ALEX POV
"Fif..th subu...an nalang.. kita.. Kung gusto mo lang naman" mautal utal kong sabi. Ano bang pinagsasabi mo Alex nakakahiya? Yang bibig mo minsan wala talagang utak.
"Talaga? Kung ok lang cge" sambit ni Sir. Boss ko rin naman siya eh kaya walang malisya naman siguro ito. Tsaka parang responsibilidad ko rin naman ito.
"Say Ahhh!" sambit ko tapos binuka niya ung bibig niya. "ouch" biglang sabi ni Sir. Nako po maiinit pa ata. JUICE COLORED alex ano ba ito.
"Sorry Sorry Sorry Fifth" sambit ko habang nakayuko. Nabigla naman ako noong narinig kong tumawa ang mag-ama.
Tinignan ko sila ng masama.
"Sorry Mommy" sabay nilang sabi tapos nakapout si Scarlett. Nako paano ko naman titiisin itong mga ito.
"Sorry na po mama"sambit ulit ni Scar.
"Cge na ahaha hindi ko naman kayo matitiis eh" nakangiti kong sabi. Napatingin ako kay Sir nakangiti lang siya.
"Yeyyy" Nakangiting sambit ni Scarlett.
"Say Aahh ulit" biro kina Sir. Kinain niya naman ito. Habang sinusubuan ko siya nakikipaglaro siya kay Scarlett. Sana laging ganito. No erase di pwede.
Paubos na ung sopas ng marinig naming bumukas ang pintohan.
"Good Afternoon Pagotan Family" nakangiting sambit ni Dra. Karen, siya pala talaga ung doctor ni Sir kapag nagoover fatique si Sir. Kasi kahapon wala siya. Buti nalang natanong ko kay Margy noong katext ko siya.
"Good Afternoon po Doc." nakangiting sambit ko naman.
" Good Afternoon po Lola" bati naman ni Scar tapos niyakap niya si Doc.
"Baby come on" sabi ko kay Scar tapos kinarga ko siya. "Labas mo na kami Fifth, para macheck up ka na ni Doc." sabi ko at tumango naman siya.
Karga ko pa din si Scar habang naglalakad kami dito sa hallway.
FIFTH POV
"Di ba sabi ko na sayo Fifth, gusto mo ba talagang lumala yan" paalala ni Dra. Karen. Siya na ung tumatayong family doctor namin. Kaibigan kasi siyang matalik ng tatay ko. Siya ung doctor niya until namatay siya.
"Sorry Tita nakalimutan ko lang uminom ng gamot, alam niyo naman na masyadong bumaba ung economy natin" paliwanag ko sa kanya at tinignan niya lamang ako.
"Paalala ko lang sayo na may anak ka" seryosong niyang sabi. "at ung babae kanina kamukha siya ni.."
"Ya tita" putol ko sa kanya.
"Sana alam mo ang ginagawa mo Fifth, Alam ko na may reason ka kung bakit kumuha ka ng babaeng magpapanggap na ina ng anak mo. Sana sa huli wag kayong masaktang tatlo lalong lalo na si Scarlett....
About sa condition mo, sana magpahinga ka naman Fifth. Alam mo sana na may anak ka na dapat inaalala. I promise to your Dad na hindi ko kayo pababayahan pero kung ganyan ka ng ganyan baka hindi ko matupad yun" seryosong paalala ni Tita. Hindi lang doctor ni Dad si Tita actually magbestfriend sila.
"Sorry tita hindi na mauulit"
Napabuntong hininga na lang siya "Sana nga Fifth. Oh siya ung gamot mo ah wag mong kalimutang inumin.. Please Fifth makinig ka naman." paalala ni Tita. Ito ung main reason why i wish na siya nalang ang Mama ko. Si Tita laging nandyan kapag kailangan ko siya pero ang totoong nanay ko. Ai ewan.
"Oh Cge alis na ako" paalam ni Tita at umalis na siya.
Ako naman ito nakahiga pa din, nasaan na kaya ang mag-ina ko? Tama nga si Tita kamukha kamukha siya ni..
"Daddy!" napalingon naman ako ng marinig ko si Scarlett.
Tumakbo papunta sa akin si Scar "what did lola say?'
"Lola says that Daddy is fine already" sambit ko tapos ngumiti siya.
"Scar dahan dahan lang ah si Daddy nagpapagaling pa" sabi ni Alex at lumapit si Scar kay Alex at na yawn ito. "Mama, Ayet is sleepy" sabi ng anak ko at nagpakarga siya kay Alex.
Pinapanood ko lang sila. Si Alex kumakanta siya ng lullaby at sumasayaw siya habang karga niya si Scar.
"tulog na baby hmmm tulog na mahal kohmmm tulog na scarlett..."
Habang kinakantahan niya si Scar pati ako parang dinalaw na din ng antok. Ngayon ko lang nalaman na maganda pala ang boses niya. She always surprise me.
Hindi ko alam but there is something about her..
Na hindi ko nakita sa ibang babae.
An: enjoy ur sembreak sa mga meron (kasi ako wala :'| ) ingat po sa mga luluwas ng probinsya :))
Happy Halloween
May kapampangan po ba akong reader?? :))