Chapter 38 : Almost Perfect

12K 265 1
                                    

"Saan kayo galing?" pambungad na tanong ni Fifth ng makita niya sina Alex at Scar.

"Umm ano kasi.." hindi alam ni Alex kung sasabihin niya ba sa binata kung saan sila nanggaling. "Huwag kang magagalit ah" Binitawan ni Alex ang kamay ni Scarlett. "Baby go to your room first" utos ni Alex ng makita niyang nakapasok na ang bata humarap siya kay Fifth. "Kasi ano.."

"Ano ba yun?" tanong ulit ng binata.

"Binisita namin ang mama ko" tapat na sabi ni Alex. Ayaw niyang magsinungaling kay Fifth dahil nangako sila na walang sekresekreto sa kanilang relasyon. "Kasi nakatanggap ako ng message kanina nagwala daw ung mama ko kaya dali-dali na akong pumunta sa rehab center, iiwan ko san si Scar kaso___"

"Shhh tama ok lang yun" saad ni Fifth habang  nakangiti ito.

"Talaga? Hindi ka galit?" tanong ulit ni Alex.

"Hindi ako galit Alex" saad nito sabay halik sa noo ng dalaga.

"Thank you"

"For what?"

"Wala lang" nakangiting saad ni Alex.

Ngumiti lang ang binata. "Sabi pala ni Margy alis daw kayo"

"Let me guess? bored nanaman siya" natatawang tanong ni Alex.

"Alam mo naman un" sagot ni Fifth "Susunduhin niya daw kayo tomorrow" dagdag pa ng binata.

"Kayo?" tanong ng dalaga.

"Shopping daw kayo with Scarlett" sagot ng binata.

"Nako po" napasigh si Alex at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ni Fifth.

Natawa naman ang binata. "Sunduhin ko nalang kayo tomorrow sa condo ni Margy"

"Paano si Tita Elizha?"

"Hindi daw siya makakauwi ngayon" sagot ni Fifth sabay hawak sa kamay ni Alex at hinalikan ito.

"Ang saya ng ganito no?" nakangiting sabi ng dalaga. "Sana laging ganito" bulong ng dalaga.

"Promise i will protect our little paradise" saad ng binata

"Paradise talaga?" birong tanong ni Alex.

"You and Scarlett are my paradise and I will do everything just to protect you both" sambit ni Fifth.

Tumingin ang dalaga sa binata. "Thank you" ramdam ni Fifth na sincere ang pagkasabi ni Alex.

"No need to thank me babe"

Namula naman si Alex sa sinabi ng binata.

"I love you" sambit ng binata at hinalikan niya ang noo ni Alex.

"I love you too" nakangiti niyang sabi ng dalaga. "Tara puntahan na natin ung anak natin baka ano ng ginagawa niya dun" natatawang sabi ni Alex.

"Good idea"

"Ano maganda ba?" tanong ni Margy habang suot niya ang purple na damit.

Nagthumb ups naman si Alex. Nakaupo lamang sila ni Scarlett sa isang sofa dito sa shop. Ilang oras na din kasi silang naglalakad kaya napagod na ang mag-ina.

"Talaga?" tanong ulit ni Margy.

"Yes Margy, perfect ung dress sa iyo" nakangiting sabi ni Alex.

"I will get this" utos niya sa isang sales lady at pumasok ulit sa dressing room.

"Are you tired baby?" tanong ni Alex kay Scarlett na mukhang konti nalang ay matutulog na ito.

"Mommy Im tired" saad ng bata habnng kinukusot niya ang kanyang mga mata.

"Come here baby" turo niya sa lap niya. "Tulog ka mun ah, matagal pa naman si Tita Margy."

"Yes po Mommy" naantok na sabi ng bata.

Hinalikan lamang ni Alex ang noo ni Scarlett at naghum ito.

"Tulog na mahal ko, hmm tulog na mahal ko hmmm.."

Nagising si Alex noong narinig niya ang boses ng kaibigan niya.

"Sorry nakatulog na tuloy kayo" sambit ni Margy namukhang naguguilty.

"Adik ok lang iyon, ano tapos ka na?" tanong ng dalaga. Tumango naman si Margy.

"Tara kain mo tayo" saad ni Margy, pagtingin ni Alex kay Scar tukog pa din ito, kaya minabuti na lang niyang buhatin ito.

"Nasaan yung mga pinamili mo?" tanong ni Alex.

"Pinalagay ko na sa sasakyan, hassle naman magbuhat" nakangiting saad ni Margy. "Hindi ka ba nabibigatan?" tanong niya.

"Hindi naman" sagot ni Alex sabay tingin sa batang buhat buhat niya.

"Kain nalang tayo dun oh" turo ni Margy sa isang malapit na Italian Restaurant sa amin. "Para hindi ka na mahirapan" sambit ni Margy.

Papunta na sana sila pero pinigilan siya ni Margy. " Bakit?" nagtatakang tanong ni Alex.

"NaCcr kasi ako" natawang bahagya si Alex.

"Sige hinatayin ka nalang namin dito ni Scar." saad ni Alex. Ginawaran naman siya ng yakap ni Margy.

"Thank youuu!" sagot ni Margy at dali-dali itong pumunta sa Cr.

Papunta na sana sa restaurant sina Alex ng may biglang humawak sa braso niya.

"Bitawan mo ako" saad ng matignan niya kung sino ang humawak sa kamay niya halos mahulog ang puso niya.

"Namiss mo ba ako Alex" nakangising sabi nito.

Wanted: Fake Mommy [FiLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon