Chapter 40 : Secret Protector

11.6K 247 13
                                    


"Tawagan mo ako ah kapag ginulo ka nanaman noong lalaking iyon" bulong ni Margy kay Alex, sabay yakap dito.

"Ohh bitawan mo na siya Margy" sabat ni Fifth habang karga nito si Scarlett.

"Oh ito po ho, kala mo naman" nangiinis na saad ni Margy.

"Tara na Babe" saad ni Fifth sabay hawak sa kamay ni Alex.

"bumibabe ka na ngayon Roberto ah infairness" tukso ni Margy na kinapula ng pisngi ni Alex.

"Tama na nga yan Margy" naiinis na sabat ni Fifth.

"Ito naman parang laging meron  ahaha" biro ulit ni Margy, sinamaan lang tingin ni Fifth ang dalaga. Nagpeace sign naman si Margy. "Alex next time ah sleepover ulit tayo."

Niyakap ni Alex ang kaibigan niya. "Salamat" bulong bito. Tumango naman si Margy para hindi mahalata ni Fifth.

"Alex ok ka lang ba?" basag sa katahimikang tanong ni Fifth. Dahil mula ng pumasok sila sa sasakyan nila tanging munting hilik lang ni Scarlett ang bumalot sa loob ng sasakyan.

"Yes ok lang ako" pilit na tawa ni Alex.

Pero alam ng binata na peke ang tawa ng dalaga.

Nang magred light hinawakan niya ang kamay ni Alex kaya napatingin ang dalaga. "Alam mo naman siguro kung may problema ka pwede mo naman akong kausapin" saad ng binata.

Napangiti ang dalaga, pero hindi na kagaya kanina na peke, she genuinely smiled at him.

Lumapit ang binata sa dalaga at hinalikan niya ang noo nito.

Napapikit lang ang dalaga, alam niyang kung nandiyan si Fifth walang manyayaring masama sa kanila.

"Martin anong balita?" tanong ng binata sa imbestigator.

"Sir hindi po namin matrace kung saan nagtatago si Mark, hinahanap na din siya ng mga pulis, dahil patong-patong ang kaso nito" saad ni Martin pagkatapos binigay niya sa amo niya ang mga papeles tungkol kay Martin.

Tumango si Fifth habang binabasa niya ang mga nakasulat. He need to do something para mawala na ang lalaking nagpapahirap sa babaeng mahal niya. He need to solve this problem dahil alam niya sa susunod na araw mas dadami na ito kabilang na dito ang sekreto tungkol sa nakaraan ni Alex.

"Mommy Im tired na po" naantok na saad ni Scarlett. Dahil sa ilang oras na din ailang naglalaro ni Alex. Nasa trabaho kasi si Fifth kaya silang dalawa lang.

"Come on" sambit ni Alex sabay karga sa batang babae. "Mama will carry you baby"

Nang matapos niyang bihisan si Scarlett, minabuti ng dalagang patulugan na ito.

"Baby its your naptime" sambit ni Alex.

"But Mama i want.."

"I thought you are tired"

"Yes but.."

"No buts little girl, you need to take a sleep ah. Mama will sleep besides with you" nakangiting saad ni Alex, kapang kapa na kasi ng dalaga ang batang kanyang tinuring na anak.

"Yeyy" nakangiting sambit ni Scarlett.

"Come on lay down here baby" saad ni Alex at niyakap niya si Scarlett. Nilagay naman ng bata ang kanyang maliliit niyang kamay sa neck ni Alex.

Patuloy lang ang paghumming ni Alex hanggang makatulog ang si Scarlett. Matutulog na rin sana si Alex ng marinig niya ang isang tawag.

"Hello" bati ni Alex.

"Tsk. tsk ang yaman mo na pala ah" sambit ng lalaki sa kabilang linya.

Nanlaki ang mata ni Alex at napahawak siya sa bibig niya. "Paano.. paano mo nalaman ang number ko?"

"Haha pinapatawa mo naman ako Alexandra" tumaas lahat ng balahibo ni Alex. "Sabihin mo naman sa syota mo bigyan niya ako ng pera" natatawang saad ng lalaki.

"Please Mark huwag mo silang idamay dito" sambit ni Alex.

"Huwag kang mag-alala nadamay na sila haha sinong gusto mong unahin ko yung bata o yung tatay?"

 

"Please huwag.. wala silang kinalaman sayo" naluluhang pakiusap ni Alex, napaupo ito sa floor dahil na din sa takot na baka masaktan ang mag-ama.

"Tsk. tsk tatapusin agad natin ang laro? hindi pa nga ako nagsisimula eh" nakangising saad ni Mark.

Napahawak si Alex sa dibdib niya dahil sa kaba. "Kung ayaw mong madamay sila magpapakita ka sa akin"

Hindi makasagot si Alex sa tanong ng dating boyfriend ng kanyang nanay.

"Ano na? naputol ata ang dila mong matabil?" rinig ni Alex ang tawa sa kabilang linya.

"Yes magpapakita ako, but promise me walang manyayaring masama ka kanila"

Tumawa lang si Mark at pinutol ang linya ng tawag.

Wanted: Fake Mommy [FiLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon