Skye
Ang tagal naman ni Tine, pa-text text pa siya kahapon na agahan daw naming ang pasok pero siya pala itong malelate. Mage-8 na oh.Di pa din namin alam kung ano ang schedule namin ngayon.
Dumadagsa na ang tao sa school. Mukhang madaming first year ngayon ha.
Mga ilang minuto ang lumipas pero wala pa din si Tine, nakailang text na kami sa kanya, tinawagan na din namin siya pero hindi siya sumasagot kaya naman napagdesisyonan naming tatlo nila Reese at Jane na pumunta na sa office para mukha yung sari-sarili naming schedule. Block section kami kaya naman sigurado na magkakaklase kami. Tinext nalang ni Jane si Tine para naman malaman niya kung saang room kami magkaklase.
Room 304. Halos kabisado ko na rin ang mga classroom dito kaya naman madali lang samin mahanap ang classroom namin.
Pagpasok namin, nagulat ako dahil may mga ibang course kaming kasama. Kung hindi ako nagkakamali Marketing sila.
Halos wala akong kakilala sa ibang course yung iba nga, kahit mahigit 1 year na akong nag-aaral sa school na to ay ngayon ko lang talaga nakita.
Management 5 ang first subject namin ngayon. Mga ilang minuto pa ay dumating na ang prof namin, Si sir de Guzman. Balita ko ay medyo masungit siya at mahirap magpa-exam.
Maya-maya ay dumating na din si Tine. Nag good morning siya kay Sir de Guzman at pinagsabihan siya nito na wag na ulit magpapa-late sa klase niya. Totoo nga ang balita na medyo strict siya.
“Uy bakit late ka?” tanong ko kay Tine.
“Wala kasi akong baon eh. Hinintay ko pa si Papa.”
Inintroduce lang ni Sir de Guzman ang sarili niya tapos binigay niya yung title ng book na gagamitin namin for the whole semester. Nagbigay din siya ng mga topics na pwede naming maencounter during our lesson para daw pwede namin yun mareview at magkaroon kami ng idea.
Maya-maya ay may estudyante na dumating. Matangkad siya na babae, may pagkakulot yung mahabang buhok niya. Maputi siya at sabihin na natin na maganda siya kaya lang pag tumingin ka sa kanya para siyang mangangain. Halos magkasalubong kasi yung dalawa niyang kilay.
Derederecho lang siya na para bang hindi siya 40 minutes late. Ni hindi man lang niya binati ng good morning yung prof namin. Si Sir de Guzman naman ay tinignan lang siya pagkatapos ay bumalik na ulit sa pagtuturo.
Ganun ba talaga pag maganda ang estudyante? Hinahayaan lang? Si Tine 10 minutes late lang pinagalitan na niya agad samantalang yung babae 45 minutues wala siyang kibo?
Pagkatapos binigyan niya kami ng 15 minutes break. Nagyaya bumili sa labas sina Reese at Jane, nagugutom na daw sila, hindi ako sumama tinatamad ako. Ganun din si Tine.
“Tignan mo yung kapatid ni Grant, medyo hawig sila no?”
“Sino?”
“Ayun oh! Yung babaeng kulot.” Sabay turo niya doon sa babaeng late pumasok kanina.
“Kapatid yun ni Grant?” Oo nga no medyo hawig sila. Pareho silang singkit. Pero si Grant parang pang koreano yung mata. Pareho din sila ng shape ng ilong at ng bibig.Magkaiba nga lang sila ng hugis ng mukha, pabilog kasi yung shape ng mukha nung babae.
Naramdaman kong nagba-vibrate yung phone ko. Tinignan ko at nakita ko na tumatawag pala yung ex ko. Ni-reject ko yun at maya-maya ay may nareceive akong text.
Bakit hindi mo na ako tinetext?
from: Aimee
Sa totoo lang nawala na nga sa isip ko ang tungkol sa kanya. Parang ang bilis kong nakamove-on. Ganito pala ang pakiramdam pag napagod ka na sa isang tao.
Di'ba break na tayo? Bakit pa kita itetext? :)
Nagpapahabol nanaman siya. Wala ba siyang kapaguran sa ganitong bagay. Gusto niya tuwing magbebreak kami ako ang makikipag-ayos? Ako ang maghahabol?
Ayusin na natin to Skye...
Sorry Aimee. Pagod na kasi ako sa ganito. Saka wala din namang patutunguhan itong relasyon natin. Lagi tayong nag-aaway tapos makikipagbreak ka ng wala namang sapat na dahilan.
Anong ibig mong sabihin? Ayaw mo nang makipagbalikan sa akin?
Oo. Mas mabuti siguro kung maghihiwalay na talaga tayo.
Bakit? Hindi mo na ba ako mahal?
Lolokohin ko lang ang sarili ko pag sinabi ko na mahal pa kita.
Alam kong mahal mo pa ako! Mahal na mahal kita Skye! Kung ayaw mo nang makipagbalikan sa akin, ako na ang gagawa. Please ayusin na natin to :(
Sorry talaga Aimee, hindi na kita mahal. Pagod na pagod na ako sa relasyon natin. Actually matalagal na. Pero dahil mahal pa kita nung time na yun nagtiis ako. Pero ngayon hindi na. Malaya ka na :)
Ang unfair mo naman Skye. Nung time na nakikipagbalikan ka sa akin ilang beses kitang binigyan ng chance. Bakit ako ayaw mong pagbigyan?
Tama na Aimee. Ayoko na makipag-argumento sayo. Tapos na tayo at hindi na magbabago ang desisyon ko. Goodbye. :)
In-off ko na yung phone ko. Ngayon talagang sigurado na ako sa sarili ko na wala na akong nararamdaman para kay Aimee. Hindi naman ako ganito dati. Hindi basta basta nawawala ang feelings ko sa isang tao ng ganito lang kadali lalo na at minahal ko siya. Hindi ko alam pero parang nagkakaisa ang puso at isip ko na hindi ko na siya dapat pang mahalin.
BINABASA MO ANG
Our Playful Secret (girlxgirl)
Humor[Romance/Humor] ❤ "Kung iisipin mong mabuti wala naman dapat akong pake dito eh. Di naman big deal kung nakakakita ako ng lesbian couples, dumadami na kasi sila eh. Malamang marami akong makikita na tulad nila. Yun namang pagtingin ko sa mga magagan...