Chapter 29

237 9 0
                                    

KINABUKASAN

Chris Pov :

Naunang umalis si Eva sa akin dahil uuwi pa daw siya. Kasalukuyan akong nagbibihis  at ngayon lang ako papasok na naka suit. Tinignan ko ang itsura ko sa salim at talagang nakakapanibago. Nag spray pa ako ng pabago na binigay sa akin ni Eva.

Amouage interlude man...

Tsk! Pangalan pa lang halatang mahal na eh!

d>___<b

Kinuha ko na ang gamit na dadalhin para sa office at ng paglabas ko ay laking tuwa ko din.

Aba! Wala si Bea ah?! Ahahaha! Tinigilan na din ako! Wooh!

d^____^b

"Chris..."

dO___Ob

d= ____ =b

Napalingon ako at nakita ko si Bea na nasa likod ko.

"Ano?"

"Papasok ka na ba? Is that your new uniform? You look really handsome." Lapit niya pa sa akin.

"Thanks...Papasok na ako."

Inunahan ko na siya at agad na umalis. Baka ma late lang ako eh! Baka mag drama nanaman yan..Tsk!

Syempre commute pa din ako noh! Yun nga lang tuwing pag uwi nasasanay na akong sumasabay kay Eva! Bwuahahaha!

d-__-,b

Saglit lang ang naging byahe ko papunta sa ECCI. Pag dating ko sa opisina ko ay nag simula na ako sa trabaho at kahit papaano ay onti-unti ko ng nakukuha ang trabaho ko. Nagkakasundo na kami ng computer eh! Nagagawa ko ng mag isa kahit papaano pero inaalalayan pa rin ako ni Jess kahit papaano. Ako na ang gumagawa ng trabaho niya at ang mga gawain niya ay ang mga magagaan na lang.

Ilang sandali lang ay biglang pumunta dito ang sekretarya ni Eva.

"Mr.Easton , Can I have a talk with you for a moment?"

Napatingin muna ako kay Jess pero ngumiti lang siya. "Wag ka mag alala, Secretary lang yan ni Ma'am Eva at hindi si Ma'am Eva yan." Natatawang sabi pa nito.

Tumayo ako at sumunod kay Aiza. Ng medyo makalayo kami sa opisina ay hinarap niya ako.

"You will have your salary will be given to you after this week."

dO___Ob

"This week? Akala ko ba after 2 weeks?"

"Halos buwan ka na nag tratrabaho Chris tapos gusto mo next month ka bayaran? Every month ang suweldo mo." Napabuntonh hininga siya at tsaka may kinuha. "Here." Abot niya sa akin.

"Ano toh?"

"ATM mo yan, Lahat ng empleyado sa kumpanya na toh meron niyan and its given by the company. Dyan ihuhulog ang suweldo mo."

dO o Ob

"Eh paano ba toh?"

"Once na nahulog ang suweldo mo dyan puwede mo yun gamitin as payment kahit saan. Eto naman ang pin number niyan." Abot niya sa akin.

"Ano naman toh?"

"Yan ang password sa ATM mo, It's optional if you want to change it or not."

"So dito mapupunta ang suweldo ko? Akin na toh?"

"Yes."

"Woaahhh....Puwede maging cash?"

"Oo naman, Pag nag withdraw ka."

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon