Chapter 43

232 10 2
                                    

Ng makarating kami sa Mansion ay halos hindi na makagalaw sa kinatatayuan ang mag ina. Nakatingala lang sila habang nasa entrance ng mansion.

"M-Ma'am...Hindi ko po alam kung makakatuloy pa po kami. Hindi po kami nararapat dito." Sabi ng Ale.

"You choose...Mamamatay sa kalsada ang anak mo o makakapagpahinga at gagaling dito sa poder ko."

"Eva naman...Wag harsh. Eto naman eh." Hawak ni Chris sa baywang ko.

"Whatever Chris." Inikutan ko siya ng mata pero dumampi lang siya ulit ng halik sa leeg ko.

Tumawag ako ng mga maids at sinabing alalayan ang mga bisita. Paliguan man lang at bigyan ng damit. Tumawag din ako ng doktor ko upang mapatignan ang dalaga.

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at dinala ko dito yung pamilyang yun. Naawa na din ako siguro dahil sa kalagayan nila.

Nasa kuwarto ako ngayon at kasama ko si Chris. Nagpapalit ako ng damit samantalang siya naman ay abala sa pag gala sa kuwarto ko.

"Grabe Eva! Ang laki ng kuwarto mo na toh! May Two-door Reff, Coffee table, May mini Library pa oh!" Turo niya duon. "Tapos yung bintana ng kuwarto mo kasing taas na halos yung kisame eh! Yang chandelier na yan! ANG LAKI!"

d-__-b

Umiling na lang at natawa. "Halika na. Kamustahin natin yung mag ina." Sabi ko at unang lumabas ng kuwarto.

Sumunod siya sa akin at pinuntahan namin ang kuwarto ng guest's room. Pagpasok ko ay kausap ng Ale ang doktor na nag check sa dalaga.

"How is she Doc?" Tanong ko.

"I'm sad to say but she has the symptoms of Leptospirosis. She's been enduring it for the past three days. I asked the mother and I'm positive from what she observed from the past days that her daughter do have Leptospirosis."

"It's curable right?" Tanong ko.

"Yes Ms. Carson, Mabuti na lang at mild pa lang at puwede itong malabanan sa pamamagitan ng pag inom ng mga gamot na irereseta ko." Binigay niya sa akin ang isang papel kung saan nakasulat ang mga atibiotic na kailangan. "She also need a good and balance diet and at the same time, She must be observed. I'll visit here 4 times a week Ms. Carson."

"Thank you Doc." Sabi ko at nauna na siyang lumabas.

"Maria." Tawag ko sa maid na nakabantay.

"Yes po Ma'am Eva?"

Inabot ko sa kanya yung reseta na ibinigay sa akin. Tinignan niya yun at alam niya na ang ibig sabihin.

Lumapit ako kay Chris na kausap ngayon ang nanay ng dalaga.

"Maraming salamat po talaga Ma'am, Sir..." Nahihiyang sabi ng ale.

"Walang ano man po, Pero dapat po sa kanya kayo magpasalamat." Hawak ni Chris sa Beywang ko at nilapit ako sa kanya.

"Ma'am Maraming salamat po talaga! Hindi ko alam kung paano ko kayo mababayaran."

"Miss! Maraming salamat po talaga!" Biglang yakap sa akin ni Mavis at napangiti naman ako at hinawi ang buhok niya.

Mga bagong ligo sila pareho maliban na lang sa dalaga na nagpapahinga. Nabigyan sila pareho ng damit.

"Ma'am! Hindi ko po alam kung paano ko kaya mababayaran! Dyos ko! Hulog kayo ng langit!Kung hindi niyo kami tinulungan ay paniguradong hindi tatagal ang anak ko!" Maluha-luhang sabi ng Ale at lumuhod pa sa harapan ko.

dO__Ob

Napangiti ako dahil may pumasok bigla sa isip ko.

"Oh...You don't need to pay." Ngiti ko at tinulungan siyang tumayo. "You need a Job for your family somehow...At para na din makapag aral ang mga anak mo." Ngisi ko.

"Eva?" Ani ni Chris.

"What?" I raised a brow.

"A-Ano po?" Tanong ng Ale.

"You can work here as a Maid...at ang mga anak mo. Pag-aaralin ko." Naisip ko toh ngayon lang.

"H-Ho?"

"Pag aaralin ko ang mga anak mo at mag kasambahay ka dito." Sabi ko at tumalikod. "Beth!" Tawag ko.

"M-Ma'am Eva?" Lapit niya sa akin.

"Samahan mo ang Ale sa maid's Quarter. May bago na kayong kasamahan. No Special Treatment or Anything okay?" Ngiti ko at tumango naman siya. "Oh and By the way." Tingin ko ulit sa Ale. "What's your name?" Tanong ko.

"O-Olivia po..."

"Very Well...Tommorow will be the start of your work here. Suswelduhann kita wag ka mag alala. Ang baby mo ay maalagaan mo sa maid's quarter, Si Mavis puwede na mag start this week and for your daughter. Pag naka Recover na siguro." Sabi ko at halos maluha luha nanaman siya.

"Maraming salamat po talaga! A-Ano po ba ang pangalan ninyo?"

"Eva...and the guy behind you is Chris." Turo kay Chris na nakangiti sa akin.

"M-Mag asawa po ba kayo?"

"Hin--"

"Soon po Nay! Hehe!" Kindat sa akin ni Chris.

d-___-b

Napaikot na lang mata ko at nginisian din siya.

Nagpasalamat ulit si Olivia at si Mavis naman ay panay ang yakap sa akin. Tinawag ko si Chris at sumunod siya sa akin sa labas.





Nanonood kami ngayon sa sala ng Movie. Hindi din ako makanood ng maayos kasi ba naman toh si Chris na panay ang halik sa leeg ko. Nakikiliti ako sa ginagawa niya eh!

"Sa kuwarto na tayo Eva." Haplos niya binti ko.

"Umayos ka nga." Natatawang sabi ko.

"Kasi naman eh..." Nguso niya.

"Whatever Chris." Inikutan ko siya ng mata.

Kumalas siya sa akin at humiga. Ihiniga niya ang ulo niya sa binti ko at kumuha ng unan para mayakap.

Hinaplos ko ang ulo niya at dumampi ng halik duon. Napangiti siya sa ginawa ko at natawa naman ako. Ibinaling ko muli ang tingin ko sa TV at nilaro ko ang buhok niya habang nanonood.

"Eva."

"Hmm?"

"Bakit mo ginawa yun?"

"Ang alin?"

"Yung pagtulong mo sa pamilya kanina?"

"Mabait ako eh."

d-__-b

"Ano nga?"

"Minsan lang ako tumulong Chris...You look interested in helping that Family and so am I. I'm also willing to help since maliit na bagay lang din naman yun."

Napangiti siya ulit. "Alam mo ba kung bakit gustong gusto kong tulungan yun?"

"Bakit?"

"Na alala ko lang nung bata ako...Yung pangarap ko."

"Ano ba yun?"

"Mahirap lang kami noon Eva...Diba sinabi ko naman na sayo? Ang hirap makapag aral noon. Hindi ako basta makapag aral. Halos hindi na din kami maka kain ng maayos. Naalala ko din yung mga panahon na kulang na lang ay mamalimos ako..." Napabuntong hininga siya at hinarap ako. "Pangarap ko noon na makapag patayo ng paaralan Eva. Gustong-gusto ko na makapag aral ang mga bata na walang kaya...Makamit man lang nila ang pangarap nila kahit papaano." Ngiti niya at hinawi ang pisngi ko. "Hindi ko akalain na magagawa mo yun kanina. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko ng narinig ko mula sayo na pag aaralin mo yung mga bata kanina."

Nagkatinginan kami ng sandali duon at napangiti ako.

"You're making me smile a lot Chris...and I hate it."

"A-Ano?"

"It's really dangerous for me." Napapikit ako. "Now I'm pretty sure that I'll be more selfish when it comes to you."

"You're possesive."

"You're addicting." Ngisi ko at siniil siya ng halik. "I love kissing you Chris."

"Tsk.." Ngisi niya.

"Someday...You'll make those dreams come true Chris. We'll make them come true." Dampi ko ng halik sa noo niya.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon