Chapter 4

389 15 0
                                    

"What?" Tanong niya.

"Eh kasi ang tahimik mo eh!"

"So? I'm eating." Sabi niya at sumubo ulit ng spaghetti.

Oo nga naman.

"Ikaw? Mukhang hindi ka sanay ng walang kausap. You like talking."

Huh?

"Hindi naman sa mahilig ako magsalita."

"Eh ano?"

"Eh syempre parang ang awkward kasi oh!"

"Tss. Anong awkward dito?"

Ayoko na! Bahala ka na nga!

Bumalik na lang ako sa pagkain ko at tsaka natahimik din pero sa ilang sandali ay nagsalita na din siya.

"Anyways bakit nga pala nagka interes ka sa libro na ibinigay ko sayo?"

Napa angat ako ng tingin sa kanya.

"Eh gusto ko magtayo ng sariling business. Gusto ko ng sariling kita ko."

"Really? That's nice. Buti na binigay ko na sayo yung libro na yan."

"Tsk."

"Ano bang trabaho mo sa ngayon?"

WALA AKONG TRABAHO OKAY.

"Wala."

"What?"

"Wala akong trabaho sa ngayon. Na tanggal ako sa trabaho ko last time."

"Bakit naman?"

"Basta."

"Paanong Basta?" Nakangising sabi niya.

"Ano?!"

"Bakit ka natanggal?"

"Basta nga! Wag mo na alamin?"

"Panong basta? Hmm?" Ngising sabi niya ulit.

Aba! Mapang asar din pala toh eh!

"Just kidding. Magkasalubong kaagad yang kilay mo eh." Natatawang sabi niya.

dO___ob

"So ikaw? Anong trabaho mo?" Tanong ko naman. "Ang yaman mo eh, Baka maka apply ako dyan! Ahahahaha!" Pagbibiro ko.

"Yeah and its not an easy Job." Nakangising sabi niya. "Ngayon nga lang ako ulit nakapunta sa mall at nakapag day off."

"Bakit naman? Grabe naman pala yang boss mo!"

"Yeah right." Natatawang sabi niya.

"Eh ano nga kasi trabaho mo?"

"Why do you need to know?" Taas kilay niya sa akin.

"Tinanong mo nga ako kung ano trabaho ko eh!"

"Wag mo na alamin. Baka magulat ka lang." Nakangising sabi niya.

Ano?

"Anong ibig mong sabihin? ILLEGAL YAN NOH?!"

dO___Ob >> Eva.

"W-What?! No! Bakit ka ba nakasinghal?!" Asar na sabi niya at tumingin sa paligid. "What the hell?" Tingin niya sa akin.

"Nako! Illegal yan noh?" Mahinang sabi ko.

"I don't do Illegal things. It's wrong."

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon