YEAR 2021| PAKIKIPAG KILALA
Charm POV
Hinatid ako ng personal driver ko sa isang Japanese Restaurant sa may Rockwell dahil doon daw ang binilin sakanya ni Sammy at pag dating doon ay mabilis akong pumasok sa loob.
Dahil full glass window ang desinyo ng Restaurant ay halos tanaw kuna agad ang loob nito
Sa may kaliwang gilid ng Restaurant ay may nakita akong isang lalake na naka talikod sa pag kakaupo nito.
Kilala ko ang katawan na iyon at hindi ako maaaring magkamali kung sino ang taong nanduon kaya't dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya at buong giliw kong pinagmamasdan ang likuran nito.
Bago pako ako makalapit ay pumihit ito paharap at tumayo ito para salubungin ako.
"Charm?"
Mahina niyang sambit at hinawakan niya ang kamay ko para alalayan sa pag-upo na halos ikalundag naman ng nagwawala kung puso ngunit pilit kong kinalma ang sarili habang tinititigan ko siya hanggang sa maka upo ako.
Halos umurong na ang dila ko at hindi ako makapagsalita wala akong ibang ginawa kundi titigan at pag aralan ang buong itsura niya at diko na halos mapigilan ang sarili dahil gustong gusto kuna siyang yapusin ng sobrang higpit.
Tumikhim ito at nag simula ng mag salita at maging ang binata ay napatitig sa dalagang kaharap at di siya makapaniwala na si Charm ang babaeng lagi niyang napapanaginipan.
Hi Charm,A-Ako nga pala si Emmanuel Fides Villa Blanca.Pautal na sabi nito sabay lahad ng kamay kay Charm
Halos tulala padin si Charm sa pagkakatitig sa binata ngunit lalo pang nagwala ang puso nito ng marinig ang pangalan nito dahil pakiramdam niya ay mauubuasan siya ng hininga sa bilis ng pag tibok nito ngunit kumalma ito at nagpakilala parin ito binata.
Hi! Im Charlotte Ellise Dela Rosa.
Nice too meet you Charm,Let's eat nag order nako ng Food sana magustuhan mo kung may gusto kapang i-order then go.
Nakangiting sabi ni Emman kay Charm At umiling lang ito at sinabing Okay na siya sa pagkaing na pili ng binata.
Habang kumakain ang dalawa ay napapansin ni Charm na panay sulyap sakanya ng lalaking kaharap at sa totoo lang kanina niya pa ito gustong tanungin pero nahihiya lang siya mag salita.
Ahhmm nga pala Charm gusto ko lang sanang itanong kung bakit interesado ka sa resort?Formal na tanong ni Emman sakanya.
Meron kasi akong taong hinihintay at gusto ko sana doon ko siya hintayin.
Mahinahong sagot ni Charm habang nakatitig sa mata ni Emman.
Ganon ba pero kasi sobrang halaga sa akin ng isla na iyon kaya sangayon ay diko pa maipapangako saiyo.Malambing naman na tugon ni Emman kay Charm.
Ako? Paano mo ako nakilala?
Imean mag kakilala ba tayo o nag kita naba tayo noon?Sa puntong iyon ay natigilan si Charm hindi niya alam kung paano niya bang ipapaliwanag sa binata ang lahat.
Sorry nag kamali ako nung una tayong nag kita akala ko kasi ikaw yung taong matagal ko ng hinahanap.
Sa puntong iyon ay mas pinili ni Charm na mag sinungaing kay Emman dahil alam niyang hindi siya maiintindihan nito.
Gusto ko sanang ibalik sa iyo to"Sabay abot naman ni Emman ng Cellphone ni Charm"
Ahhh nasa iyo pala to?Pagtatakang tanong ni Charm sabay kuha sa cellphone nito na inaabot ni Emman sakanya at Tumango naman ito at sinabing naiwan niya ito sa gallery kahapon.
Hapon na nang maka uwi sa condo si Charm hinatid siya Emman sa condo nito na siya namang ikinatuwang husto ng dalaga.
CHARM POV
Nag uumapaw sa tuwa ang puso ko ng sinabi sa akin ni Sammy na nais makipagkita sa akin ni Emman at pag dating sa Restaurant ay halos gusto kuna itong takbuhin para lang makita agad siya at mayakap pero kinalma ko ang sarili ko dahil hindi ko rin alam kung paano ko bang ipapaliwanag sakanya ang lahat.
Satingin ko ay hindi niya ako kilala pero ako kilalang kilala ko siya pati ng puso ko alam kong siya si Fides at tinupad niya ang pangako niya sa akin at nag balik siya sa katauhan ni Emman.
Hindi man niya ako kilala sa ngayon pero hindi ako titigil at magsasawang ipaalala sakanya kung paano namin minahal ang isat-isa.
Tulad ng pinangako ko kay Fides hihintayin ko siya gaano man katagal at sa oras na magkita kami at hindi niya na ako makilala ay hindi ako magsasawang ipaalala sakanya kung pano namin minahal ang isat-isa mula pa sa una naming buhay.
BINABASA MO ANG
When Past meets Present |Reincarnation(COMPLETED) |FREE TO READ TAGALOG
RomancePaano kung ang isang makisig na mandirigma mula sa lumang panahon ay makilala ang sikat na modelo sa kasalukuyan? Ngunit paano kung tadhana na ang kalaban at kailangan niya ng bumalik sa nakaraan.? Malalagpasan paba ng pag iibigan kung panahon na a...