TAON 1519| HINDI INAASAHAN NA PAG LUSOB
Pag kalipas ng isang masayang gabi na pinag saluhan nilang mag asawa ay nag pasya na ulit bumalik si Fides sa pag eensayo para sa magaganap na pag lusob sa pangatlong pag bilog ng buwan kaya't tinipon niya ang kaniyang maiisug na mandirigma at pinamunuan niya ito.
Inihanda na din ng mga ito ang mga kagamitan na kanilang kakailanganin maging ang mga magigiting na bantay mula sa pamumuno ng kanilang Rajah ay nag eensayo na din at ang iba naman ay nag babantay nasa dalampasigan at ang iba ay nakapalibot nasa buong puod at sa mga matataas na parte ng kabundukan..
Mahigit sa isang libo at lima daang mandirigma ang naka handa sa malaking pag salakay ng mga banyagan dayuhan sa kanilang banwa,
Sa kalagitnaan ng pag eensayo sa loob ng kabugatan ay humahangos ang dalawang sugatang bantay sa dalampasigan dala ang isang masamang balita.
Ginoo!ang mga banyagang dayuhan ay naririto na sa ating banwa!
Matigas na turan ng mga ito ata mabilis naman tinungo ni Fides ang dulong bahagi ng bangin at mula doon ay na tanaw niya ang dalawang sasakyang pandagat na nakadaong sa may dalampasigan..
MAG HANDA KAYOOO!NAPASOK NA TAYO NG MGA MANGANGAYAW.
Isang malakas na sigaw mula kay Fides ats nag simula na tong humangos pababa ng kagubatan kasama ang kaniyang mga mandirigma.
Habang tumatakbo ay pinagdadasal niya sa lahat ng diwata ang kaligtasan ng kaniyang asawang si Sanaya. Alam niyang takot na takot na iyon sa mga oras naiyonng dahil tanging Uripong babae at limang mandirigma lamang ang nasa kanilang balay sa mga oras na ito dahil halos lahat ng mga mandirigma ay nasa kagubatan at nag eensayo.
Gustuhin man nitong puntahan ang kabiyak ngunit bigo ito dahil sa kalagitnaan pa lang ng kagubatan ay naka harap na nila ang mga dayuhan.
Nang masukol nila ang mga ito ay madali niyang pinuhtahan ang kanilang balay.
Ginoo!tulungan niyo kame!ang hara Sanaya!
Hindi napa pinatapos ni Fides ang sasabihin ng Uripon at bigla na itong tumakbo at pag dating sa loob ng kanilang balay ay tanging pag tangis ng mga Uripon ang naririnig niya.
Tila sinipa ng isang libong kabayo ang kaniyang dibdib ng makita niya ang kaniyang kabiyak na sugatan at tila naliligo sa sarili nitong dugo..Halos paluhod niya itong tinguno at isang malakas na sigaw na lamang ang kaniyang nagawa habang kalong kalong niya ang katawan ng kaniyang asawa.SANAYAAAA!!hindi to totoo!gumising ka mahal ko pakiusap wag mokong iiwan!nakiki-usap ako imulat mo ang iyong mata paki-usaaaap!.
Kahabag habag na pagtangis ang bumalot sa sa kanilang balay.
Ginoo patawarin ninyo kami,hindi namin inaasahan ang pag salakay ng mga banyagang dayuhan kami ay abala sa pag luluto at pag iimpok ng tubig pampaligo ng Hara.Pag dating namin ay hawak na siya ng mga dayuhan..Nanlaban ang aming Hara Ginoo patawarin niyo kami.
Labis na pag tangis ng Uripon sa nagawa nilang kapabayaan sa sakanilang hara.
TAON 1519 |HILING NA PAG BUHAY
(Julyo -23 -1519)Kahit puno ng sugat ay pinilit na binuhat ng Ginoo si Sanaya at patakbo itong dinala sa balay ng mga babaylan.
Punong Alabay tulungan mo ako paki-usap!
nakiki-usap akong ibalik ninyo ang dungan ng aking asawa,Pag kababa sa kanyang asawa ay lumuhod pa ito at humagolgol sa pagtatangis,tila nag uunahan ang mga luha nito sakanyang pisngi..
Ginoo wag mung gawin iyan!,wag mu akong yukuran maging ako man ay nabigla sa nangyari sa Hara at gustuhin mang kitang tulungan ngunit hindi maaari dahil tanging ang punong Babaylan lamang ang makakagawa sa pag babalik ng dungan ng inyong kabiyak..
Kung ganoon nasaan ang Punong Babaylan?,nais ko siyang makita!
Patawad Ginoo dahil ang punong Babaylan ay kasalukuyang inuorasyunan ang mga matatandang Babaylan na nasugatan.
Nakiki-usap ako nais ko siyang makita!nais kong ibalik niya rin maging buhay ng aking asawa!
llang saglit pa ay dumating na ang Punong Babaylan.
Ginoo gagawin ko ang lahat ng aking makakaya ngunit hindi ko maipapangako na maibabalik ng diwatang si magwayen/wagwayen ang dungan ng iyong asawa .
Noong din sandaling iyon ay nag orasyon na ang Punong Babaylan ngunit bigo ito at hindi na pa naibalik ang buhay ng kaniyang asawa.
Binalot ng pag hihinagpis ang buong puod dahil hindi lamang si Sanaya ang na paslang kundi pati ang kaniyang ina at ang kapatid nitong binukot na naiwan sa loob ng kaniyang bukot at mga inosenteng mamayan ng puod.
Isang orasyon para kay Fides ang ginawad ng Punong Babaylan isang orasyon kung saan makakasama niya pansamantala ang kaniyang asawa habang ang dungan nito ay naglalakbay pa patungo sa sulad.
Nakapikit at nahihimbing ang Ginoo hindi naman masabi kong kailan ito muling magigising.
BINABASA MO ANG
When Past meets Present |Reincarnation(COMPLETED) |FREE TO READ TAGALOG
RomancePaano kung ang isang makisig na mandirigma mula sa lumang panahon ay makilala ang sikat na modelo sa kasalukuyan? Ngunit paano kung tadhana na ang kalaban at kailangan niya ng bumalik sa nakaraan.? Malalagpasan paba ng pag iibigan kung panahon na a...