Chapter 16: Preparations

17.6K 385 6
                                    

ALEX POV

"Maam ito na po ung napiling theme ni Sir, pero sabi po niya tanungin ko po kayo baka may gusto kayong baguhin?" sambit ng isang organizer. Malapit na kasi ang birthday ng baby namin. Magiging 4 na ang aming princess.

(FLASHBACK-ITALIC)

"Alex may gagawin ka ba later?" tanong Sir.

Wait date ba ito? Hindi ako prepare

"ah.. Wala po Sir" nauutal kong sambit. Nasa office niya kasi ako. Kami lang dalawa kaya Sir ang tawag ko sa kanya.

"Pwede bang makipagmeet ka sa mga organizer sa birthday ni Scarlett?" tanong niya. Kala ko pa man din date na. Lakas magpahopia ni Sir.

"Ah cge sir, un lang po ba?" tanong ko.

"Un lang" sagot niya tapos pinaalis na niya ako.

Palabas na sana ako noong tinawag niya ulit ako.

"Alex?"

"Ano ho yun Sir?"

"Thank you pala, and please stop calling me Sir."

Tumango nalang ako. Tapos pinigil kong ngumiti.

"wala na, ang ganda nga ng theme. Favorite kasi ng anak namin ang Sofia The first" nakangiti kong kwento.

"Ang ganda po ng baby niyo Maam para pong manika" sambit niya.

"hehe salamat" ang ganda nga ni Scar para siyang living doll tapos curly pa ung buhok niya iniisip ko nga baka foreigner yung totoong mama niya.

"Ang gwapo kasi ng daddy niya tapos ang ganda din ng mommy kaya superb beautiful po talaga ng kinalabasan."

Sana nga ako nalang ang mommy niya.

"Maam ito na po pala ung sample ng mga invitation"

Aww im sure magugustuhan ni Scarlett ito. May S at crown sa front tapos purple and cream ung color. "Ang ganda naman" sambit.

"Thank you ho Maam, nakaready na po pala ung susuotin niyong custome"

Ano daw costume?

"Ano ulit?" tanong ko baka nagkamali lang ako ng dinig.

"Maam ung costume niyo po, sinabi po kasi ni Sir na gusto ng anak niyo na parang costume party."

Akala ko ayaw niya noon, kasi noong sinabi ko sa kanya parang nainis siya.

"May gusto ka bang theme? I mean ano sa tingin mo magugustuhan ni Scarlett?" tanong ni Sir.

Wanted: Fake Mommy [FiLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon