoon tinututukan. Kaya't nandiyan ang manager namin na malapit niyang kaibigan para mamahala dito. Kuwento ni Sir Matt na manager namin ay bukod daw dito ay mayroon pa itong restobar na itinayo na may sentimental value daw kay Sir Idris. Muli ay libangan lang niya ito at siya raw mismo ang nagmamanage nito. Mas madalas nga raw iyon doon kaysa rito. Chismoso yarn?
"Ah okay sir, noted. Ingat sir." kumaway na lang
ito't sinara muli ang pinto.Ipinagpatuloy ko ang pag hugas nito ng matapos na. Malapit na akong matapos ng bumukas ang pinto't iniluwa noon si Odette na ikinagulat ko.
YOU ARE READING
CRIMSON
Tiểu Thuyết ChungI've been living my life to the fullest... I thought my life would be perfect, but I guess life is full of surprises... That even my life has it's own DARK SECRET. I'm a slave of secret, Still living albeit DYING I AM OZI, THE SON OF CRIME