Chapter 66

268 7 0
                                    

Para akong tanga ngayon, Ito na ang pang limang araw na nililigawan ko siya. Hehe! Buti nga at pumapayag eh!

Pano ba naman kasi...KINULIT ko! Bwuhahahaha! Sa mansion, Sa opisina, Sa meeting...Dumadating ako! Bwuahaha! Isa pa, tawag din ako ng tawag sa kanya.

Ngayon nasa Resto ko siya at nag didinner kami. Hehe! Nakapalumbaba ako at nakatitig sa kanya.

"I didn't know you own a restaurant."

"Now you know, Naisip ko kasi ang hilig ko sa pagluluto...Pati na din ikaw kaya nag patayo ako ng Resto dito sa Taguig hehe!" Ngiti ko.

"Hmm..." Tumatango niyang tugon at ilang sandali lang ay dumating na din ang pagkain namin. Tinignan niya pa ang pagkaing nakahanda sa harapan niya at inikot ang plato. "Exquisite presentation." Ngisi niya.

"Thanks..." Todo ngiti ko ulit.

Sa totoo lang sa bawat subo ko ng pagkain ay tinitignan ko siya. Nakakatuwa lang kasi nagustuhan niya ang dish ko. Kakilig!

Bading ata ako ehhh...

"Ummm...Eva."

"What?" Angat niya ng tingin.

"P-Pwede date ulit tayo bukas?" Iwas tingin ko.

"Tch...Makakatanggi pa ba ako? Sa tuwing tatanggihan ko para kang nag tototal meltdown at isa pa, Todo kulit ka sa akin." Buntong hininga niya.

do___ob

Hayyy....Parang walang maganda sa mga sinabi niya ah? Baka mamaya napipilitan lang siya sa akin.

Napanguso tuloy ako.

"What's with the sudden long face?"

"W-Wala...N-Napipilitan ka ba sa akin Eva? H-Hindi na ako magtataka kasi m-mukhang mali rin ang pamamaraan ko eh." Nguso ko ulit.

dO__Ob >> Eva

"W-What??"

"Tsk...Hindi na kita pipilitin pa. Pag tumanggi ka hindi na kita pipilitin pa." Iling ko.

do__ob >> Eva

"Tss...Naiiritaakosayoperogustokoangpangungulitmo." Bulong niya at hindi ko naintindihan.

"Huh? Anong sabi mo?"

"Wala...Sabi ko naiirita lang ako kasi para kang bata kung mag aya. I'll agree naman, Yun nga lang hindi sa lahat ng pagkakataon Chris. Mag a-aya ka kasi kung kelan nasa meeting ako, Pag busy ako o di kaya naman kapag nasa urgent ako. Let's eat Chris."

do__ob

"G-Ganun ba? S-Sorry naman...Na e-excite lang ako pag kasama ka eh." Napakamot ako sa batok.

"Hmm." Tango niya.











Natapos kaming kumain at ngayon naman aayain ko siya sana umalis ngayong feb 14. Out of town kumbaga hehe! Sana pumayag! Tsk! Pinapasok ko na siya sa loob ng sasakyan at pinaandar ito.

"Umm...Eva."

"Hmm?" Sagot niya pero nakatingin pa din sa labas ng bintana.

"Pwede ba tayo mag out of town?" Tanong ko at napatingin siya sa akin.

"Huh? Saan naman tayo pupunta?"

"Surprise na lang, Overnight tayo dun." Napangisi ako.

"Huh? Overnight? Wala akong dalang damit pang overnight Chris."

"Tsk! Hindi pa naman sa ngayon! Sa Feb 14. Valentine's Day."

"Oh talaga?"

"Oo nga eh!"

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon