YEAR 2021|ANG KATOTOHANAN
Isang malakas na katok ang umagaw ng kanilang atensyon dahilan upang matauhan si Charm sa kanilang ginagawa.
Bigla namang napaatras si Charm at mabilis na pinahid ang kanyang luha na di niya alam kong para saan at bago pa nito buksan ang pinto ay nagpasya siyang itago na muna si Fides sa loob ng Cr.
Knock!Knock!Charm?Charm are you okey?
Malakas na sigaw ni Sammy habang panay ang katok sa pintuan at pag bukas naman ng pintuan ay mabilis niya itong nilapitan at kinamusta kung ano ang nangyari..
Nanaginip kana naman ba huh ?
Mahinahon at nag aalalang tanong nito habang hawak ang magkabila nitong pisngi.
Umiling lang si Charm at ngumiti kahit nasa mga oras na yun ay hindi nya pa rin naiintindihan ang nangyayari.
Gusto mo bang samahan muna kita dito sa kuwarto mong matulog?
Hindi na Sammy salamat nalang,kailangan mo ding magpahinga promise okay lang ako,medyo naninibago lang siguro ako rito sa kuwarto ko.
Are you sure?hindi na kita pipilitin basta kapag hindi ka okay katukin mo lang ako sa kabilang kuwarto okaya naman tawagan mo lang ako,maliwanag?
Tumango naman ang dalaga sakanya at inihatid din siya nito sa may pintuan.
Pagkatapos makompirma ni Sammy na okey lang ang kaibigan ay nag paalam na din agad itong bumalik sa kanyang kwarto.
Maari ka ng lumabas,
Mahinahong pag kakasabi ni Charm at muli niya itong hinarap.
Bumilis na naman ang tibok ng dibdib nito ng muling masilayan ang napaka amo nitong mukha na bumabagay sa matipuno nitong katawan.
Pwedeng bang ipaliwanag mo saken ang lahat?
sino kaba talaga?
Anong koneksyon mo saken at bakit lagi kitang napapanaginipan?
Bakit ganyan ang suot mo?
Bakit tinawag mo akong Sanaya?
At bakit ka nalang biglang lumabas jan sa CR ko saan kaba nanggaling?Mahal ko bakit moko tinatanong ng ganyan?hindi kaba masaya na magkasama na tayo ulit?
Nag tangka itong lumapit kay Charm ngunit inawasan siya nito.
Kung sino kaman gusto ko lang sabihin sayo na Charm ang pangalan ko at hindi Sanaya.
Hindi mo rin ako asawa,
Sabihin mo sa akin galing kaba sa ibang panahon?
Bakit ganyan ang kasuotan mo?
Tingnan mo ang pag kakaiba ng damit mo sa damit ko.Sa lahat ng tinanong ni Charm kay Fides ay wala itong sinagot ni isa at nakatitig lang sakanya ito na tila sabik na sabik,ngunit dahil sa iniiwasan niya ito ay hindi rin ito lumalapit sakanya.
Ayaw mo ba talagang sagutin kahit isa lang sa tanong ko?
Paano kita matutulungan makabalik sainyo at pano natin hahanapin yung asawang sinasabi mo kung hindi ka magsasalita..
Tila kahit anong itanong niya dito at kahit ano pang ipaliwanag niya dito ay hindi naman siya nito sasagutin dahil mula kanina at titig na titig lamang ito sakanya at walang ibang bukang bibig kundi Sanaya.
Sa tingin ko ay kailangan mo munang magpahinga,
Ikukuha muna kita ng makakain hintayin mo lang ako dito at wag kang susunod sa labas maliwanag?
Mahinahon na sabi nito kay Fides bago lumabas.
Pag balik nito sa kwarto ay dala na nito ang pagkain at inumin para sa lalaki.,
Habang kumakain ito ay di niya maiwasan pag masdan ang mukha nito at pangangatawan nakita niya rin na marami itong mga sugat sa braso.
Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib habang iniisip niya kung saan nito nakuha ang mga sugat na iyon.
Alam niyang tama ang kutob niya na siya ang lalaking palagi niyang napapanaginipan at kung saan man ito nanggaling ayun ang di nya alam.
FIDES POV
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makilala ng aking asawa at hindi rin daw siya si Sanaya at oo iba rin ang kaniyang kasuotan at maging ang lugar na aking tinatapakan ay iba sa lugar kung saan ako naninirahan.
Hindi kaya ito ang orasyon na ginawad sa akin ng punong babaylan?Hindi kaya dungan(kaluluwa) na lamang ni Sanaya ang kasama ko ngayon?
Kung totoo man ang iniisip ko ilang taon naba ang nakalipas para mabuhay muli ang aking asawa sa katawan ng ibang tao,Pero kung iyon man ang katotohan wala nakong pakialam,hindi naman nag bago ang nararamdaman ko sakanya at para sa akin siya parin ang aking asawa.
******
Dito kana lang muna matulog Fides,tama ako diba?iyon ang iyong pangalan?
Tumango lamang ito sakanya habang nakatingin sa mga mata niya ng deretcho.
Maaari ko bang kunin ang iyong itak?wag kang mag alala hindi ko ito ilalayo sayo.ilalagay ko lamang sa ilalim ng aking kama,
Mahinahong sabi nito sabay kuha sa itak ng lalaki at habang naka higa si Fides ay nilapitan niya ito,
Okey lang bang gamutin ko muna ang mga sugat mo sa braso?Mukhang bago pa lang kasi ang mga ito kaya't mas maganda kung gagamutin agad.
Tumango naman ito sakanya bumangon at sumandal sa pader at saka nito inilapit ang braso niya sa kamay ni Charm.
Saan mo pala nakuha ang mga sugat mong ito?bakit parang sobra naman ito,para kang nakipag laban kay satanas.
Tila tulala at tahimik lamang itong nakikinig sakanya.
Sabi mo hindi ikaw ang asawa ko?
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Magkahawig na magkahawig kayong dalawa,
Malambing na pagkakasabi nito kay Charm habang nakatitig sa mga mata nito at hinahaplos ang kaniyang pisngi.Hindi naman malaman ni Charm kung bakit ayaw tumangi ng isip niya sa mga titig ng lalake sakanya.
Okey na!
O-ookey na yung mga sugat mo nalagyan kuna ng mga gamot,medyo mahapdi lang yan pero satingin ko sisiw lang sayo yan.Mabilis na mang tayo ni Charm ng maramdaman niya nilalapit na naman ni Fides ang muka nito sakanya.
Good night!matulog na tayo!,
Mabilis itong humiga at nag talukbong ng kumot,sa sandaling iyon hindi niya maintindihan kung bakit tila may mga kabayo na nag uunahan sa pagtakbo sa kanyang dibdib.
CHARM POV
Hindi ko maintindihan kong bakit ganito ang kinikilos ko ngayon pa lang kami nag kita pero bakit parang matagal kuna siyang kilala,Isa pa hindi ako makaramdam ng takot sa kanya sa totoo lang pakiramdam ko ay ligtas ako pag nandyan siya sa tabi ko.
Nilingon ko siya ng marinig ko ang mahina niyang pag hilik,tanda na siya ay tulog na..Habang tulog siya ay diko mapigilang ang sarili ko na tinititigan sya.
Goood Night Fides,yung lamang at binalot na din ako ng antok.
BINABASA MO ANG
When Past meets Present |Reincarnation(COMPLETED) |FREE TO READ TAGALOG
RomansaPaano kung ang isang makisig na mandirigma mula sa lumang panahon ay makilala ang sikat na modelo sa kasalukuyan? Ngunit paano kung tadhana na ang kalaban at kailangan niya ng bumalik sa nakaraan.? Malalagpasan paba ng pag iibigan kung panahon na a...