CRIMSON: Chivalry
"Ms. Adecer, invite Mr. Patterson here principal's office." kalmadong utos nito sa adviser ko.
Nakaupo ako sa lobby ng opisina na mayroon pa ring dugo ni Paul sa aking uniporme. Dinala sa ospital si Paul dulot ng mga natamo nito sa kamay ko. Hanggang ngayon ay 'di pa rin ako makapaniwala na ako nga ang may gawa noon sakanya. Natatakot ako sa kasasapitan ng kalagayan ni Paul. Lumapit sa akin si Ms. Adecer at may awang nakatitig sa mga kamay ko na kanina'y puno ng dugo.
"Ozi what happened? Ilang buwan ka palang dito pero bakit mayroong ganito? Hindi ko alam ang pinagdaanan at pinagmulan mo pero sa ginawa mo para kang pumatay ng tao." ang mga sinabi niya ay parang wala lang sa'kin. Hindi man lang ako nakaramdam ng guilt sa ginawa ko ngunit alam kong takot ako sa kahihinatnan nito.
"Ms. Adecer, natawagan mo na ba si Mr. Patterson?" mas kalmado niya ngayong kinausap si Ms. Adecer.
"Opo sir, papunta na daw hobsiya dito." Nakayuko namang sagot nito, at ibinalik sa akin ang baling. Pinagmasdan niya ang kabuoan ko't umiling na lamang. Ilang sandali pa'y nakita ko ng pumasok si Papa sa pinto ng opisina at awtomatiko itong lumapit sa akin.
"Ano yan anak? Saan galing yan?" tanong niya ng nakaluhod at may ngisi sa mga mata. Bakit tuwang-tuwa pa siya? Tiningnan ko lang siya, ipinapahiwatig na sana'y naiintindihan niya ang gusto kong sabihin. Tumayo na siya't dumeretso sa mismong opisina kung nasaan ang principal.
Natapos ang usapan nina Papa at ng aming principal at lumapit muli saakin pagkalabas na pagkalabas niya pa lang ng opisina.
"I like what you did for today. You're nature is slowly coming and growing out of you. Alam kong confused ka sa mga pinagsasabi ko at kung bakit imbis na magalit ay natutuwa pa ako. Maiintindihan mo ito pagdating ng panahon. Marahil ngayon ang nanggagalaiti na sa galit ang Mama mo dahil ineexpose kita sa mga bagay na ayaw niyang mangyari sayo, pero wala akong magagawa ngayong tadhana na ang kalaban natin. Ginigipit na tayo ng tadhana at wala tayong ibang kailangang gawin kundi ang lumaban. Sa ngayon at nagsisimula na ang tadhana ibunyag ang mga bagay na matagal na naming itinago sa iyo, ngunit hindi ko ito pwedeng ibulgar sayo, ikaw na ang narapat na tumuklas nito 'pagkat sigurado ay mapapatay na ako ng Mama mo." mahabang salaysay ni Papa
" Ano pong ibig mong sabihin? " inosenteng taning ko sakanya.
"Anak, hindi ko ibig na lituhin ka pero ito ang totoo. May mga bagay sa ngayon na hindi tugma sa pagkakaalam mo. Hindi kailanman naging mabait ang tadhana sa'yo." nagtataka pa rin na baling ng tingin ko sa kanya. "Anak, kalimutan mo na lahat ng sinabi ko ngunit ang paguusap natin na ito ang kahit kailan ma'y huwag mong kakalimutan." tumango na lamang ako sa lahat ng mga sinabi niya at pilit na inaalala at isinasautak ang mga sinabi niya. "Sige na magbihis ka muna't pumasok sa klase, pagdedesisyunan pa ang gagawin sa'yo. I like what you did once again." tumayo na ako't nagbihis sa palikuran ng opisina at paglabas ko'y wala na si Papa roon.
Paglabas ko ng opisina'y siya namang pagbungad ni Odette. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Parang timang
"Gusto ko yung ginawa mo kay Paul." Bakit ba lahat sila tuwang tuwa sa nagawa ko? Hindi ko nalang siya pinansin at hinayaan na lang siyang bumuntot sa akin
Sa pagpasok sa classroom ay ang biglaan ding' pagtigil ng ingay at lahat ay nakatuon ang tingin saakin ng may takot at pagaalinlangan. Tuwing titingnan ko sila sa mata ay agad na umiiwas ang mga ito na tila may roon akong nakakahwang malubhang sakit. Hindi na bago sa akin ang ganitong mag-isa't iniiwasan ng lahat.
Natapos ang araw na iyon at nakauwi ako ng pagod sa mansion namin ngunit napansin ko na ang pagkawala ng ilang kagamitan sa bahay. Wala pa rin si Papa at si Deva marahil ay nasa kuwarto. Pumanhik na ako sa kuwarto ko't nag pahinga. Nagising ako sa umaalingawngaw na tunog ng telepono sa tabi ng kama.
YOU ARE READING
CRIMSON
Ficción GeneralI've been living my life to the fullest... I thought my life would be perfect, but I guess life is full of surprises... That even my life has it's own DARK SECRET. I'm a slave of secret, Still living albeit DYING I AM OZI, THE SON OF CRIME