Chapter 31: Just hold my hand

14.1K 311 4
                                    

THIRD PERSON POV

"Ok ka lang ba?" tanong ng binata sa dalagang katabi niya. Pansin kasi parang pinagpawisan siya.

"ok lang ako" tipid na sagot ni Alex.

Hinawakan ni Fifth ang kamay ni Alex at pinisil ito. "Tandahan mo narito lang ako, hindi kita iiwan"

"Thank you" maluluhang sagot ng dalaga.

Marahang pinahid ni Fifth ang luhang tumutulo sa dalaga.

"Fifth, thank you sa pagtulong mo sa akin, promise babayaran kita..."

hindi na pinatapos ni Fifth ang dalaga "Shhh, wag mo ng isipin un ah" saad ng binata.

Pinalean ng binata ang dalaga sa kanyang balikat.

FIFTH POV

Pinalean ko muna siya balikat ko, ramdam kong kinakabahan siya. Kanina ko pa kasi napapansin na hindi mapakale ang kamay niya. Hindi tuloy mawala sa isip ko ang pangyayari kahapon, I thought mawawala nanaman siya sa akin.

"Bakit mo ginawa iyon?" tanong ni Alex sa akin habang tumutulo ang mga luha niya.

Alam na ba niya?

"Alex im sorry pero.."

"You already knew right?" natigilan ako ng marinig ko ang pangalawa niyang tanong.

"Bakit ka nakialam?" nanghihinang tanong niya.

"Alex please let me expla.." natigilan ako ng maramdaman kong niyakap niya ako.

"Please yakapin mo lang ako kahit ilang segundo lang" naiiyak niyang sabi. Hinagkan ko siya habang patuloy lang siya sa pagiyak.

"Fifth ang sakit sakit feel ko nadudurog ang puso ko"

"Kung kaya ko lang alisin yang sakit sa puso mo, gagawin ko" sambit ko. Patuloy pa din ang pagiyak niya. May sakit sa bawat hikbi niya.

"bakit ganun? Bakit sarili kong ina ang dahilan kong bakit hanggang ngayon takot na takot pa din ako." naiiyak niyang kwento.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinding hindi na kita pakakawalan Bel. Hinding hindi na.

"Fifth.. "

"Shhh, umiyak ka lang. Ilabas mo na yang sakit sa puso ah. Kalimutan mo na lahat ng nangyari."

"Paano? Sa tuwing tinitignan ko ang mga sugat sa katawan ko. Bumabalik ang sakit"

"Limutin mo na lahat Alex, gagawa tayo ng masasayang alaala. Kasama mo na ako. Hinding hindi kita iiwan.

Umiyak lang siya ng umiyak. Sa bawat iyak niya nasasaktan ako dahil wala akong nagawa sa panahong kailangan na kailangan niya ako.

"Fifth.. Please wag mo akong bitawan"

"Hinding hindi, pangako ko yan" sambit ko. Pagkatapos niyakap ko siya.

"Ang sakit sakit" she mumbled. Bumitaw siya sa pagkayakap sa akin. Pinunasan niya ang mga luha niya. Huminga siya ng malalim at lumayo sa akin. "Magreresign na ako" matamlay niyang sabi.

"No!" deretsyo kong sagot.

"Hindi ka ba nandidiri sa akin?" nakatingin lang ako sa mga mata, puno ito ng sakit.

"No" saad ko.

"Please kailangan ko ng umalis" saad niya habang tumutulo nanaman ang mga luha niya.

Wanted: Fake Mommy [FiLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon