Chapter 53 - keep company

234 5 1
                                    

I have no words to say. Wala akong makapa na puwedeng sabihin...

"Ma'am Eva..."

dO___Ob

Napalingon kami kay Manang Olivia na palapit sa amin ngayon.

"Ma'am Eva, Nakahanda na po ang pagkain sa dining area."

"S-Sure, I'll be there." Sabi ko at tumango siya tsaka umalis.

d>___<b

Tiningnan ko ulit si Oliver na agad nag iwas tingin sa akin. Napa buntong hininga ako at umiling.

"Come on...Let's eat." Ani ko at naglakad papuntang dining area.

Alam kong nakasunod na siya sa akin kaya hindi na ako lumingon pa. I headed to the dining area and saw big portions of food that I asked them to cook. Umupo ako sa gitna, as always. I looked at Oliver who is still standing in a distance at nakatingin sa lahat ng pagkain na nakahanda sa hapag kainan.

"T-Tayong dalawa lang kakain?" Tanong niya habang nakaturo sa mga pagkain.

Umiling ako at tumawag ng maid.

"Yes Ma'am Eva?"

"Tawagin ang lahat ng tao sa mansion at sabihing pumunta dito." Sabi ko at tumango siya.

Ilang minuto ang dumanas at dumating ang mga tao na nagsisilbe dito sa mansion. Nagulat ang ilan sa dami ng pagkain na nakahanda.

"Take your seat and eat." Sabi ko at nag alinlangan pa sila pero si Oliver naman na agad umupo sa tabi ko. Nagsiupo naman sila at tuwang tuwa na kumain.

I watched them eat. Para bang nahihiya pa sila at nililimitahan pa ang pagkuha ng pagkain. Maybe my presence makes them nervous. I sighed.

"I called you all here to have a good banquet...Please do enjoy, Please don't hesitate. Lahat ng ito ay ihinanda ng Chef's natin. Siguraduhing busog kayo pag alis sa hapag kainan." I said with a loud voice para naman maranig hanggang sa dulo. Nagkangitian naman silang lahat at nagpasalamat sa akin. I nodded. Bumalik ako sa pagkain ko at napansin si Oliver na hindi masyadong kumakain.

"What's wrong?" Tanong ko.

W-Wala n-naman..." Iling niya at tinusok-tusok ang bulanglang na nasa plato niya.

Now I get it.

"Tss...You don't like the food."

"W-What?! H-Hindi noh! B-Busog lang talaga ako." Yumuko siya.

Whatever.

I rolled my eyes at tinignan ang mga tauhan na kumakain at nagkakatuwaan. Namataan ko naman si Manang Olivia na para bang bagsak ang balikat.

"Manang Olivia."

Natinag siya at tumingala sa akin. "B-Bakit po Ma'am Eva?"

"Nasaan ang mga anak mo? Why don't they join here?"

"Alas tres pa po ang uwian nila Ma'am Eva..." Tumango ako at tumingin sa orasan.

2:40pm...

"I'll pick them up manang..." Sabi ko at tumayo.

"S-Saan ka pupunta?" Tayo din ni Oliver.

"May susunduin ako."

"S-Sino? Sama!"

"Whatever....Wag ka ng sumama." Inikutan ko siya ng mata at nauna ng maglakad.

"Eva!" Habol niya pero hindi ko na siya pinansin hanggang sa makarating kami sa parking lot ng mansion. "H-Holy Shit!! These are all yours?!" Gulat niya.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon