7. Disasters in Restroom

529 14 0
                                    

Hello to my faithfuI readers! I just wanna say thank you for supporting my story, Our Playful Secret. Naiinspire talaga ako lalo magsulat because of your votes! :)

By the way, I dedicate this chapter for my girlfriend na mahal na mahal ko kahit na nakisabay sa topak ko today. Topakin na din siya. Hahaha! Sorry talaga babe! I love you so much :*

Thefelineeyes

==========================================================

Gabby

"Hey wait Cha, punta lang ako ng rest room."

"What?! Girl, late na tayo sa klase ni sir De Guzman!"

"Eh anong gagawin ko? Gusto mo sa room ako jijingle ha? Gusto mo ikaw ang ihian ko ha? Mauna ka na nga!" 

At yun, nagtatakbo siya paakyat ng hagdan. Iniwan talaga ako ng Gaga. Walang pake sakin! Nakakainis kundi lang ako ihing-ihi eh. Ayoko din kasi na nalelate sa klase ni Sir De Guzman. Ang sama sama pa naman makatingin nun.

Nagmamadali akong pumasok sa restroom. At pagpasok ko...

AY JUSKO!!! Nasira ang umaga ko. Pano ba naman kasi gusto kong masuka. Di ko na kailangan manood pa ng Human Centipede 2! Nakita ko na kasi si Millicent and her 3 minions na puro jeje. Seriously mukha silang bida sa mga horror movies. Yung ihi ko tuloy parang umurong. Di na ko naiihi. Natatae na ako dahil sa kanila!

Nakaharap si Millibag sa salamin at naglilipstick.EWWW! Jeje. Ang negra negra na nga niya kulay pink pa ang lipstick! Idol ata nito si Nicki Minaj eh.

Yung mga minions niya nakapalibot lang sa kanya, tinititigan siya habang nagmemake-up. Seriously, saan niya ba napulot 'tong mga jejegirls na 'to na akala mong aso, sobrang loyal sa kanya. Ginamitan niya siguro 'tong mga 'to ng lobotomy!

3rd year na si Millicent. Pero balita ko madami-dami siyang binagsak last sem kaya naman irregular siya ngayon. Puro kasi landi eh. Sa totoo lang nagtataka ako bakit siya nagustuhan ni Papa Romeo. Kasi first of all hindi naman siya maganda, skinny lang siya. Negra pa! Sabi niya tan daw yung kutis niya. Ay jusko, parang di naman. Mukha siyang nilublob sa bowl na punong-puno ng sh*t eh. Sabi pa niya kamukha daw niya si Ariana Grande. Jusko! Baka Ariana Granada pwede pa!

Lumingon siya sa kinatatayuan ko, tapos lumingon din sakin yung mga jejefriends niya.

Parang gusto ko mang-asar ngayon ha :)

Lumapit ako sa kanila tapos nagcross-arm.

"Hi Lacsamana. Matagal ko ding di nakita yang paa mo, este pagmumukha mo pala. Saan punta mo at todo make-up ka? May birthday party kang pupuntahan?" Mukha ka kasing clown eh. HAHA!

"Oh Hi Santander. No, pupuntahan ko kasi si DHIE ko sa klase niya. How about you? Kumusta kayo ng boyfriend mo? Ay sorry wala ka nga palang boyfriend. HAHAHAHAHAHAHA!"

Parang mga ulol na sumabay din sa pagtawa niya ang mga jejeminions niya. Pero imbis na mainis ako. Nakisabay din ako sa pagtawa nila. Nung nakita nila na sumasabay din ako sa pagtawa nila sa akin, unti-unti silang tumigil.

"Taken ka nga. Pero kahit anong gawin mo, panget ka pa din. Hindi na yun magbabago. Kung may forever man, yun yung kapangitan mo. Atleast ako, kahit single, pretty naman." 

Halatang halata sa mukha niya na inis na inis na siya. Pero kinalma niya ang kanyang sarili at nagcross-arm lang din sabay ngiti na pwede ng ihilera sa mga chakadolls na may plastic smiles.

"Ows talaga? Saan banda?" Tanong niya. Sabay tawanan ng mga jejefriends niya.

"Sa mukha! Alangan namang sa pwet di'ba? Siguro ikaw yung ganda mo nasa pwet. Oh sorry I forgot, hindi ka nga pala maganda kaya kahit sa pwet lang pinagkaitan ka ng ganda."

Susugurin na sana niya ako ng biglang may bumungad na dalawang estudyante sa pinto ng restroom. Nakikilala ko sila. Classmate ko sila pareho sa subject ni sir de Guzman. Parang nag-aalangan pa sila kung papasok ba sila kasi nakita nila yung gagawin sanang panunugod ni Millicent. 

Biglang nagtransform ang Gaga at nagbait baitan. Bago siya lumabas ay tinitigan muna niya ako ng masama, ganun na din ang mga jejefriends niya.

"Bye bitches. Stay ugly okay?" Sabay halakhak ko. Ayaw niya talagang nakikita ng ibang tao kung anong klaseng baho ng ugali meron siya. Hay nako Millicent. You never fail to make laugh. Ganyan ka ka-plastic na tao.

Pagkalabas ng Tropang Jeje, pumasok na din yung dalawa. Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko. Pagkatapos ay humarap ako sa kanila pareho. Yung isang matangkad na babae na kasing taas ko siguro, yumuko lang at pumasok sa cubicle. Yung isa naman na medyo maliit ay tumayo lang pagkatapos ay tumingin sa ibang direksyon.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Siya din yung nakatitigan ko nung nakaraan sa classroom. Kung hindi ako nagkakamali Verano ang lastname niya. Nung napansin niya na tinititigan ko siya, lumingon siya pagkatapos ay nagkatitigan kami.

Oh no! Ang cute niya pala. Ang amo ng mata niya, tapos ang liit ng ilong niya. Hindi naman siya pango basta ang cute ng nose niya. Then yung lips niya, perfect. Parang ang sarap halikanWHAT THE F*CKKKKK!!!!!

Dali-dali akong lumabas ng restroom. Nakakainis! Ano bang pinag-iiisip ko?!  Nababaliw na talaga ako! Umagang-umaga sira ang araw ko dahil nakita ko ang demonyitang Millicent na yan, tapos eto ba namang babaeng weirdo na to! Ano bang nangyayari sa akin????!!!!

Nagsayang lang ako ng oras sa banyo! Di naman ako umihi eh. Nakakabadtrip naman. Dahil dyan nawalan na ako ng gana pumasok! Uuwi nalang ako. Kaines!

Our Playful Secret (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon