Chapter 9

305 11 0
                                    

KINABUKASAN

Nagising ako ng maaga dahil sa tunog ng Cellphone ko! Ang aga-aga may natawag sa akin! Ano ba yan!

"Ano?!" Asar na sabi ko.

"Bumangon ka na dyan at nangangawit na ang driver ko sa labas ng bahay mo kahihintay! Get your ass up and ready your packed stuff!!" Asar din na sabi ng kabilang linya at binabaan kaagad ako.

dO___Ob

Bumaba kaagad ako at binuksan ang pinto. Nakita kong may sasakyan na nakaparada sa harapan ng bahay ko at itong manong na toh na mas mamahalin pa ang suot kesa sa akin! Sabihin na nating driver to ni Eva!

"G-Good Morning po! Kayo po ba yung driver ni Eva?"

"Good Morning Sir. I'm Will, One of Eva's Driver. Ako po ang maghahatid sa inyo sa bago niyong lilipatan." Pormal na sabi niya.

"Sige po, Kuhain ko na lang po gamit ko sa taas tapos ligo lang den hehe." Napakamot pa ako sa ulo.

"Ay Sir sabi daw po ni Ma'am Eva na ayaw niyaw daw pong nag hihintay, kaylangan daw po 9am nandun na kayo eh 8:50 am na po."

dO____Ob

Talaga naman oh! Pati pag hintay?!

d-____-b

"Sige kunin ko na lang gamit ko." Bumalik ako sa kuwarto ko at tsaka kinuha na ang mga gamit. Naayos ko na din naman lahat, Nasabi ko na din sa may ari nito na kung sakaling hindi ko magustuhan lilipatan ko babalik ako! Bwuahahahaha!

Nagbihis lang ako ng maayos at tsaka kinuha ang mga gamit. Pagbaba ko ay tinulungan pa ako ng manong Driver sa mga gamit ko at inalagay sa likod ng sasakyan. Ang ganda ng sasakyan masasabi kong mamahalin kahit na hindi Sportscar! Sa loob pa lang amoy pang mayaman na eh! Tapos parang bagong bili! Alam niyo yon? Yung hindi pa masyadong gamit.

"Kuya saan po ba tayo?"

"Sa Condo unit po ni Ma'am Eva."

dO___Ob

Mukhang hindi na nga ako babalik sa dati kong tirahan! Ahahahaha!

Pinagmasdan ko ang kapaligiran habang papunta kami doon. Nadaanan pa nga namin yung kumpanya na papasukan ko eh! Habang palapit kami ay nakita ko tong Magara at mataas na building at dito nga kami papunta! Binaba ako sa Entrance at parang kinausap ng Driver yung isa sa mga nag a-assist dito! Sila pa nga nagbitbit ng mga gamit ko eh!

"Good Morning Mr.Easton! It's a pleasure for having you here."

Wala na ako masabi kaya ngumiti na lang ako at tsaka tumango. Sinabi sa akin na sundan ko na lang daw siya at hanggang sa makarating kami sa 37th FLOOR NG BUILDING NA TOH! Grabe ang layo naman!

"Here we are Sir, Here are the keys. We hope that you will have a nice stay here in Arya Residences!"

Tinalikuran niya na ako at tsaka nagpatuloy umalis. Binuksan ko ang pinto at grabe! Ang laki! ANG GANDA! Pang mayaman talaga! Lord napaka bait niyo po talaga sa akin! Inihagis ko ang gamit ko kung saan at agad nang inilibot ang sarili sa bagong tirahan! Glass! Kaya kitang kita mo lahat mula dito! Medyo nakakalula pero alam kong masasanay din ako! May TV na malaki! Ang ganda ng sala wooh! Dumeretso ako sa kusina at 2 door pa ang refrigerator, May oven, microwave, May—

"Ehem."

dO__Ob

Napalingon ako at nakita kong nakatayo si Eva at nakasandal sa lamesa. Nakangisi at nakataas ang isang kilay, Nako. Napa ubo na lang din ako at tsaka inayos ang sarili.

"K-Kanina ka pa dyan?"

"Oo, Hindi mo nga ako napansin nung pag pasok mo eh. Dumeretso ka kaagad dito."

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon