Chapter 20

83 17 1
                                    

YEAR 2021| MASILAYAN

Lukaz POV

"Kung alam ko lang na magpupunta ka dito Charm ay sinundo nalang sana kita at sabay na tayong nag punta rito."

Hinatak ni Lukaz ang isang upuan at pinaupo niya doon si Charm.

"Hindi ko rin naman alam na nandito ka isa pa  hindi ko rin naman expect na iimbitahan ako dito nagulat nalang ako na may nag padala daw ng invitation."

Nakangiting sabi ni Charm kay Lukaz

"Ahh ganon ba kahit naman ako ay kagabi ko lang natanggap ang invitation na pinahatid pa ni Emman kahit oras na."

Ahhm sino si Emman? "Tanong ko kay Lukaz"

Ahh siya yung anak ng may ari nitong Casanova at siya rin ang may-ari ng private resort sa tawi-tawi.

Sumilay ang magandang ngiti sa ang mukha at tila nabuhayan naman ako ng dugo ng marinig ko ang sinabi ni Lukaz na si Emman ang may-ari ng private resort na gusto kong bilhin.

"Is it true?Pwede ko ba siyang makita?Pwede bang ipakilala mo ako sakanya Lukaz please"

Masayang sabi ko kay Lukas habang hawak ko ang braso nito.

"Wait easy okay? Bakit gusto mo siyang makita i mean makilala?"Pagtatakang tanong sa akin ni Lukaz.

"May gusto lang sana akong sabihin sa kanya kaya gusto ko siyang makita kaya please tulungan mo sana ako."Pag mamakaawang sabi ko dito.

Tumango naman ito at pumayag sa pakiusap ko pero bago yun ay kumain muna kami at nangako naman ito na bago matapos ang party ay hahanapin namin si Emman.

Matapos naming kumain ay muli kung ginala ang aking paningin sa loob hall at doon ay naagaw ang atensyon ko sa isang pares na naglalakad patungo sa may kinaroroonan namin ni Lukaz.

Good Evening Mr.Sebastian, Nakangiting bati ni Vince kay Lukaz at ng akmang lilingon ito sa gawi ko ay mabilis akong nagyuko ng mukha upang ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko .

Binukasan ko ang dala kung pouch at mula roon ay kinuha ko ang cellphone ko at umasta na abala,Ramdam ko ang matatalim na titig sa akin ng asawa ni Vince hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin ito maka move on dahilan upang bakuran nito ang asawa kahit saan man ito mag punta.

Matapos ang ilang minuto nilang pag uusap ni Lukaz ay nagpasya nading umalis ang dalawa at lumipat sila sa mesa na halos katapat lang ng mesa na kinaroroonan namin.

halos nakakarami nakong wine na naiinom ay hindi parin nakikita ni Lukaz si Emman sa dami nadin ng mga tao doon ay di niya mamukhaan kung sino ba don ang hinahanap namin dahil lahat ay nakasuot ng maskara.

Excuse me,Do you know where is the restroom here?Tanong ko kay Lukaz at ng lumingon naman sakin ito ay mas lalo itong lumapit sa tabi upang ibulong sa akin ang dadaanan ko..

Pag katapos nitong sabihin sa akin kung saan ang restroom ay tumayo na ako agad at naglakad patungo sa lugar na sinabi niya.

Habang naglalakad ay ramdam ko ang epekto ng wine na nainom ko,pag dating sa loob ng restroom ay dumeretcho ako sa loob ng cubicle ng makita ko si Kimberly sa loob..

Nagtagal pa ako ng ilang minuto roon bago lumabas,ang akala ko ay wala na ito roon ngunit nakita ko itong nasa harap pa rin ng salamin at nag sshade ng lipstick sa labi niya..

Kinalma ko ang sarili ko at tahimik na nag ayos ng sarili sa harapan ng salamin,hindi naman ako yung tipo ng tao na hindi namamansin pero iba kasi ang sitwasyon namin ni Kimberly kaya't hindi ko sya magawang batiin kayat na nahimik na lang ako..

Trabaho muna rin pala ngayon na akitin ang isang derektor?Seryosong sabi nito ng hindi lumilingon sa akin.

Pinilit kung magbingi bingihan sa sinasabi nito dahil ayokong patulan ito ngunit muli na naman itong nagsalita.

Noong una asawa ko ang nilandi mo para lang sumikat ka,ngayon naman isang Sebastian ang kinakapitan mo para lang umangat kang muli sa kahihiyang kinasangkutan mo?

Taas kilay na sabi sa akin nito,na halos mag pakulo sa lahat ng dugo na dumadaloy sa katawan ko.

Pwede ba Kimberly kung wala kang importanteng sasabihin tumigil kana lang?,or else bakuran muna lang yung asawa mong walang ibang ginawa kundi bakuran ako hanggang ngayon,

Kita ko ang paggalaw ng magkabilang panga nito,ngunit mas hindi ko inaasahan ang sampal na pinadapo nito sa pisngi ko.

Ngunit imbes na gantihan ito ng sampal ay isang matamis na ngiti lamang ang sinukli ko dito.

Okay kana?nawala ba ng pagsampal mo sakin yung katotohanan na hindi ka kayang mahalin ng asawa mo at kahit ano pa ang gawin mo?

Mapang uyam kung tanong sakanya at sa pangalawang pag kakataon ay napigilin kuna itong masampal akong muli.

Binabalaan kita Charm,layuan muna ang asawa ko!Galit na galit nitong sabi sa akin na halos ikapula na ng buong mukha nito .

Wag kang mag alala Kimberly,ni katiting na pagmamahal wala na akong nararamdaman pa sa asawa mo,

Matapos kung sabihin iyon ay hindi kuna pa muling nilingon ito at deretcho  na akong lumabas sa pinto ng restroom at iniwan na ito sa loob.

*******

"Wait bro sino bang hinahanap mo?"
Pagtatakang tanong ni Carl sa kaibigan.

Gusto ko lang malaman kung dumating naba yung babae na inimbitahan ko dito sa party.

"Wait bro mamaya muna hanapin okay?"Hindi muna man ako pweding iwan dito sa mga bisita nating mga investors.

Tumango lang ito at tinawagan ang secretary niya para tanungin kung umattend ba ng party ang babaeng pinabigyan niya ng invitation.

----->Yes Sir Emmanuel na confirmed kuna po sa guard na may dumating ng Charlotte at nasa loob napo ng Event Hall.
<----- Thankyou Gladys."Pag katapos ng pag uusap nila ay pinatay nadin agad ni Emman ang tawag sa secretary niya.

Pag katapos harapin ang mga investors ay nag paalam na din agad si Emman kay Carl para umikot sa loob ng Venue.

*****

Charm POV

Pagkabalik ko sa pwesto namin ni Lukaz ay nagpaalam na ako ritong umuwi,hindi dahil sa naiinip o nakakaramdam ako ng hilo,kundi dahil ayoko ng magpang abot pa kaming muli ni Kimberly.

"I think kailangan ko ng maunang umuwi sayo Lukaz medyo hilo nadin kasi ako ehh naparami yung nainom kung wine,Siguro sa ibang araw kuna lang siya haharapin mukang dina kami magkikita sa dami ng taong nandito."

"Are you sure Charm ayaw munang mag hintay kahit ilang minuto lang?baka kasi bumaba na din iyon baka busy lang sa mga iba nilang bisita."

No it's Okay maybe nextime nalang.
"Nakangiting sabi ko kay lukaz at nag paalam nadin akong mauunang umuwi sakanya kayat tinawagan kuna agad si Sammy para ipasundo ako."

Gustuhin man ni Lukaz na ihatid ako ay tinangihan kuna siya alam kung marami pa siya kailangan kausapin dahil alam kung business matters din ang dahilan kung bakit halos negosyante ang mga nanduon.

Habang nag lalakad ako palabas ng Hall ay di sinasadya na may nakabangga akong matandang babae hindi naman ito nagalit at humingi din ako ng pasensya sakanya bago pa lumabas ng hall ay hinubad ko na ang maskara ko dahil nahihirapan lang akong maglakad ng maayos.

EMMAN POV

Pag katapos kung makipag usap sa mga investors ay nag lakad lakad ako sa loob ng hall para sana hanapin ang babae na inimbitahan ko dahil gusto ko sanang makausap ito tungkol sa resort ngunit bigo akong makita iyon dahil sa dami ng bisita na naroon nung gabing iyon.

Sa dika layuan ay nakita ko si Lukaz  lalapitan ko sana ito para kamustahin pero bago pako makalapit sakanya ay naagaw ang atensyon ko kay mommy ng mabangga ito ng isang babae.

Bago pa man ako makalapit sa kinaroroonan ni mommy ay naka alis nadin ang babaeng naka bangga rito at naka labas na ng hall.

When Past meets Present |Reincarnation(COMPLETED) |FREE TO READ TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon