Chapter 42

225 8 1
                                    

Eva's Pov:

He paid for it. He paid for the food.

Akala ko magdadalawang isip pa siya pero agad niyang nilabas ang wallet niya.

I can't help but to smile.

Paglabas namin ng resto ay nagulat ako ng bigla niyang kunin ang kamay ko. Napatingin pa ako sa kanya.

"Naiinggit ako sa kanila eh..." Nguso niya sa mga mag nobyang magkaholding hands din.

d-___-b

Napailing na lang ako tsaka kami nagpatuloy. Pumasok kami sa mall at nag ikot lang sa loob. Kung ano-ano din ang binili sa akin ni Chris, Pagkain gusto ko kaya puro ganun ang binili namin. Nagshare pa kami sa giant cotton candy. Hindi ko naman kasi mauubos yon.

"Eva."

"What?"

"Nakapunta ka na ba sa Manila Bay?"

Napalingon ako sa kanya at tumango. "Nakapunta na ako duon, But it's a long time since I went there. I've been busy for a long time Chris."

"Gusto mo ba pumunta tayo doon ngayon?"

Napaisip ako ng sandali at tsaka tumango. Matagal na din akong hindi naka punta dun eh. I can tell that its been years since I went there. Plus, Anong gagawin ko dun diba? But I'm with Chris now. It would be nice to take a visit.






Malakas ang ihip ng hangin at kasabay nito ang pagsayaw ng buhok ko. Hindi ko akalain na ganito kadami ang tao dito. Matagal na din kasi akong hindi nakakasalamuha ng ganito kadaming tao. From what I can see, Most of them are families , Friends at ang iba ay mag jowa. They're not rich or fancy...Simpleng pamumuhay but I can say that they are really happy. Malayo sa pamumuhay ko kung saan puro STRESS, Meetings, Work and attention sa media. Tss...Buti na lang madamot ako sa Media. Ahahaha!

Malapit lang din dito ang Mall of Asia at may mga rides malapit dito kung saan talagang mag e-enjoy ang kahit sino...Well..Maybe some of my kind won't. Hindi naman ako maarte dahil nakapunta na din ako dito. Siguro ang mga pinanganak talaga na mayaman ang maarte sa mga ganitong lugar.

Kung ako siguro magkaka anak. I don't want her spoiled. Atleast madala ko man lang siya dito. May mga nakakasalamuha akong pamilyang mayaman na ang mga anak at talagang spoiled. Like hell!

"Ate...Palimos po..Pang kain lang."

dO__Ob

Napalingon kami pareho ni Chris sa batang biglang humawak ng kamay ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang may hawak na baby. I think this kid is around 6 or maybe 7? Umiiyak pa yung baby na hawak niya.

"S-Sige na po...Pang kain lang po." He begged.

Nag squat si Chris sa bata para mapantayan ang height nito.

"Ilang taon ka na?" Tanong niya dito.

"Anim na taon pa lang po ako."

"Kapatid mo na iyang bata na buhat mo?"

"O-Opo..."

"Nasaan ang mga magulang mo?"

"Mavis!"

dO___Ob

Napalingon naman kaming tatlo sa babaeng tumawag.

Mavis? Mavis pangalan ng bata na toh?

The girl who yelled her name looks young. Maybe in her teen age. Marungis din katulad ng batang ito. Masasabi kong magkapatid sila, Sa itsura pa lang ay magkamukha na at ang parehong moreno ang kulay ng balat.

"Bakit ka nakikipag usap sa mga tao?! Halika na!" Hila niya sa bata pero nag pumiglas ito.

"Ate nanghihinga lang naman ako ng pera eh! Wala na tayong makain!"

"Ako na ang bahala at hindi ikaw! Mag aalala si nanay satin! Madampot ka pa eh! Kasama mo pa yan si bunso!" Galit na sabi niya.

d o ob do o b >> Kami ni Chris.

"We should probably leave them--"

"Saan ba kayo nakatira?"

"What the hell Chris?" Taas kilay ko pero hindi niya ako pinansin at nilapitan ang mag kapatid.

Umikot na lang ang mata ko at sumunod sa kanya palapit.

"Err...S-Sir....Pagpasensyahan niyo po tong kapatid ko..." Aasta na siyang umalis pero pinigilan ni Chris.

dO___Ob

"Gusto ko sanang makatulong sa inyo eh." Sumbat ni Chris.

WHAT?! KELAN PA NAGKAROON NG SARILING ORPHANAGE TONG LALAKI NA TOH?!

"Nasaan ba ang iyong nanay?" Tanong ni Chris at ako naman toh nag pabalik balik ang tingin sa kanya at sa magkapatid.

"Ay...Wala po...K-kaya na po namin--"

"Nandun po oh!" Singit naman ng bata at tumuro.

Sinundan namin yun ng tingin at may nakita kami na may babaeng abala sa pag hahakot ng mga kalakal sa tulak na kariton.

"Puntahan natin." Sabi sa akin ni Chris at nanlaki mga mata ko.

"What?? Don't tell me may Orphanage ka ngang sarili! Oh my God Chris!"

"Huh?" Natawa siya sa inasta ko. "Halika na! Hindi ko kayang may naghihirap na ganito noh! Kung yayaman ako siguro nga mag papatayo ako ng Orphanage." Tawa niya at hinila niya ako palapit duon.

Alam kong humabol sa amin ang magkapatid at ng makalapit kami sa ale ay nagulat ito.

"B-Bakit po Ma'am, Ser? May maitutulong po ba ako?" Tanong ng Ale.

"Nay!" Sigaw ng magkapatid at agad na yumakap sa nanay.

"Nay tutulungan daw po nila tayo!" Natutuwang sabi ni Mavis at nanlaki ang mga mata ng Ale at napa iling yung ate niya.

dO___Ob

SI CHRIS LANG! BAKIT PATI AKO?!

Hayss...

"Ahh...Eh ano kasi..." Napakamot sa batok si Chris. "Magandang gabi ho--"

Nagulat na lang kami ng biglang mahimatay ang dalaga. Nag panic kaming lahat at agad siyang nialpitan. Hinipo ng kanyang ina ang noo nito at napagtatong may lagnat. Mataas ang lagnat ng dalaga at halata naman. Nahimatay na nga eh.

"Let's bring her in the mansion." Mabilis na sabi ko at napatingin sila sa akin. "Sandali lang naman ang byahe...Hindi siya gagaling sa ganitong surroundings. Maaaring may iba ding dahilan ang sakit na yan." Sabi ko.

"Ho? Ay wag na po Ma'am! N-Nakakahiya naman po! A-Alagaan ko na lang po tong anak ko." Nag aalinlangan ang ale.

Umiling ako. "After she recovers....I'll talk to you." Sabi ko at napatingin sa akin si Chris.

"A-Anong ginagawa mo?" Bulong sa akin ni Chris.

"Yung gusto mong mangyari." Sagot ko at hinarap ulit ang ale. "Iwan mo na yang kariton na yan at sumama kayo sa akin."

Nanlaki ang mga mata nila ngunit natinag din ng ilang sandali. Iminulat na din ng bahagya ang mga mata ng dalaga. Nagsalita siya ngunit silang mag ina lamang ang nagkarinigan.

A-Alalayan sana ni Chris yung dalaga pero pinigilan ko siya.

"No Chris..."

"B-Bakit? Tutulungan ko lang tumayo eh."

"I don't care...Don't you dare lay a hand on her. Sakin lang dapat."

"A-Ano? Eva naman...Pinagdadamot mo ako sa iba ah! Ahahaha!"

"Tch."

"Oo na! Sayong-sayo lang ako!" Halakhak niya ulit. "Hindi ko akalain na may pagka madamot ka." Ngisi niya at dumampi ng halik sa leeg ko.

"Hindi naman ako madamot. Nagdadamot lang ako sa iba pag dating sayo."

Tinawanan niya ako ulit at napailing na lang ako.

d-__-,b

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon