10. I'm starting to like you

423 16 0
                                    

Skye

"Skye bakit ang tagal mo sa cr?" Tanong ni Tine.

"Medyo marami kasing nakapila eh." Matipid kong sagot. Hinding-hindi ko sasabihin sa kanila yung nangyari. 

Pasimple kong hinawakan ang braso ko. Grabe ang sakit ng pagkakahawak niya sa akin. Buti na lang talaga at long sleeve ang uniform namin kundi ay malamang kitang-kita yung pagbakat ng kamay niya sa braso ko.

Pagbalik ko sa table namin ay wala na sila pareho ni Charity. Totoo nga pala yung sabi nila tungkol sa kanya. Mahilig siya maghamon ng away. Para tinitigan ko lang naman siya. Ano bang masama dun? At wala siyang karapatan para hawakan ako ng ganun.

Pero ewan ko ba. Nung mga oras na napakalapit namin sa isa'-isa, biglang nag-iba yung pakiramdam ko. Yung pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko. Kanina nung magkadikit yung katawan namin, at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-sa, yung pakiramdam na nararamdaman ko na yung paghinga niya... Ang sarap sa pakiramdam. 

Kaihit kailan hindi ko pa yun naramdaman sa ibang tao. Kahit sa mga naging girlfriend ko. 

Imbis na mainis o magalit ako kay Santander kanina dahil sa ginawa niya. Para bang... mas lalo ko siyang nagustuhan. 

Pero imposible na magustuhan din niya ako in-return. Naiinis nga siya sa akin eh. Hindi na din ako magtataka kung bigla niya din akong awayin sa school.

Saka maganda siya. Imposible na magustuhan ako ng kasing ganda niya. Isa pa, straight siya. Straight as an arrow kumbaga. Alam ko naman kung may pag-asa ako sa isang tao o wala. At alam ko na kahit konti, wala akong pag-asa sa kanya. Kung si Princess nga na may itsura ni-reject niya eh. Di man lang niya binigyan ng chance. Ako pa kaya?

Our Playful Secret (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon