Chapter 10

312 10 0
                                    

Chris Pov:

Grabe tong trabaho na toh...Nakakapagod pala! Alam niyo yun? Yung nakayuko ka lang mag damag at sa harap ng computer at tambak na papeles ang nasa harapan ko! Buti na lang magaling tong nag tuturo kahit papaano. Malinaw siya mag explain kahit na nalulutang ako minsan ay inuulit niya. Mahaba ang pasensya!

"So this will be the papers from the corporate office, Andyan lahat ng final at top decisions ng mga Executives at maslalong ang decisions ng CEO, ang head ng lahat. We should be aware of it before making conclusions maslalo na at hawak natin ang oras ng bawat kilos ng kumpanya at mga empleyado maliban na lang sa CEO, si Ma'am Eva. Lagi niyang chinecheck dito every twice a week dahil ayaw niya ng magulo at late sa oras. Gusto niya lagi ay ahead of time." Paliwanag sa akin ni Jess. Sabi niya kasi sakin Jess na lang itawag ko sa kanya wag na daw Ms. Montefalco eh.

"Ma'am Eva."

Napatayo kaming lahat nung sinabi yun ng isang ka officemate namin at tsaka siya hinarap. Nakatayo siya at parehong kamay na nasa pocket ng offcie pants niya. Lahat kami ay bumati sa kanya at tumango lang siya. Nag bigay din siya ng sinyales na bumalik na sa trabaho. Umupo na kami at bumalik sa trabaho pero ramdam ko ang TITIG NIYA SAKIN pati na din ang PAGLAPIT.

d>____<b

"So How is it going?" Tanong niya sa amin.

Hindi na ako nakapag salita dahil naunahan na ako ng babaeng toh!

"We are doing great Ma'am Eva! and Mr. Easton here is still adjusting." Tapik niya pa sa balikat ko at natatawa pa. "But I know he can do it because I will train him well. He'll get use to it."

"Hmm...Mr. Easton, Is it a heavy Job? How much more kung ikaw na mismo ang nasa lugar ni Ms. Montefalco?"

Aba! Ako ba ay hinahamon mo?! Mas magaling pa ako dyan eh!

"N-No Ma'am! Kaya ko toh! I know that I'm suited to this job and I'm going to do my best!" Asar na sabi ko pero pilit ko ikinalma ang sarili ko at bumalik sa trabaho kong pag analyze ng mga papeles na toh isa-isa.

"Well its good to hear that and I will look forward to your better performance."

Lumayo siya sa amin pero alam kong nandito pa rin siya. Hayss...Nang naramdaman ko ang pag alis niya ay nakahinga din ako ng maluwag.

Wooh!

"You seem to be scared of Ma'am Eva." Natatawang sabi ni Jess.

"H-Hindi namn...Nakakailang lang ng may nakatingin noh!"

"Oo nga at nakangiti si Ma'am Eva habang nakatitig sayo eh."

dO___Ob

"A-Ano?"

"Wala...Nagugutom ka na ba? Nako talagang nalilipasan ng gutom kapag sobrang lunod na sa trabaho." Tawa niya at tsaka inayos sa isang tabi ang mga papel na nasa harapan niya. "Halika, Lunch muna tayo!" Aya niya sa akin at pati sa mga ka officemate namin dito.

"Wooh! Grabe! Makukuba na ako dito!"

"Huhu! Kanina pa ako gutom! Hindi lang ako umiimik kasi nandyan si Ma'am Eva."

"Kain tayo sa labas! Yung masarap naman!"

"Hep! Hep! Kalma lang! May bago tayong ka officemate dito oh!" Turo sa akin ni Jess. "Ito na ang papalit sa akin."

"Awww....Mamimiss ka namin Jess! Anyways I'm Patricia but you can call me Pat!" Pagpapakilala niya at tsaka lumapit sa akin at nakipag kamay.

"A-Ayy hehe...Chris, Chris Easton." Pagpapakilala ko din.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon