Chapter 14

79 13 0
                                    


    Year 2021 | HULING SANDALI

CHARM POV

            Pag gising ko ay ramdam ko parin ang braso ni Fides na nakayakap sa aking katawan at tila may kung anong saya na naman akong nararamdam ng sandaling iyon.

            Bahagya akong bumangon at pumihit paharap sakanya,mahimbing pa rin ang pagkakatulog nito kaya't hindi kuna ito ginising at bumangon na din ako.

          Mag aala sais na ng umaga kayat bumangon na din ako at naligo dahil ngayon ang huling scene na gagawin namin kaya excited akong magtrabaho dahil pag katapos noon ay babalik na kami sa manila at kasama si Fides.

Pag labas ko ng banyo ay gising na ito naligpit na din ang mga blanket at kumot,hindi ko alam pero bigla nalang akong nag lakad papalapit sakanya at bigla ko itong niyakap ng sobrang higpit.

"Good morning! Hintayin mo akong umuwi mamaya sabay tayong  kumain."

Malambing kong sabi sakanya habang nakayakap ako sakanya mula sa likuran niya.

"Mag iingat ka sa trabaho mo Charm pangako hihintayin kita"

Nakangiting sagot nito sa akin habang hawak ang kamay ko.

Tumawag na sa akin si Sammy at nag hihintay na din si Lara sa set para ayusan ako kaya't inayos kuna lahat ng mga gamit ko pag katapos kung maihanda ang almusal ni Fides ay nag paalam na din ako dito.

Isang halik sa pisngi ang pinabaon sa akin ni Fides kayat habang nag lalakad pa punta sa location ay hindi ko maiwasan mapangiti.

Charm,

Isang kilalang tinig ang narinig ko kaya't mabilis ko itong nilingon,ngunit mabilis din itong lumapit sa akin at kinabig ako palapit sa kinatatayuan niya.

Teka! Ano ba Vince!Bitawan mo nga ako!Mabilis kung pigil dito ng yapusin ako nito ng sobrang higpit.

Nababaliw kana ba!,Isang malakas na sampal ang dumapo sakanyang pisgi ng muli na naman ako nito yakapin at halikan ng sobrang higpit at tila nakikiusap pa ang mga labi nito na pag bigyan ko ito sa kanyang nais ..

Hindi kuna pa hinayaan makapag paliwanag ito dahil hindi ko rin gustong  marinig pa ang kaniyang nais sabihin,Mabilis akong lumayo sa lugar na kinaroroonan naming dalawa ng mabitawan ako nito..

Pag dating sa set ay naka ready na ang lahat habang ina ayusan ako ni Lara ay binabasa ko naman ang script hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinilabutan sa nabasa ko.

Kung tama ang nasa isip ko na si Fides ay nagmula sa lumang panahon ang ibig sabihin ay siya ang taong may ari ng kuwentong ginagampanan namin ngayon ni Vince.

Mabilis kong ibinalik sa script na hawak ko ang aking mga mata at paulit ulit na binasa ang mga nakasulat doon .

"Ngayong ang araw  mamatay si Sanaya at dahil hindi matangap ni Fides ang nangyari sa  asawa ay kinitil nito ang sarili isang araw mula ng mamatay ito."

Bigla akong napa tayo sa kinauupuan ko at di kona malayan na nabitwan ko ang papel na hawak ko.

What's the problem Charm!?

Pag aalang tanong sa akin ni Sammy at mabilis akong pinuntahan.

Hindi! Hindi totoong mamamatay si Fides!Nangangatog na sabi ko sa aking sarili .

Charm are you okay?Ano bang nangyayari saiyo?Nag aalalang tanong sa akin ni Sammy habang hawak hawak ang kamay ko.

Ngunit bago pa man ako makasagot sa tanong ni Sammy ay dumating na ang staff at sinabing mag sisimula na ang shooting.

Nakatulalang sumunod ako kay Sammy at ng marating namin ang venue ay mabilis din kaming sinalubong ni Lukaz

Habang nasa shooting ay hindi maalis sa isip ko ang mga nabasa ko"Hindi pwedeng mamatay si Fides".Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko.

Nasa gilid na parte kami ng kakahuyan dahil doon ang gaganapin ang huling eksena kung saan lulusubin kami ng mga dayuhang mananakop.

Dahil lutang ang isip ko ng sandaling iyon ay hindi ko napansin na nasa delikadong parte na pala ako ng kakahuyan sa di inaasahan ay natapakan ko ang isang sanga dahilan para ma out balance ako at madulas.

Sigawan ng mga tao na lang ang aking narinig kahit gustuhin ko mang imulat ang aking mata ay hindi ko magawa,masakit ang balakang at nahihilo ako dahil sa pag untog ng ulo ko.

Na aaninag kong may mga taong nakapaligid sa akin at ilang sandali pa ay may narinig akong isang boses na tumatawag sa aking pangalan gustuhin ko mang makita kung sino ito ay diko na nagawa dahil dahan dahan ng pumikit ang aking mata.

When Past meets Present |Reincarnation(COMPLETED) |FREE TO READ TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon