Chapter 49: Tatlong taon

14.2K 282 3
                                    



3 years later..



"Ano ready ka na ba?" tanong ni Elizha sa kanyang anak.



Sa loob ng tatlong taon maraming nagbago, maiksi na din ang buhok niya.

Nagbago na din ang pananamit niya pero kabit anong mangyari hindi magbabago ang pagmamahal niya kina Fifth at Scarlett, ang tanong nagparamdam sa kanya ng pagmamahal at at pamangkin niyang tinuring na niyang anak. Now she is ready to face them, she already let go her cruel past and now she is ready to face her present with Fifth and Scarlett.



Tumingin si Alex sa kanyang ina, hinawakan niya ang kamay nito. "Yes Im ready" nakangiting sagot ng dalaga.



"Thats good hija, I talked to Fifth earlier excited na daw si Scarlett." kwento ni Elizha.



Napangiti naman ang dalaga sa kanyang narinig, nagpapasalamat siya dahil sa loob ng tatlong taon hindi nawala ang communication niya kay Scarlett, minsan din naman nagbabakasyon ang bata sa California.



"Excited din ako Ma, finally magisstay na tayo sa Pilipinas" saad ng dalaga hindi mawala ang ngiti sa kanyang mukha.



"Oh siya magpahinga ka muna" sambit ni Elizha sa kanyang anak.



Tinanaw ulit ni Alex ang bintana, tanaw niya ang mga ulap napangiti ito dahil sa ilang oras nalang makikita niya muli ang mag-ama.



NAGISING ang diwa ni Alex sa tapik ng kanyang ina.



"Tara na, baka hinihintay na tayo nina Roberto" saad ng kanyang ina.



Nawala ang ngiti ni Alex nang hindi niya makita ang mag-ama "Ma nasaan na ba sila?" tanong ng dalaga sa kanyang inang naghihintay din.



"Di ba sinabi ko naman na ngayon tayo uuwi"



Natawang bahagya si Elizha. "Anak ilang beses mo ng sinabi sa kanila"



"ALEXXXX" rinig niyang sigaw ng lalaki, napangiti si Alex pero ng lumingon ito si Fourth ang nakita niya at hindi si Fifth.



"Nasaan si__" hindi pa man natapos ang tanong ni Alex dahil sumabat na si Fourth para itong kinakabahan na ewan.

Wanted: Fake Mommy [FiLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon