Chapter 37 : Forgiveness

12.7K 298 1
                                    

"Ok ka lang ba?" tanong ni Fifth kay Alex, kahapon niya pa kasi napapansin ang dalaga na parang aloof ito. Iniisip nalang ng binata na siguro dahil na din sa pagkukwento ng dalaga tungkol sa nakaraan niya.

"Umm yes ok lang ako" ngiti nitong sabi, ngunit ramdam ni Fifth na parang peke ang ngiti nito.

"Sigurado ka?" tanong nito hinihimas niya ang kaliwang pisngi ni Alex.

"Yes ok lang ako, hindi ka ba papasok ngayon?" tanong ng dalaga.

"Pinapalis muna ba ako?" nakapout nitong tanong.

"Pangit mo" natatawang sabi ni Alex sabay hampas kay Fifth.

"Ang meanie mo po" he mimicked the voice of his daughter kaya sinabayan siya ulit ng malutong na hampas. "EPP! tama na" saad nito.

"Hindi ka ba talaga aalis?" nakangiting tanong ng dalaga.

"Later nalang hindi naman magagalit boss ko" nakangising sabi ni Fifth.

"Adik siyempre di magagalit un ikaw kaya ang boss" sagot ng dalaga, akmang hahampasin niya ulit ang binata, ngunit pinigilan siya ng binata.

"Ito na po maliligo na ako" saad ng binata pero bago ito umalis sumayaw mo na ito ng careless whisper. "Ang hot ko no" nakangising sabi niya.

"Yuckkk" sambit ni Alex at nagkunyari pa itong nasusuka.

"Tumutulo na nga laway mo eh" pambara ng binata, ibabato sana ni Alex ang hawak niyang sandok kay kumaripas ang binata.

"Baliw talaga" ang tanging nasabi ni Alex habang niluluto niya niya ang almusal ng kanyang mag-ama.

"Good morning anak" napalingon ang dalaga sa boses ng babaeng tumawag sa kanya.

"Good Morning po Tita"  nakangiting bati ng dalaga. "Coffee?" tanong ni Alex.

"Cge ung gaya ng dati ah" sa loob kasi ng isang lingo pinagtitimpla ni Alex ng kape si Elizha na perpekto na nito ang gustong lasa ng matandang babae at hindi maintindihan  alam ni dalaga pero magaan ang loob niya sa kanyang tiya Elizha.

"May pupuntahan po ba kayo ngayon?" tanong ni Alex habang nagpapainit siya ng mainit na tubig. Ayaw kasi ni Elizha ang kapeng galing sa coffee maker.

"Baka puntahan ko ung puntod ng asawako.. ng tatay mo"

"Ano po ulit un Tita?" anong ulit ni Alex.

"Wala anak" nakangiting sagot ni Elizha sa dalaga. "Ano pala niluluto mo?"

"Bacon po tita, may pancakes na diyan wait lang pagprepare ko kayo" aligagang sabi ng dalaga.

"Cge ako nalang dito" sagot ni Elizha.

Tumingin ang dalaga sa wall clock sa tabi ng kabinet. Gigising na din niyan si Scarlett napangiting sabi ng dalaga sa kanyang isipan.

Matapos ang ilang minuto narinig na niya ang boses ng anak niya. "Mommyyy" sigaw ng batang babae.

Niyakap naman agad ni Scarlett ang Mama niya. "Good Morning Mama" saad nito sabay halik sa pisngi ng dalaga.

"Good Morning to you too baby, say good morning to your granny also" tumango naman ang bata at lumapit sa kanyang lola.

"Oh siya alis na ako" paalam ni Elizha kina Alex at Scar.

Sinara mabuti ng dalaga ang gate, dahil na din silang dalawa lang ni Scarlett ang naiwan sa bahay. Weekends kasi ngayon day-off ng mga kasama nila sa bahay.

"What do you want to do baby?" tanong ni Alex sa bata.

"I want to play house Mommy" excited nitong sabi.

"Sure baby" pupunta na sana sila sa kwarto ni Scarlett. Ngumit biglang may nagtext sa kanya.

galing sa Rehab Center ang text. Pagbukas nito dali-dali niyang binihisan si Scarlett.

"Mommy where are we?" tanong batang babaeng nakaupo sa lap ng kanyang ina.

"We are going to visit someone special" nakangiting sabi ng dalaga sabay halik sa noo ni Scar. Diyos ko wag niyo pong pabayahan ang Mama ko dasal ng dalaga sa kanyang isipan.

"Ms. Gonzaga pwede na po kayong pumasok" saad ng isang nurse.

"Baby maiwan ka muna dito ah" saad ng dalaga. Natatakot kasi siya na baka magwala ulit ang kanyang ina at matakot ang bata.

"Im scared here Mommy" sambit ng bata.

Bahala na sambit ng dalaga sa kanyang isipan. Kinarga niya ang bata at niyakap ito ng mahigpit. "Remember baby, Mommy will always protect you ok" sambit ni Alex at tumango naman si Scarlett.

Pagopen ni Alex sa kwarto ng kanyang ina, bumungad sa kanya ang babaeng nakabistida at nakatingin sa labas ng bintana.

"Ma" tawag niya sa babae ngunit gaya ng dati wala itong nakukuhang sagot.

"Who is she?" tanong ni Scarlett.

"Thats my mama, baby" pilit na ngiti ni Alex.

"Ohh she is my grandma?" magiliw na tanong ng bata.

"Yes baby" Kinuha ni Alex ang kanyang cellphone at sinaksak niya ang headset nito. "Baby listen to this first ok" tumango naman ang bata. Pinaupo niya si Scar sa isang sofa. "Laro ka muna ah" sabay bigay ang tablet nito.

Pagkatapos niyang masiguro na walang maririnig si Scar kung sakaling magwala ulit ang kanyang ina, naglakas siyang lapitan na ang babae.

"Ma" bati ni Alex sabay upo sa kabilang upuan. "Sinabi ng doctor mo na nawala ka daw kanina? Tapos sinubukan mo pang saktan ang sarili mo" naluluhang sabi ni Alex.

"Ma please pagaling ka na" saad niya sabay hawak sa kamay ng kanyang ina. "Malapit na po birthday niyo, may gusto po ba kayong kainin?"

Kahit ilang beses siyang magtanong hindi pa rin siya sinasagot ng kanyang ina. "Ma alam niyo namimiss ko ung pagsigaw niyo sa akin, kasi kahit na galit kayo atleast naririnig ko ung boses niyo"

"Ma sorry po" tatayo na sana si Alex ng may biglang humawak sa kamay niya.

"Pakisabi naman sa anak ko, namimiss ko na siya" sambit ni Josie at ngumiti ito.

"Cge po sasabihin ko yun" nakangiting sabi ni Alex habang patuloy ang pagdalos ng kanyang mga luha.

"Alam mo magkamukha kayo"

"Talaga po?"

"Oo, Maganda yung anak kong iyon nagmana sa akin." saad ni Josie habang nakatingin siya sa bintana.

"Alam niyo ho, kamukha rin ng nanay ko" sambit ni Alex.

"Talaga, nasaan siya ngayon?"

"Nagbabakasyon po siya" naluluhang sabi ni Alex. "Pwede ko po ba kayong mayakap? namimiss ko na po kasi ang mama ko"

"Cge hija" dali-daling niyakap ni Alex ang kanyang nanay.

"sorry anak" rinig niyang bulong ni Josie. Pagbitaw ni Alex sa yakap tulala nanaman ang kanyang nanay.

"Matagal ko na ho kayong pinatawad mama" saad ni Alex at hinalikan niya ang noo ng kanyang nanay.



Wanted: Fake Mommy [FiLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon