CRIMSON: Criminal
It's been almost seven years since a massive catastrophe of my life approach. I've been expelled in that school because of what I've done to Paul. Everyone in school are frightened to come near me. They thought of me as a notorious criminal that should have to be avoided. They think that I will hurt or ruin them anytime. Paul didn't show up since then, some are saying that he died, and that means that I killed him. I am a Criminal, is what they say about me and probably the adjective that will be burden in their minds about me forever. I leave the school, and lost connection with Odette and never met her after that.
Because of that scenarios, I tend to close the door of talking to anyone or even interacting with them. I study at a public school where I can say a new start for me.
As the time goes by, the unlucky circumstances continuously came. We already leave our mansion for it is already sold to someone. Papa said that it is now owned by a hotelier. We lived in a small apartment from the money we got from the house. The mansion is not ours now, and I don't have any choice but to treasure it's sentimental value.
Three years have passed after that, labimpitong gulang na ako noon at kapansin-pansin na ang mga pagbabago sa kilos at pag-uugali ni papa. Naging lasinggero siya't halos doon na lang na pupunta ang kita niya sa pagtatrabaho bilang security guard. Gayunpaman, 'di niya kami pinagbuhatan ng kamay kahit na minsan ang halos sirain niya ang bahay sa pagwawala.
Isang beses, ay tinawag niya ako habang umiinom. Kita na ang pamumula ng mukha niya't mga mata sa kalasingan. Galing ako sa eskuwelahan noon at si Deva ay ay nasa upuan at natutulog. Ibinaba ko ang aking backpack sa uluhan ni Deva at lumapit kay papa. Hinawakan niya ang mga kamay ko't yumuko siya. Maya maya'y nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanayang mga mata.
"Ozi, alam kong nahihirapan ka sa kalagayan natin. Lalo na simula ng mawala ang Mama mo." kalmado niyang sinabi sa akin ang mga salitang iyon at tumingin sa altar ng bahay kung saan naroon ang picture frame ng litrato ni mama ang laman. Tiningnan ko rin iyon at ngumiti tulad ng pagkakangiti ni Mama sa litrato.
Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang pakiramdam ng pagdampi ng mala-porselana niyang balat at kamay sa mga pisngi ko. Ang pagdampi ng malalambot at mapupula niyang labi sa aking pisngi. At maging ang kanyang mga tinig sa paghele ay nanaisin kong marinig muli.
"Ngunit katulad ng mga sinabi ko noon kailangan mong magpakatatag, pero ngayon mayroon ulit akong maiaataang na responsibilidad." muling yuko na banggit niya. "Ipinapaubaya ko na sa iyo ang kapatid mo. Mahalin mo siya tulad ng pagmamahal na ibinigay at ipinaramdam sa'yo ng Mama mo." Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba't lungkot na gabing iyon. Pagkatapos noon ay tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
Kinaumagahan, pagkatapos ng madramang sandali ay wala na naman si Papa, sa malamang ay maagang pumasok sa trabaho. Tulad ng kinasanayan araw-araw pumasok na naman ako sa eskuwelahan at ganoon din si Deva. Kasalukuyan akong nasa eskuwelahan bilang Senior High School ng tinawag ako ng aking adviser papunta sa kanyang opisina.
"Mr. Patterson, meet me at the office." kinabahan ako ng binanggit ang mga katagang iyon ng aking guro. Hindi ko alam ngunit ginagapang ako ng panlalamig habang naglalakad ako papunta doon. "Ozi, whatever you'll receive after this call I want you to be strong. I know that you are, but please get a hold of yourself." at inabot ang telepono ng eskuwelahan sa akin, na siyang naging dahilan ng pamamasa ng mga mata ko.
"H-hello po." Sinusubukan ko na lang na wag mabasag ang boses dala ng kaba.
"Ozi, si Ms. Adecer ito, patatagin mo ang loob mo. Ozi ang Papa mo..." narinig ko ang hikbi ni Ms. Adecer.
"A-ano po si Papa." mas lalong nanlamig ang katawan ko at nararamdaman ko ng tumulo ang luha sa kanang mata ko.
"Ozi, wala na ang Papa mo. Nagkaroon ng nakawan sa bangko na pinagtatrabahuhan ng Papa mo at nabaril siya. Sinubukan siyang dalhin sa ospital, pero patay na siya ng dalhin doon." mas dinig na ngayon ang iyak ni Ms. Adecer at ako nama'y naestatwa na lamang sa kinatatayuan ko. Naramdaman kong hinagod ng adviser ko ang likod ko pero 'di nabawasan n'on ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ako umiiyak, bagkus ay natulala na lang ako sa mga kamalasan ng nangyayari sa akin. Sa amin ng kapatid ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/256767473-288-k537206.jpg)
YOU ARE READING
CRIMSON
General FictionI've been living my life to the fullest... I thought my life would be perfect, but I guess life is full of surprises... That even my life has it's own DARK SECRET. I'm a slave of secret, Still living albeit DYING I AM OZI, THE SON OF CRIME