Chapter 17 : May anak ka na?

16.7K 377 5
                                    

THIRD PERSON POV

"Mommy can I sleep on your papa's room?" halos mabuga ni Alex ang ininum niyang tubig ng marinig niya ang tanong ni Scarlett.

Paano ba ito? Tanong niya sa kanyang isipan. Akala kasi ng bata na tabi matulog ang kanyang daddy at mommy. Ang hindi niya alam natutulog si Alex sa guest room. Alam ito ng mga katulong ngunit ni isa sa kanila walang lakas ng loob na magtanong sa kanilang amo.

"Baby" sambit ni Alex na may halong pakiusap.

Naiintidihan naman ito ni Scarlett kaya mas pinilit niya pa ang dalaga. "Mommy please, that will be my birthday wish"

Juice colored paano ba ito? Tanong ulit ni Alex sa kanyang isipan. Bahala na.

"Cge baby you can sleep in our room" sambit ni Alex. Napangiti naman si Scarlett sa kanyang narinig.

"but.."

"Aww" nakasimangot na sambit ni Scarlett.

"Your going to ask daddy about it later" sambit ni Alex.

"What if daddy say No?"

"Then we dont have a choice"

"But mommyyy...."

"Come on, daddy will be here soon" sambit ni Alex.

"Mama....."

"Baby come on, karga ka ni Mommy dali" nakangiting sabi ni Alex. Alam ng dalaga na may pagkamatigas ang ulo ng bata ngunit nawawala ang kanyang inis kapag nakapout or nakangiti ang pekeng anak niya na napamahal na sa kanya ng totoo.

Habang naglalaro ang mag-ina sa garden, narinig nila ang tawag ni Mindy, isa sa mga naging kaibigan na ni Alex.

"Maam may naghahanap po sa inyo" hingal na sabi ni Mindy. Nasa dulo kasi ng garden nagpwesto ang mag-ina dahil na din presko doon.

"Sino ho Ate Mindy?'

"Hindi ko kilala Maam"

"Ah cge papunta na ako." napansin ni Alex na busy na naglalaro si Scarlett. "Ate mindy pwedeng pakibantayan nalang si Scarlett dito" sambit ng dalaga. Tumango naman ang katulong nila.

"Nasaan pala ung naghahanap sa akin?" tanong ng dalaga.

"Nasa sala po Maam" batid ng katulong.

Nagmadaling pumunta sa loob ng mansyon si Alex. Dahil sa loob ng tatlong buwan ngayon lang may naghanap at dumalaw na bisita sa kanyan..

Pagpunta ni Alex sa sala napansin niya ang babaeng may mahabang buhok na nakatalikod. Back palang alam na ni Alex kung sino ang misteryosong bisita niya.

"AINNNAAAAAA!!!" sigaw ni Alex napalingon naman ang kanyang bisita.

"GIRRRRRLLLL! Gaga ka akala ko patay ka na bruha ka!" sermon ng kanyang namimiss niyang bestfriend.

"I miss you too" sambit ni Alex. Namiss niya ang ganito moments kung saan nonstop ang sermon ng kanyang bestfriend hindi niya mapigilang umiyak.

"Oi gaga ka bakit ka umiiyak? Inaapi ka ba nila dito?" mataray na tanong ni Aina.

"Bruha ka! Miss lang kita talaga" natatawang naiiyak na paliwanag ni Alex.

"Kasi naman girl! May cellphone wala man lang tawag at text. Akala ko nga namatay ka na eh" natatawang biro ni Aina.

"Marami lang ginagawa kaya di ako makapagtext." niyakap ni Alex ng mahigpit ang kaibigan niya.

"Kumusta na pala..." bago pa man natapos ni Aina ang tanong niya.

"Mommyy!!" sambit ng batang umiiyak na papalapit sa kanila.

Bumitaw si Alex sa yakap niya sa kanyang kaibigan at linapitan ang batang umiiyak.

"Why are you crying baby?" tanong ni Alex na ikinagulat ni Aina. Kailan pa nagkaanak ang kaibigan ko? Tanong ni Aina sa kanyang isipan.

"Mommy I saw a big bug" sambit ni Scar at nagpout ito. Natatawang pinunasan ni Alex ang mukha ni Scar. Bigla niyang nakalimutan na nandito pala ang bestfriend niyang walang alam sa bago nitkng trabaho. Lagot na! Ang tanging nasambit niya.

"Scarlett meet your Auntie Aina"

"Hello po" nakangiting sabi ni Scarlett.

"Hello baby" sambit naman ni Aina. Tila nawala ang kanyang pagtataka at napalitan ito ng pangigil noong nagsalita.ang bata.

"You look like a talking doll" dagdag pa ni Aina.

"Samalat po"

Natawa bahagya si Alex ng marinig ang kanyang anak anakan. "Baby its Salamat"

"Sorry Mama, Salamat po" sambit ni Scar.

"Go to your room first, mommy will just talk to Auntie Aina" tumango naman ang bata sa sinabi ng kanyang mama.

Nang makaalis na si scarlett. Nakatitig lang si Aina sa kanyang kaibigan.

"May anak ka na?" malakas na tanong ni Aina.

"Shhhh. Wait punta muna tayo sa kwarto" sambit ni Alex. Natatakot din kasi siyang marinig ng mga kasambahay nila.

"Ok ngayon. Explain!" tanging nasabi ni Aina pagkasara ng pintohan ni Alex.

"long story..."

"Marami akong time bruha ka!"

Wala ng choice si Alex kung hindi sabihin sa kanyang kaibigan ang katotohanan.

Pagkatapos na kanyang kwento walang imik si Aina.

"Aina alam mo naman hindi lang si Aling tess ang napagutangan ko."

"Alam ko pero hindi sapat na dahilan yun para lokohin niyo ang bata"

"Ains please intindihan mo naman ako, naguguilty na ako. Kasi bawat araw na kasama ko sila mas napapalapit ako sa mag-ama"

"Alex itigil mo na yung pagpapanggap dahil sa huli tatlo kayong masasaktan lalo na ung bata"

Hindi alam ni Alex bigla nalang siyang napaiyak.

"Bruha bakit ka kasi tinanggap mo yan?"

"May choice ba ako? Alam mo naman yung kalagayan ko di ba?"

"mahal mo ba yung tatay?" derestyong tanong ni Aina.

"Aina ano ba?"

"Anong ano? Bruha kaya ba ayaw mo silang iwanan dahil mahal mo na yung lalaki?"

"baka.. Ewan.. Siguro.. Hindi ko alam Aina dahil ako mismo litong lito."

"YUN LANG!"

"Matalino kang tao Alex, alam ko sa huli makakahanap ka ng solusyon." dagdag pa ni Aina.

"Sana nga" tanging sambit ni Alex at nagyakapan silang magkaibigan.

Knock knock.

"Mommy are you done talking to Auntie Aina?" rinig nilang tanong nina Aina and Alex.

"Yes Im done baby, just wait ok" sambit ni Alex.

"Oh ayusin mo na yang mukha mo" paalala ni Aina. " Dali gusto ko ng makalaro yung anak mo na mukhang manika eheh" dagdag pa ni Aina.

Wanted: Fake Mommy [FiLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon