CHAPTER 15

7 5 2
                                    

CRIMSON: Phone Call

"Ozi, can you take a look after Dad?" bungad ni Odette pagkapasok na pagkapasok ko ng kanyang opisina.

It's been weeks had passed after the shooting incident on the Solitaire, at hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam kung sino iyon at kung sino ang may pakana noon. Lahat ay nananatiling spekulasyon na mga Velasco ang siyang puno't dulo nito.

Mula noong sinundo ko si Odette sa restobar ni Sir Idris ang huling paguusap namin ng kami lang dalawa. Kinaumagahan noon ay nai-appoint na muna ako kat Mr. Ambrose para isecure ang kaligtasan niya mula sa banta sa paligid mula ng barilan na nangyari.

Kahapon ang huling araw ko para bantayan si Mr. Ambrose at ngayong araw na sana ang balik ko sakanya pero...

"Bakit?" tanong ko.

"I'm worried about his safety. Hindi natin alam kung ano ang galaw ng kalaban. Malay mo'y mamaya ay may plano silang patayin si Dad. I can't afford losing another parent." mahabanh salaysayin ni Odette para lang makumbinsi ako na sumama sa Daddy niya.

"I understand, but how about you?"

"Oh come on. I can take care of myself."

Andiyan na naman tayo sa yabang. Puro yabang.

"So, why did you hire me then?"

"I'm not the one who hired you." she stated.

"Okay. Dad mo."

"Uhuh." reaksyon niya nalang.

Abala siya sa pag-ayos ng mga gamig niya at inilalagay niya iyon sa bag niya. There's a lipstick, BB cream, powder, and even eyeliner. Most of the things she put inside are mostly girl stuff. Mayroom pa ngang napkin eh.

"Saan ka ba pupunta?" usyoso ko.

"Why do you care?" sagot niyang tanong. Taray.

"Tama bang sagutin mo ng tanong ang tanong ko?"

"Tama bang sagutin mo ng tanong ang tanong na sinagot sa tanong mo?"

Ano daw? Gulo mo lods.

Nagsisimula na naman ang sagutan naming dalawa. Talagang hindi matatapos ang araw ng walang asaran, pikunan, at sagutan na nagaganap.

"So, saan ka nga pupunta?" balik na tanong ko.

"Why do you care?" tanong niyang muli. Pinipikon talaga ako ng babae'ng 'to.

"Because I care! Now, answer me!" hindi ko na napigilan ang magtaas ng boses sa pagkapikon.

"You care huh? You're late jerk. Oh ayan PH Care." kalmado pero may kasungitan na sabi niya sabay hagis ng isang bote ng PH Care galing sa bag niya.

"Late?" she didn't answer me, instead she came out of the office and closed the door.

Naiwan ako sa opisina na mag-isa at lito sa mga sinabi niya.

After a few minutes thinking of what he meant for that. Archon called me to go downstairs, because Mr. Ambrose is already waiting in the lobby.

Naabutan ko na si Mr. Ambrose na nasa loob na ng kotse at si Archon ay hinihintay ako sa lobby pagkababa ko.

"Ba't ba ang tagal mo? Naka-alis na sina Ms. Odette kanina, tapos ikaw nasa taas pa." napanganga ako sa sinabi niya.

"A-ano? S-sina?" kinakain ko ang mga salita habang sinasabi iyon ng napapapikit sa pagkalito.

Nakatitig naman siya sa akin nag aalinlangan kung sasabihin o hindi ang nakita niya. Lalong nagalab ang inis sa loob ko nang umurong ang dila niya para magsalita.

CRIMSON Where stories live. Discover now