Chapter 63

258 11 3
                                    

Chris POV :

"Chris?! Hindi mo man lang ba ako tutlungan?!"

Hindi ko na siya nilingon pa dahil napako ang tingin ko kay Eva habang naglalakad siya palayo. Para bang hangin lang ako sa kanya dito. Para bang wala lang.

"Chris?!!!"

"What?!"

"Help me here! TALAGANG INUNA MO PANG TIGNAN ANG BABAE NA YON?!!"

"Wala kang pakielam."

Sabi ko na ba at mangyayari ito eh. Nagulat din ako ng makita si Eva dito...Hindi kasi siya mahilig umattend sa mga ganitong bagay.

Flashback....

"Huy ano ba? Hindi mo man lang ako pinapansin Chris!" Kinalabit ako ni Bea pero hindi ko man lang siya tinignan.

Nakapako ang tingin ko kay Eva, She's so stunning...As always. Kasalukuyan niyang kausap si Oliver. Naka upo sila at nag uusap ng masinsinan.

Damn...Am I too late?

Aaminin ko at naiinggit ako dahil sa kanila. Si Oliver ay napapangiti niya. Dapat ako ngayon ang nasa tabi niya at pinapasaya siya. Now I'm stuck with this witch beside me.

d-__-b

Ang ingay pa.

Puro siya dada pero wala naman akong maintindihan sa kanya. Ng bumalik ako dito sa Taguig ay agad na sumalubong sa akin itong si Bea. Todo dikit sa akin kahit na hindi ko naman pinapansin. Hanggang dito ba naman ay nakasunod kahit na sinabi kong ayaw ko ng kasama. Mas lalong ayaw ko siyang kasama. Naging sarado na ang puso ko at bubukas lang ulit ito pag si Eva na ang muling nakaharap ko.

Lumapit ang dalawang tao sa kanila. Nagpakilala sa isa't isa at tsaka umupo kasama sila. Naiilang ako sakanila, maslalo na kay Eva at Oliver...Hanggang sa nag umpisa na ang event na ito. Sumisilip silip ako sa gawi nila at napansin ko ang pagtayo ni Eva. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa Restroom.

"Chris."

dO___Ob

"Sino ba ang tinitignan mo ha?"

"Wala." Iling ko.

"Tss...Mag restroom na lang muna ako." Irap niya at tsaka tumayo.

do___ob

Hindi na ako nakapag salita pa dahil nauna na siyang maglakad at iniwan ako dito. Napabuntong hininga na lang ako sa sarili at napailing.

10 minutes...Pag hindi pa din siya lumabas ng 10 minutes malamang nag babayangan na yun sa loob. Wag niya lang sasaktan si Eva kung ayaw niyang ako ang makaharap niya.

Humarap ako ulit sa stage kung saan ay nag sasalita pero sa isipan ko ay nagbibilang ako ng oras...3 mins...6mins...9mins...Tumayo na ako dahil nag aalala na ako. 12 minutes na wala pa din nalabas ni isa sa kanila.

Kalmado lang akong pumunta doon para hindi maka agaw ng attensyon at ng pagbukas ko ng pinto ay narinig ko na lang na may sumisigaw at nagflush ang isa sa mga cubicle.

"Bea?!" Lumapit kaagad ako at nakita si Eva na nilulunod ang mukha ni Bea sa toilet!

dO_____Ob

Nagkatinginan kami at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong puro sugat at kalmot ang mukha niya, Maski ang braso niya. Ang buhok niya ay para bang sinabunutan ng matindi.

Tss...Hindi na ako mag tataka kung bakit niya ginanyan si Bea.

Isa mga hinangaan ko sa kanya ang pagiging matapang niya at hindi niya hinahayaang may umaapi sa kanya...O kanino man.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon