-18: Felt betrayed

110 16 8
                                    

-Unedited

~•~

J E N N I E

Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon sa sasakyan ni Jisoo unni. Papasok nalang kami ng sabay sabay dahil nandoon narin naman ako sa bahay nila Lisa at naitext ko narin sila mommy at daddy na kila Lisa nako nakituloy. Pati narin sa kuya kong abnoy.

Naghaharutan sila Lisa at Chae habang ako naman ay nakasandal lang ang ulo sa parteng bintana ng kotse. At kung tinatanong mo kung ano ang pumapasok sa isip ko ay walang iba kundi siya.

Di kasi maalis sa isip ko na siguro, napatawad na niya ako kaya ganon siya makakilos na dinaig pa ang jowa kung makapagsabi ng mahal niya daw ako at gumawa ng mga the moves. Di ko tuloy maiwasang kiligin lalo na't naaalala ko lagi yung kahapon kung paano niya ako halikan sa labi. I'm so happy kasi siya yung nakakuha ng first kiss ko at higit sa lahat, yung taong mahal ko pa sa balat ng lupa.

Taehyung, mas lalo mo akong hinuhulog at nangangamba ako na baka kapag nahulog na naman ako ay hindi mo na naman ako saluhin. Di ko rin maiwasang matakot sa mga susunod na araw dahil hindi naman ako sanay na nilalambing niya ako at ang tanging alam ko lamang ay ang galit niya na hindi pa ako sigurado kung nabubura pa nga ba ito para saakin.

Inihinto ni Jisoo unni ang kanyang sasakyan sa harap ng gate ng school at dali dali naman itong binuksan ng isang guard na nagbabantay sa gate. Pagkatapos buksan ay ipinasok niya ang sasakyan patungong parking lot ng paaralang ito atsaka ipinark ng maayos.

Sa totoo lang, kanina pa akong rindi sa kaingayan ng dalawang kasamahan ko dito na akala mo ay magkasintahan kung maglandian.

Isa isa kaming bumababa at naglakad patungong room namin. Ibinababa ko ang aking bag sa aking upuan at umupo. Ewan ko pero masaya lang ako kasi makikita ko na ulit si Taehyung at pasalamat talaga ako na napatawad na nga niya ako ng tuluyan.

"Hoy. Parang ang lalim ng iniisip mo diyan huh?. Tapos may pangiti-ngiti ka pang nalalaman, bakit? anong nasa utak mo?." Biglang sulpot ni Chae sa tabi ko.

Inirapan ko nalang siya at ibinaling ang tingin sa bintanang katabi ko lamang.

"Ay ang sungit. Che!." Sabi niya sabay bisangot ng mukha at umalis sa tabi ko. Hindi naman kasi kami magkakatabi, eh anong magagawa ko eh yun yung ibinigay na seat ng teacher naming lakas maka miss minchin.

Kaumay.

"Jen, di ka ba nagugutom?. Tara labas tayo." Hihilahin sana ako ni Lisa na nagyayayang kumain sa Cafeteria kaso di naman ako gutom kaya tinabig ko yung kamay niya at umiling.

"Ay ano ba yan, nagugutom kasi ako eh." Pag ta- tantrums niya. Ano ka bata?.

"Busog pa kasi ako. Ba't di ka kasi kumain muna bago pumasok?!." Iritado kong tanong sakanya na ikinaismir niya sabay nag walk out. Ang arte minsan ng babaeng 'to. Sarap sipain palabas ng universe.

I don't know pero kasi, kakapasok palang namin at umagang umaga ay pagsa init ng ulo ko. Feeling ko, kumukulo ito na parang termos. Parang gusto ko kasing may makitang isang tao na ewan ko kung sino. Naiinis ako sa sarili ko, ang arte ko rin pala.

Umub-ob nalang muna ako habang wala pa si miss minchin na maistra namin, pampatanggal lang ng stress.

Di ko na napansing lumabas sila Lisa at Chae, at kung kasama ba pati si Jisoo unni. Mainit kasi talaga ang ulo ko eh. Di naman maaaring magkakaroon ako ngayon eh kakatapos ko lang nung kabilang linggo. Ano yun, may pahabol pa yung mens ko?.

Force Love BK 1 || TAENNIE COMPLETED✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon