Chapter 44 : Trouble in Paradise

12.7K 268 3
                                    




Galit na galit na lumabas si Alex sa kwarto ng binata, hindi niya alam kung maiinis ba siya oh matatawa. Masaya siya na ligtas na si Fifth ngunit naiinis siya sa ginawa ng lalaking kanyang iniibig.


"AGHHHHH ROBERTO PAGOTANNNN!" sigaw ng dalaga, kaya pinagtinginan siya ng mga taong dumadaan sa hallway. 


"Mama ok lang ba siya?" rinig niyang tanong ng isang batang lalaki.


"Shhh! Anak huwag mong tignan baka saktan ka niya sige ka" panakot pa ng ina ng bata. 


Tumingin si Alex sa mag-ina "Hindi po ako baliw ok" madiin niyan saad kaya dali daling tumakbo ang mag-ina.


 "UGHHH kasalanan mo ito Pagotan!!" Hindi niya makalimutan ang ginawa sa kanya ng binata, kung paano siya nito niloko. 


"Sino ka?" 


"Ah?"


"Nasaan ako?" tanong ng binata, hindi mapigilang maiyak ni Alex.


"Fifth huwag ka namang magbiro ng ganyan"


"Im sorry Miss but do I know you" blankong saad ni Fifth


"Fifth naman" naiiyak na saad ni Alex, niyakap niyang ang binata at pinatong niya ang kanyang ulo sa dibdib ng binata at patuloy ang pag-iyak nito. "kasalanan ko ito"


Napatigil sa pag-iyak ang dalaga ng marinig niya ang tawa ni Fifth.


Napakunot ng noo si Alex habang nakatitig siya sa binata. "Ah?"


"Ang epic noon Babe" natatawang saad ni Fifth.


"So wala ka talagang amnesia?" di makapaniwalang tanong ni Alex.


"wala niloloko lang kita" nagpeace sign ang binata.


"AI GAG* KA!" sigaw ni Alex at pinaghahampas ang dibdib ng binata. "ALAM MO BANG PINAKABA MO AKONG GAG* KA"


Natawa  naman ang binata habang hinahampas siya ng dalaga "Babe tama na po" saad ni Fifth.


"Gag* ka!" saad ni Alex at nagwalk-out ito.









Wanted: Fake Mommy [FiLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon