Chapter 1

974 23 0
                                    

AUTHOR NOTES; 

This book is a work of fiction all of the scenes,characters place and dialogues are pure fiction and imagination of the author.

If  there is any resemblance to actual peole living or dead in reality it is only a pure coincidental.
    
STORY BETWEEN TWO PEOPLE  FROM  DIFFERENT TIMELINES

YEAR 2021|PHILIPPINES

Pansin ko lang Charm,bakit parang panay mo nalang bukang bibig ang pangalan ni Lukas?tell me crush mo siya no?

Pang aasar ni Sammy kay Charm while he sip his favorite berry banana milkshake.

Nako ano kaba naman Sammy lahat nalang na papansin mo noh?hindi ba pwedeng isa lang din ko sa mga fans niya?Isa pa napakagaling niya naman kasi talagang Artista.

Nakangiting sagot naman nito habang patuloy lang sa pagbabasa sa kanyang bagong script.

Nako!osya sige na Lara tapusin mu ng ayusan si Charm at ng masimulan na ang unang shoot.

Pagkatapos maayusan ni Charm ay mabilis nadin itong sumunod  kay Sammy para sa shoot sa bago niyang tv commercial .

Si Charlotte Eloise Dela Rosa o mas kilala sa tawag na "Charm" ay isang sikat na artista at modelo kilala rin ito bilang isang travel vlogger,may ilang TV guesting din ito at kung minsan ay kinukuha bilang host sa ilang TV shows.

Hindi maikakaila na talaga namang namamayagpag ngayon ang kanyang pangalang sa social media dahil sa mga multi followers nito.

Mula sa mayamang pamilya at talagang may ipagmamalaki naman kung sa utak at ganda lang ang pag uusapan.Kasalukuyan siya ngayong naka tira sa isang Exclusive Condominium sa Pasay City.

Pabalikwas na napabangon si Charm mula sa pagkakatulog  habang nasa byahe lulan ng kaniyang Van pauwi sakanyang condo unit.

Luha sa pisngi at pangalan ng isang lalaki ang paulit ulit na gumuguhit sakanyang isipan sa tuwing napapanaginipan nito ang isang pangyayari na mula pa sa lumang panahon.

Panaginip na siya mismo ang naroon at isang makisig na lalake na tila isang mandirigma ayon nadin sa kasuotan nito.

Oh my god!anong nangyari sayo?na nanaginip kaba?bakit ka umiiyak?

Pagtatakang tanong ni Sammy dito na tila gulat na gulat ng makita itong bumalikwas mula sa pagtatatulog,tumango naman ito at mabilis na pinunas ang nga pisngi na nabasa ng kanyang luha.

Sammy nakita ko na naman siya sa panaginip ko,

Tulalang sabi ni Charm kay Sammy habang ina ayos nito ang sarili sa pag kakaupo.

Sino?yung knight in shining armor mo?i mean yung lalaking lagi mong napapanaginipan?

Oo Sammy,nakita ko na naman siya sa panaginip ko,tsaka tinatawag niya ako kaso hindi ko na maalala kung ano yung pangalan na binibigkas niya.

Ay nako hayaan mo na yun,malay mo napanuod mo lang yung ganong eksena sa mga pelikula tapos tumatak lang sa isip mo kaya't panay mo nalang naaalala.

Pag dating sa unit nito ay dumeretcho si Charm sa kuwarto nito upang maghilamos at makapag palit ng damit.pagkatapos ay muli nitong binalikan sa Sammy sa may Sala upang pag usap ng scheduled niya para bukas.

Oo nga pala Sammy hindi bat bukas na mag bubukas yung Gallery Studio ng mga Monte Claro?

Oo at kailangan nandoon ka dahil nandoon si Lukaz dahil siya ang mag hhost sa exhibit para sa mga paintings.

Talaga ba Sammy?oo naman pupunta ako doon,siguro mas maganda agahanndin natin para naman mag kausap kame ni Lukaz kahit saglit lang.

Nako! sabi kuna nga ba ganyan ang magiging reaksyon mo pag nalaman mung nandoon si Lukaz,well ewan ko lang din kung mag eenjoy ka doon dahil balita ko imbitado rin si Vince.

What!? Are you sure?

Oh see? Gulat na gulat ka,teka nga maiba tayo,ikaw ba naka move on kana kay Vince?

Tama na Sammy ayoko siyang pag usapan isa pa,apat na taon na din kameng wala kaya wag na natin siyang pag usapan pa.

So,ayun na nga yung point ko eh,apat na taon na,?pero mukhang apektado kapa rin hanggang ngayon .

Sammy hindi naman sa ganon,alam mo naman kung gaanong nasira ang career ko noon at ilang taon bago ko na bangon ang sarili ko sa kahihiyang nangyari ayoko ng balikan pa iyon Sammy.

Okay i understand im sorry,pero sana wag kang magppadala sa emosyon mo kung sakaling mag krus ang landas niyo bukas,maipapangako mo ba sa akin yun Charm?

Alam niya sa sariling malaki parin ang galit niya rito dahil nadin sa eskandalong kinasangkutan niya apat na taon na din ang nakakaraan,mula ng nakilala niya ang isa sa sikat na singer and artist na si Vince Magalona.

Mahigit isang taon din ang tinagal ng relasyon nila ngunit sa kabila noon ay naitago pa rin ni Vince ang tunay nitong pagkatao kay Charm,

Si Vince ay nag karoon ng arranged marriage noon sa California dahil sa naluluging kompanya ng kanyang pamilya at iyon ay sinalba ng pamilya Clarkson kapalit ng pagpapakasal niya kay Kimberly.

Ngunit dahil wala itong nararamdaman para sa nasabing asawa ay bumalik ito ng pilipinas at doon sila nag kakilala ni Charm inilihim niya ang tungkol sa kasal dahil sa sobrang pag mamahal nito sa dalaga.

Ngunit nang malaman ito ng asawa ni Vince ay sinundan niya ito sa pilipinas at pinahanap ang nasabing mistress ng kanyang asawa,lahat ay ginawa ni Kimberly upang ipahiya at masira ang career nito.

Halos buong taon ay si Charm ang naging laman ng mga balita,dyaryo at mga website sa social media,sobrang galit ang nararamdam ni Charm para kay Vince dahil para sakanya at niloko at ginamit lamang siya nito.

When Past meets Present |Reincarnation(COMPLETED) |FREE TO READ TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon