Chapter 36: Happy Birthday Princess

14.2K 288 4
                                    

"Nasaan si Tita Elizha?" tanong ni Alex kay Fifth.

"Natutulog na, alam mo naman matanda na yun hindi na niya kayang magpuyat" buladas ni Fifth at nakatikim ito ng malutong na hampas kay Alex.

"Ang bad mo" sambit ng dalaga habang pinipigilan niya ang kanyang tawa.

"Eh totoo naman un eh" depensa ng binata.

"Ai ewan ko sayo" nakangiting sabi ni Alex.

"Mukhang excited ang prinsesa natin ah" sambit ni Fifth habang tinitignan niya ang kanyang anak na kasalukuyang nilalaro ang mga balloons. Napangiti naman ang dalaga.

"Malapit ng magtwelve" bulong ni Alex kay Fifth, Balak kasi nilang hintayin ang kaarawan ng bata.

"Kaya nga" nakangiting sabi ni Fifth.

"Im so excited" masayang saad naman ni Scarlett.

"Ok countdown na tayo" sambit ni Fifth matapos niyang tignan ang kanyang orasan.

Dali-dali namang sinindi ni Alex ang hawak niyang chocolate cake.

"10...9...8..7..6..5..4...3...2...1 HAPPY BIRTHDAY BABY" sabay na bati nina Alex at Fifth.

"Before ypu blow your candle, take a wish first baby" saad ni Alex.

Ngumiti ang bata na halos mapunit na ang kanyang mukha "I dont have wish Mama" saad ng bata.

"Why baby" sundot na tanong ni Fifth.

"Because Papa God already granted my wish" masayang sambit ni Scarlett.

Nagkatitigan lamang sina Alex at Fifth.

"Umm baby what is your wish before" tanong ng binata.

"To celebrate my birthday with my daddy and mommy"

Hindi naman mapigilang maiyak ng dalaga. Dali-dali niyang niyakap ang kanyang anak, hindi man ito nanggaling sa kanyang sinapupunan pero sa kanyang puso at isipan niya si Scarlett ang kanyang pinakamamahal na anak.

Hindi tumagal niyakap din ni Fifth si Scarlett. "Happy Birthday Sweetie" bulong nito sabay halik sa noo ng kanyang anak.

"Lets take a picture" masayang sabi ni Alex. Kinuha naman ni Fifth ang kanyang camera.

"Sinong magtatake ng picture natin?" tanong ni Alex. Tulog na kasi ang kanilang mga katulong ayaw naman nila itong gisingin para lang makapagpapicture sila.

"Ako na" rinig nilang sabi ng babaeng matanda.

"Akala ko ho natutulog na kayo--"

"Granny" sabat naman ni Scarlett at niyakap ang kanyang lola

"Nagalarm ako" kwento niya "Hindi ko naman pwedeng palampasin ang birthday ng pinakapaborito kong apo"

"Siya lang naman kasi ang apo mo" rinig niyang bulong ni Fifth. Kaya naman tinignan niya ito ng masama.

"Sorry" ngiting sabi ni Fifth tapos nagpeace sign siya.

"Side comment pa more ah" natatawang sambit ni Alex.

"Oh siya kuhanan ko na kayo ng litrato" saad ni Elizha.

Umupo naman ang mag-anak sa sofa, nasa gitna si Scarlett na umaabot sa tenga ang kanyang ngiti.

"Finally" rinig na bulong ni Alex galing sa batang nasa gitna nila. Tumingin siya sa camera at ngumiti din gaya ng ngiti ng bata. Salamat God please dont take them away from me sambit nito sa kanyang isipan.

Napangiti si Elizha sa picture ng mag-anak. Sana nandito din kayo Andrea sambit ng matanda sa kanyang isipan. Mabilis niyang pinahid ang luhang tumulo sa kanyang pisngi.

Wanted: Fake Mommy [FiLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon