Chapter 20: YES

16.4K 344 9
                                    

FIFTH POV

Pagmulat ng mga mata ko napansin kong si Scarlett nalang ang katabi ko. Nasaan na si Alex? Binuhat ko muna si Scarlett papunta sa kwarto niya. Kukunin ko sana ung mga unan ng marinig ko ang boses ng isa naming katulong.

"Sir ako na ho ang bahala dito, si Maam po nasa baba na" sambit niya.

Tumango nalang ako. Nang nasa baba na  ako napansin kong nasa tabi ng pintohan si Alex.

"umm sino ho sila?" rinig kong tanong ni Alex

"Roselle Vergara..." bigla nalang dumilim ang paningin ko. Lumapit ako sa tabi ni Alex

"Anong ginagawa niyo dito?" galit kong tanong.

"Anak" sambit niya at hakmang yayakapin niya ako pero pinigilan ko siya.

"Wag!" seryoso kong sabi. Tumingin ako kay Alex na nakatitig pa rin sa taong nasa harap namin. "Alex pumasok ka na sa loob!"

"Pe..ro"

"Al.."

"Daddy!!" napatingin kami sa likod. Papunta dito si Scarlett.

Hinawakan ko ang kamay ni Alex " Pumunta muna kayo sa taas ni Scarlett" sambit ko. Tumango siya at lumapit kay Scarlett. "Come on baby lets eat our breakfast" rinig kong sabi niya.

"Hindi mo man lang ba ako papasukin?" rinig kong tanong niya.

"Bakit ba? Eh aalis ka naman di ba?' madiin kong tanong.

"Please Fifth" lalapit siya sa akin kaya lang lumayo ako.

"Umalis ka na at pakisabi kay Maris na kailangan ko siyang kausapin"

"Anak.."

"Wala kang anak dito, kaya please umalis ka na! Hinihintay na ako ng mag-ina ko"

Aalis na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko.

"Pwedeng bitawan mo ang kamay ko!"

"Gusto kong makita ang apo ko please, kahit man lang isang oras"

"wala kang apo dito kaya umalis ka na baka hinihintay ka ng pamilya mo!" sigaw ko sabay pasok sa bahay ko.

ALEX POV

anak?? Siya ba yung mommy ni Sir? Pero bakit parang hindi sila close?

"Mommy" nabigla naman ako ng tinawag ako ni Scar. "Are you not feeling well mommy?"

"Sorry baby" nakangiti kong sabi. "Mommy is just thinking of something"

Tumango naman siya at kinain niya ung pancake niya. Punong-puno ng chocolate syrup ung bibig niya.

"Mommy why are you not eating?"

"Umm im waiting for daddy" sambit ko tapos pinunasan ko ung bibig niya.

Nabigla naman kami ni Scar ng marinig namin ang boses ni Sir. "Alex!"

"Sa susunod na dumating ung babaeng yun, wag na wag mo siyang pagbubuksan ng pintohan. Naiintidihan mo ba?"

"Pero... Fifth di ba mama mo yun?"

"Hindi ko siya nanay!"

"Fif.."

"Alex sumunod ka na lang sa akin ah! Tara kain na tayo." Minabuti ko na lang wag magsalita. Nakikita ko kasi sa mukha ni Sir na inis na inis na siya.

Umupo siya sa tabi ni Scar. Kinuha ko na din yung coffee ni Sir pati ung pancake niya.

A W K W A R D

Ang breakfast namin, si Scar napansin siguro niya ang daddy niya na maiinit ang ulo kaya hindi na din siya nagsalita.

Wanted: Fake Mommy [FiLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon