CRIMSON: Pancake
3 years after the Velascos steal the Crimsonite...
Present time...
Ang memoryang iyon mula sa nakaraan ang nagpagising ng diwa ko. Ang unang malaking misyon na hinarap ko kasama ang babaeng katabi ko ngayon sa kotse. Ibinuklat ko ang mga mata ko at samu't saring ilaw ng siyudad ang sumalubong sa mga mata ko.
Nakaidlip ako sa loob ng kotse matapos ang pagtatalo na naganap sa aming dalawa ni Odette sa ospital. Baka nga masyado akong napagod sa nangyari sa Seoul kaya nangyari sa akin iyon. Isa ang pagbawi ng Crimsonite ang marahil na pinakamahirap na hinaral ko para sa Crimson Clan.
Humarap na ako sa harapan ng kotse at naramdaman ko ang mga titig ni Odette na dumapo sa akin.
"Malapit na tayo sa Hotel. Ihanda mo na yang ulo mo at baka lumaki yan at dumugo ang tainga mo sa papuring matatanggap mo kay Dad." walang gana ang pagkakasabi niya iyon na tila sanay na sa papuri mula sa kanyang ama.
Hindi ko siya sinagot at muling idinantay ang ulo sa headrest ng upuan. Ilang sandali lamang ay dumating na kami ng Crimson Hotel ngunit sa likod kami dumaan imbis na sa lobby dahil baka pagtingin lang kami ng mga tao gayong ganito ang itsura namin, may pasa at mga sugat, ay ako lang pala.
Pumasok na kami ng hotel at sumakay sa lift para makapunta sa penthouse ng hotel kung saan naroon ang kuta ng Crimson Clan. Pagkabukas na pagkabukas ng lift ay kaagad na bumulaga sa harap namin sina Mr. Ambrose at ang lalaking anak nito na si Othello. Ang lalaking naging pain ni Val Velasco para makuha ang Crimsonite. Sa likod nito ay ilan sa mga escort.
"Give it to me Brielle. Alam kong napagtagumpayan niyo ang pagbawi ng Crimsonite." nakangising hanggang tainga ang mga labi ngayon ni Mr. Ambrose.
Tulad ng kanyang Ama ay hambog na ngumisi din itong si Odette at iniabot sa kanyang Ama ang Crimsonite na nawala ng ilang taon.
"Sa wakas ay nakauwi ka na mahal ko." parang baliw na kinausap iyon ni Mr. Ambrose at hinalikan ng parang bata. Bumaling naman ito sa akin at ako nama'y humarao sa kanya ng may pupungay-pungay na mga mata. "Oh ikaw iho? Kumusta? Ayos ka lamang ba?" tanong nito.
Hindi ko siya sinagot at sa halip ay inilabas ko lamang ang aking hinlalaki at preskong ipinahiwatig sa kanya na ayos lamang ako. Hindi ako makapagsalita gayong sa palagay ko'y maging ang pagsalita ay uupos sa natitira kong lakas.
"I'm sorry Dad, napagod lang yata siya sa ginawa namin." paghingi ng pasensiya nito para sa akin. Ang mga sinabi niyang iyon ang nagpalaki ng mga mata at nagpataas ng mga kilay ng Daddy niya. Ang ibang escort naman ay tumikhim at umiwas ng tingin. Alam kong alam ni Odette ang naging dating noon sa ibang tao kanila at sa tingin ko'y sinadya niyang maging marumi ang isipin ng mga tao roon.
Hindi na lang ako nag-abala pa na magsalita sa pagod.
"G-ganoon ba? A-ano ba ang ginawa niyo?" nagaalinlangang tanong nito sa kanyang anak.
"I don't want to talk about it Dad. Bye dad! Magpapahinga na kami." paalam niya sa Daddy niya at hinila na ako papasok ulit ng lift.
"Where are you guys going?" huling tanong nito.
"Sa condo Dad." huling sabi naman niya bago sumara ang lift.
Nakarating kami ng condo niya ng matiwasay. Sa pagbukas ng pinto ay nauna na akong pumasok at hinayaan ang bag sa kung saan at dumeretso sa couch para humiga.
Sa loob ng tatlong taon na nakalipas ay madalas na dito ako natutulog lalo na kapag may mga pasa at sugat ako na ayaw kong ipakita sa kapatid ko.
Magpahanggang ngayon ay hindi niya alam ang tunay na tungkulin ng aking trabaho. Ang alam lamang niya ay escort ako ni Odette na aalalay sa kanya at hindi ang misyon na ginagawa namin ni Odette.
YOU ARE READING
CRIMSON
قصص عامةI've been living my life to the fullest... I thought my life would be perfect, but I guess life is full of surprises... That even my life has it's own DARK SECRET. I'm a slave of secret, Still living albeit DYING I AM OZI, THE SON OF CRIME