TAONG 1519|DALAWANG TAON BAGO MAGANAP ANG LABANAN SA MACTAN
Isang payapang tagong pulo sa dulong parte ng bansa ang pinamumunuan ng bantog na Rajah nasi Dumagin kasama ang kaniyang kabiyak nasi Hara Salema at ang dalawang anak nito na (binukot/prinsesa) nasi Sanaya at Hasinas
Nagkagulo ang buong puod nang malaman ng Rajah,na nawawala ang anak nitong binukot(tawag sa anak na dalaga ng mga taong may mataas na katayuan sa banwa)
Mabilis namang ipinatawag ng Rajah ang pangkat nila Fides upang ipahanap ang anak nitong dalaga,
Umalis ang mga magigiting na bantay ng banwa upang ipabatid sa ginoo ang nangyari sa kanilang binukot(prinsesa)
Ang ginoong si Fides ay anak ng isang datu na tapat sa pamumuno ng Rajah nasi Dumagin.Siya ay isang pinuno at magiting na mandirigma siya at ang kaniyang pangkat ang nag babantay sa bukot ng mga ng anak ng Rajah...
Mahigpit na pinag babawal na lumabas o makalabas ang mga binukot ,'maari lamang silang lumabas sa oras na sila ay makipag isang dibdib.Kung sila man ay lumabas dapat balot ang kanilang muka at katawan at hindi maaring tumapak sa lupa..
Nang malaman ni Fides ang nangyari ay nag madali itong tumungo sa kakahuyan ngunit ng hindi nila ito mahanap ay nag tungo sila sa baybayin ng isla..
Sa dika layuan ay natanaw ni Fides ang isang babae na tumatakbo papalayo sa mga humahabol rito,mabilis namang sumunod ang iba pang kawal ng tunguhin iyon ni Fides.
Ang pangkat ni Fides ang humarang at nakipaglaban sa mga banyagan mananakop,samantalang mabilis na binuhat ni Fides ang dalaga upang ilayo iyon sa dalampasigan..
Pumasok sila sa loob ng kagubatan at ng masiguro nitong wala ng nakasunod ay marahan niyang ibinaba ang dalaga sa isang punong bagsak.
Binibini bakit ka tumapak sa lupa?at bakit inalis mo ang balabal ng iyong mukha?
Galit ngunit may halong pag-aala sa tono nito,mabilis na ibinalik ni Fides ang balabal nito sa mukha at mabilis na pinagpagan ang talampakan nito na nadumihan matapos nitong takbuhin ang dalampasigan.
TAON 1519| ANG MULING PAGKIKITA
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Fides kung kayat napag pasyahan niya munang mag-ikot ikot sa palibot ng balay ng mga binukot.
Naupo siya at ipinikit ang kaniyang mga mata,'Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganon nalaman ang kaba sa dibdib niya mula ng masilayan niya ang maamong mata ng dalaga.
Hindi niya man nakita ang buong mukha nito pero tila may iba siyang saya na nararamdam bagay na hindi niya maipaliwanag.Tumayo siya at nag simulang mag lakad-lakad ng sa dika layun ay natanaw niya ang isang binibini na nakatayo sa gilid ng halamanan at nakatitig sa kalangitan.
Pinag masdan niya ito at namangha sya na kahit balot na ng kadiliman ang paligid ay nangingibabaw parin ang kaputian nito sa liwanag ng buwan.
Nilapitan niya ito at tinawanag,gayun na lamang ang kanyang pag ka gulat ng ito ay humarap sa kanya..Hindi sya maaring mag kamali kilala niya nagmamay ari ng maamong mata na ngayon ay nakaktitig sakanya.
Sanaya ikaw ba yan?Hindi ako maaring mag kamali ikaw si Sanaya hindi ba?Anong ginawa mo rito sa labas ng inyong bukot?At bakit ka lumabas ng walang balot ang iyong mukha at balabal sa katawan?At bakit tumungtong kang muli sa lupa?
Nag aalalang tanong ng ginoo sa binukot na kaniyang kaharap..
Kailangan pa ba Ginoo?Hindi bat nasilayan muna ang aking mukha?Ano pang silbi na itago ko ang aking anyo sa marami?hindi bat hindi naman ito ang unang beses na ginawa ko ito?
Isa pa't kay tagal ko ng inasam na makalabas sa aming bukot upang masilayan ang ganda ng paligid ngunit sa aking kapangahasan na lumabas ay hinarang kame ng mga dayong mangangayaw at dahilan upang mapaslang ang kaisa-isa kong kaibigan at ang isang inosenteng timawa na nagmalasakit upang ako ay akayin sa aking pamamasyal..
Hindi na napigilan ni Sanaya ang sarili at bigla nalang itong napahagulgol sa iyak.,Hindi niya matanggap sa sarili na binuwis ng kaniyang kaibigang oripun(tagapagsilbi) ang buhay para lamang makatakas siya sa mga dayuhan..
Hindi malaman ng ginoo kung bakit ganon na lamang ang pag ka habag niya sa binukot ng nakita niya itong lumuluha.Dahilan upang hindi niya na napigilan ang sariling lapitan ito at yakapin ng sobrang higpit..Sa dika layuan ay narinig ng ginoo na may paparating kayat mabilis niyang kinalas ang pag kakayakap niya sa binukot at tinitigan ito ng deretcho sa mata hinawakan nito ang pisngi ng binukot at pinunasan ang mga luha..
Sanaya?sa tingin ko ay kailangan mo ng bumalik sa loob ng iyong silid at mag pahinga.Nais kong tumahan kana at wag ng umiyak..maipapangako muba sa akin yon?Tumango lamang ito sa kanya at muling isinubsob ang mukha sa kaniyang matipunong dibdib.Bago pa ito pumasok sa loob ay marahan niya itong hinalikan sa nuo.
Pag dating sa loob ng kanyang silid ay hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang Ginoo.
Mula musmos ay naka kulong lamang sila sa loob ng bukot kasama ang kaniyang kapatid nasi Hasinas,dahil isa iyong sagradong paniniwala ng kanilang ninuno na maaari lamang silang lumabas sa oras na ikasal sila at sa buwan ng ani upang umawit ngunit balot ang kanilang mga mukha at katawan, tanging guro at oripun lamang sa kanilang bukot ang nakikita nila.
BINABASA MO ANG
When Past meets Present |Reincarnation(COMPLETED) |FREE TO READ TAGALOG
RomancePaano kung ang isang makisig na mandirigma mula sa lumang panahon ay makilala ang sikat na modelo sa kasalukuyan? Ngunit paano kung tadhana na ang kalaban at kailangan niya ng bumalik sa nakaraan.? Malalagpasan paba ng pag iibigan kung panahon na a...