Chapter 5 - Coincidence

366 17 0
                                    

Chris Pov:

Haysss....Wala nanaman pagkain! Magluluto na lang ako ng Sinangag!

Hehe!

Pumunta ako sa kusina at kinuha ang kanin na natira kagabi sa ref. Nag hiwa ng Sibuyas at bawang at tsaka isinalang ang kawali. Sabay ko ng inilagay ang bawang at sibuyas. pagkatapos ay inilagay ko na ang kanin at tsaka onting asin. Ng matapos ang paluto ko ng sinangag ay nagprito naman ako ng itlog at tsaka nag hiwa ng kamatis.

"Hehe! Sarap nito!" Masayang sabi ko sa sarili ko at tsaka kumuha ng plato, tinidor at kutsara.

Susubo na sana ako ng biglang may tumawag naman!

Nubayan.

"Hello?"

"Good Morning Mr.Easton. I'm Aiza, the Secretary of Eva Carson's Company and Industries. We saw your resume for applying in our company and it interests the CEO, Please come to our office today at exactly 10:30am for further info. Thank you."

End of phone call....

dO___Ob

Huh?

HALA!

Natunganga ako ng saglit dahil nag proprocess pa ang utak ko sa mga narinig ko! Tanggap na ba ako??Wow. Hindi ko a-akalain! Napatingin ako sa Orasan at 8:50am pa lang! Nag madali akong kumain at tsaka dumeretso sa banyo para maligo. Nagbihis agad ako pagkatapos at tsaka chineck ang orasan. 9:20am. Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa sakayan.

Pagdating ko duon ay saktong 10:00am na. Wooh! 30minutes early! Bahahahaha! Syempre dahil maaga pa kaya pumunta ako sa Starbucks. Kahit mahal! Para naman makasabay ako sa mga tao dun sa loob ng kumpanya na yon! Yung mga empleyado dun grabe lang eh!

"Good Morning Sir! What order shall we prepare for you today?"

"Strawberry and créme." Nakangiting sabi ko.

"Name Sir?"

dO___Ob

"C-Chris na lang hehe."

Naghanap ako ng upuan para mag hintay sa order pero saglit lang din ang paghihintay ko. Pero katulad ng una kong pag order dito, Saglit lang din ako nag hintay. Ilang sandali ay tinawag din agad ang...

"Chris."

Nanlaki ang mga mata ko ng mapalingon ako sa tabi ko! Si Eva! Nanaman?! Akala ko Order ko na eh! Ano nanaman ba ginagawa nito dito?! Stalker ko ata toh eh!

"A-Anong ginagawa mo dito?! Ang creepy na ah! Kung nasaan ako nandun ka din! Stalker!"

"First of all I stalk no one. Itong nangyayaring pagkikita natin, it's only a coincidence. Don't overreact."

"Sobra naman ata tong coincidence na toh! Parang sinasadya na eh!"

"Whatever."

"A-Anong Whatever ha?!"

"Tsk. Order mo."

"Ano?"

"Yung Order mo ayun na oh. Kanina ka pa tinatawag." turo niya sa receiving area at sinundan ko ng tingin yun pero ibinalik ko din sa kanya.

"I-Ikaw ah! Wag mo nga akong sundan!"

"Sino may sabing sinusundan kita?" Taas kilay niya sa akin.

"Malay ko! Nakakagulat na lang kasi dahil bigla kang sumusulpot!"

"It's not my problem anymore." Iling na sabi niya. "Kunin mo na order mo."

Tinalikuran ko na siya at tsaka dumiretso sa recieving area. Napabuntong hininga ako at tsaka na lang kinuha ang order ko.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon